10/01/2025
Totoo ba ito?
Muli umanong tatakbo nang walang katunggali si House Speaker Martin Romualdez sa darating na halalan para sa unang distrito ng Leyte.
Siya ang nag-iisang pangalan sa umanong opisyal na balota, na kumakalat ngayon sa social media.
Kapansin-pansin na hindi kasama sa balota ang pangalan ng mga katunggali ni Romualdez na sina Nene Bacale, Danilo Chua, at Minerva Gaut, silang lahat ay diumano’y na-disqualify ng COMELEC.
Si Bacale, na inendorso nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte, ay na-disqualify umano ng COMELEC dahil sa teknikalidad. Gayunpaman, binatikos ito ng kanyang kampo, na nagsasabing hindi siya naabisuhan nang maayos tungkol sa diskwalipikasyon, dahilan upang magduda ang marami sa pagiging patas ng proseso.
Mas lalong lumala ang kontrobersya dahil tila may “news blackout” sa mainstream media tungkol sa isyu. Wala pa umanong inilalabas na opisyal na pahayag ang COMELEC na nagpapaliwanag kung bakit lahat ng mga katunggali ni Romualdez ay na-disqualify.
Ang sitwasyon ay nagdulot ng usap-usapan sa social media, lalo’t marami ang nagtatanong tungkol sa kawalan ng laban sa mga pangunahing posisyon sa lokal na politika. Patuloy na nananatiling makapangyarihan si Romualdez sa rehiyon, na muling inaasahang mananalo nang walang kahirap-hirap.