Ang Tatlong Haring Mago

  • Home
  • Ang Tatlong Haring Mago

Ang Tatlong Haring Mago Ang Opisyal na Pahayagang Onlayn ng Juan R. Liwag Memorial High School

BALITA | LSPC 2024 Elimination Round, sinimulan na sa JRLMHSIsinagawa na ang elimination round ng Local Schools Press Co...
06/11/2024

BALITA | LSPC 2024 Elimination Round, sinimulan na sa JRLMHS

Isinagawa na ang elimination round ng Local Schools Press Conference (LSPC) 2024 sa Juan R. Liwag Memorial High School (JRLMHS) ngayong Miyerkules, ika-6 ng Nobyembre.

Sinimulan ang patimpalak sa pamamagitan ng isang maikling programa na pinangunahan nina Cathleen Jewel Lumibao at Francine Kassandra Venturina, na sinundan ng roll call nina Jenny Estibar, Punong Patnugot ng Ang Tatlong Haring Mago, at Harmin Figueroa, Editor-in-Chief ng The Magi, bago simulan ang mga lecture at kompetisyon sa iba't ibang kategorya.

Inaasahan na malalaman kinabukasan ang resulta ng Top 10 para sa elimination round na magpapatuloy sa final round.

Kuha nina: Shane Leslie Padilla, Sonny Julius Ison, at Joaquin Martin

Kitakits sa LSPC 2024! Mamayang 1pm sa ating covered court 🤩 Goodluck, JRLians!
05/11/2024

Kitakits sa LSPC 2024! Mamayang 1pm sa ating covered court 🤩 Goodluck, JRLians!

ANUNSIYO| LSPC 2024

Magandang buhay, JRLians! Muling nagbabalik ang isang paligsahan na nagtatampok ng husay at talento ng ating mga mag-aaral sa larangan ng pamamahayag.

Handa na ba kayo? Bitbit ang determinasyon at kakayahan, halina’t maging tinig ng ating sintang paaralan. Makilahok na sa Local Schools Press Conference (LSPC) 2024 sa darating na ika-6 at ika-7 ng Nobyembre.

Kitakits, taong blue! Patuloy nawang mag-alab sa puso’t isipan ng bawat estudyante na ang pamamahayag ay isang makapangyarihang kasangkapan upang sugpuin ang katiwalian at bigyang kaliwanagan ang lipunan.








Dibuho nina: Harmin James Figueroa at James Dharell Trinidad

TINGNAN | Panimulang programa sa pagbubukas ng National Reading Month, idinaos sa Juan R. Liwag Memorial High School - J...
05/11/2024

TINGNAN | Panimulang programa sa pagbubukas ng National Reading Month, idinaos sa Juan R. Liwag Memorial High School - Junior High School (JRLMHS-JHS) noong ikaapat ng Nobyembre.

Mga larawang mula kay: Samantha Ashley Arcangel

BALITA | BASHA Pagbasa, pinangunahan ang pagsalubong sa Buwan ng Pagbasani Kian Andrew Pangilinan Sa pangunguna ng organ...
05/11/2024

BALITA | BASHA Pagbasa, pinangunahan ang pagsalubong sa Buwan ng Pagbasa
ni Kian Andrew Pangilinan

Sa pangunguna ng organisasyong Bawat Senior High Aktibo sa Pagbasa (BASHA Pagbasa), opisyal na sinalubong ng Juan R. Liwag Memorial High School - Senior High School (JRLMHS-SHS) pambansang buwan ng pagbasa nitong ika-4 ng Nobyembre.

Pinangunahan ng Boy Scout of the Philippines (BSP) at Girl Scout of the Philippines (GSP) ang programa sa pamamagitan ng Entrance of Colors na isinagawa sa TVL building.

Dumalo ang dalawang pangunahing tagapagsalita na sina Education Program Supervisor - English, Mr. Jeffrey Sta. Ines at Education Program Supervisor - Filipino, Mr. Alexander F. Angeles na nagbigay ng kaniya kaniyang nakaaantig na talumpati sa bawat estudyanteng dumalo sa programa.

“Alam po natin na napakahalaga ng pagbasa dahil kapag hindi ka nakababasa, ikaw ang pinaka kawawang tao o nilalang sa mundo dahil ikaw yung tao na pwedeng maloko pero kapag ikaw ay talagang nakapagbabasa at naiintindihan mo ang lahat ng binabasa mo, ibigsabihin hindi ka maloloko ng kahit na sino” ani Angeles.

Dagdag pa rito, inanunsyo naman ng tagapangulo na si Mr. Mark Bingbong DG. Salaysay na nobyembre 4 hanggang nobyembre 20 gaganapin ang mga programang nakalaan para sa buwan ng pagbasa kabilang ang Book Donation Drive, Drop Everything and Read (Dear), Reading Camp and Read-a-Thon, Storytelling sessions, Tutor of the day, at Outreach Program.

Samantala, ipinakita naman ng mga mag-aaral ang kani-kanilang talento sa storytelling at spoken poetry bilang parte ng idinaos na programa ng BASHA Pagbasa.

Kuha nina: Shane Leslie Padilla at Joaquin Martin

Sa paglipas ng panahon, nag-uumapaw na suporta at pagmamahal ang ipinakikita mo sa amin. Ikaw ang isa sa maraming dahila...
05/11/2024

Sa paglipas ng panahon, nag-uumapaw na suporta at pagmamahal ang ipinakikita mo sa amin. Ikaw ang isa sa maraming dahilan ng aming pagpupursigi at patuloy na pagtahak sa isang landas na kayang makapagbukas ng isipan, makapagpahayag ng katotohanan, at tapat na mapaglingkuran ang lipunan.

Lubos kaming nagpapasalamat, ang ATHM Family, sa dalisay mong paggabay dahil nagawa namin at patuloy pang nag-iigting ang aming pagmamahal sa mundo ng pamamahayag. Hindi ka lang basta naging isang SPA, bagkus ay isang ina rin na siyang kumalinga at umaruga sa amin.

Kaya naman, sa espesyal na araw na ito, hangad namin na ipagkaloob sa iyo ng Poong Maykapal kung ano man ang nilalaman at hinihiling ng iyong puso. Patuloy ka sana niyang gabayan sa pinili mong landas at biyayaan ng kasiyahan at higit na pagpapala sa buhay, trabaho, kalusugan, at pamilya.

Maligayang 🤩 kaarawan 🎉, Gng. Bernadeth Magat! ❣️

— Mula sa ATHM Family 👑💙

ANUNSIYO| LSPC 2024Magandang buhay, JRLians! Muling nagbabalik ang isang paligsahan na nagtatampok ng husay at talento n...
02/11/2024

ANUNSIYO| LSPC 2024

Magandang buhay, JRLians! Muling nagbabalik ang isang paligsahan na nagtatampok ng husay at talento ng ating mga mag-aaral sa larangan ng pamamahayag.

Handa na ba kayo? Bitbit ang determinasyon at kakayahan, halina’t maging tinig ng ating sintang paaralan. Makilahok na sa Local Schools Press Conference (LSPC) 2024 sa darating na ika-6 at ika-7 ng Nobyembre.

Kitakits, taong blue! Patuloy nawang mag-alab sa puso’t isipan ng bawat estudyante na ang pamamahayag ay isang makapangyarihang kasangkapan upang sugpuin ang katiwalian at bigyang kaliwanagan ang lipunan.








Dibuho nina: Harmin James Figueroa at James Dharell Trinidad

LATHALAIN | Sa Mga Yapak ng KahaponNi: Alliyah MartinTik. Tak. Tik. Tak.Tumutunog ang lumang orasang nakasabit sa dingdi...
01/11/2024

LATHALAIN | Sa Mga Yapak ng Kahapon
Ni: Alliyah Martin

Tik. Tak. Tik. Tak.

Tumutunog ang lumang orasang nakasabit sa dingding.
Humihinto. Tumitigil – ngunit hindi. Hindi ito tumitigil – para bang sinasabi na ang oras ay walang katapusan. Ngunit bakit tayo may hangganan?

Malalim na ang gabi nang marinig ko ang malumanay na katok sa aking pintuan. Walang tao. Tanging ang malamig na hangin ang bumungad sa akin, dala ang halimuyak ng sampaguita at ilang-ilang. Sa aming bakuran, isang puting paruparo ang lumilipad-lipad, tila may hinahanap. Sinundan ko ito.

Dinala ako ng paruparo sa isang lugar na punong-puno ng mga lapida at krus. Sa kabila ng dilim, hindi ako natakot. May liwanag na nagmumula sa libu-libong kandilang nakahanay – parang mga bituing bumaba sa lupa upang ipaalala ang mga alaala ng nakaraan.

Para sa ating mga Pilipino, ang Nobyembre ay hindi lamang isang buwan; ito ay isang paglalakbay pabalik sa ating nakaraan, isang pagbabalik-tanaw sa mga yapak ng ating mga mahal sa buhay na nawala na.

Tuwing una at ikalawang araw ng Nobyembre, ang mga Pilipino ay nagtitipon sa mga sementeryo upang gunitain ang All Saint’s Day at All Soul’s Day, o mas kilala bilang Undas. Sa mga araw na ito, ang mga pook na tahimik at madalas walang tao ay nagiging buhay na saksi sa pagmamahal at paggalang ng mga pamilya sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Ang pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo ay hindi lamang isang tradisyon kundi isang makabuluhang pagdiriwang ng alaala.

Hindi lamang isang lugar ng pamamaalam, ang sementeryo ay isang museo ng mga kuwentong hindi pa nasasabi, mga tawang hindi pa naririnig, at mga yakap na hindi pa naipadarama. Dito, makikita ang isang matandang lalaking nakaupo sa tabi ng puntod ng kaniyang asawang yumao, tahimik na nagkukuwento tungkol sa kanilang mga apo. Makikita rin ang mga pamilyang may dalang pagkain, mga kuwentuhan at tawanan na nagbibigay-buhay sa gitna ng katahimikan. May mga batang nagtatakbuhan sa pagitan ng mga lapida, walang kamalay-malay sa bigat ng kalungkutang bumabalot sa lugar.

Ngunit hindi tulad ng mga nakaraang taon, ngayon ay may bagong hamon. Nagbabago ang mundo, at kasama nito ang ating mga tradisyon. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang paggunita. Naghanap tayo ng mga bagong paraan – mga online na pagdarasal, mga litratong ipinadadala sa social media, at mga kandilang sinisindihan sa ating mga tahanan. Sapagkat ang pag-alala ay hindi nakasalalay sa lugar; ito ay nananahan sa ating mga puso.

Habang pinanonood ko ang puting paruparo na lumilipad palayo, naisip ko – ang mga alaala ay parang mga paruparo. Magaan, maganda, at minsang dumadapo sa ating balat upang ipaalala na ang pag-ibig ay walang hangganan. Kahit lumipas ang maraming Nobyembre, ang ating mga mahal sa buhay ay mananatiling buhay sa ating mga alaala – ang buhay na kanilang ipinagkaloob sa atin, ang mga aral na kanilang iniwan, at ang pagmamahal na patuloy nating dinadala.

Tik. Tak. Tik. Tak.
Tulad ng lumang orasan, ang ating pagmamahal ay walang katapusan.

Kartun ni: Eñigo Miguel Mendoza

BALITA | Taong blue, muling naghari sa DSTF 2024ni Gian Axel TecsonBitbit ang husay sa pananaliksik sa larangan ng Agham...
30/10/2024

BALITA | Taong blue, muling naghari sa DSTF 2024
ni Gian Axel Tecson

Bitbit ang husay sa pananaliksik sa larangan ng Agham at Teknolohiya, muling naghari ang mga mag-aaral ng Juan R. Liwag Memorial High School sa ginanap na Division Science and Technology Fair (DSTF) 2024 sa Herminio G. Nicholas High School nitong ika-28 ng Oktubre.

Binigyang parangal ang mga mag-aaral na nagkamit ng kampeonato sa kani-kanilang kategorya: Ulbert John Villaseñor (Physical Science Individual), Harvee Lei Fajardo, Veronica Marie De Silva, at Eneri Eidref Trinidad (Physical Science Team), Noemi Alensuela (Life Science Individual), Markeisha Obrador, Aendelisis Cuevo, at Carl Russell Soliman (Life Science Team), Razmin Caralde (Robotics and Intelligent Machine Individual), Restie Bagasan, Luke Masiclat, at Paul Aquino (Robotics and Intelligent Machine Team), Precious Elize Carrasco (Mathematics and Computational Science Individual), Hans Gabriel Geronimo, Reyanne Faith Cabardo, at Kylene Mae Fernando (Mathematics and Computational Science Team), Maria Krizalyne Dela Cruz, Chelan Red Garcia, at Mike Chester Pineda (Science Innovation Expo Team), Natasha Arcangel, Samara Frias, at Anthony James De Leon (Science Trail).

Bilang pagsisimula ng paligsahan, nagbigay ng pambungad na pagbati si Dr. Mercedes Bactol, Education Program Supervisor sa Agham upang iparating sa bawat mag-aaral ang diwa ng pagtutulungan ng magkakasama.

“Cooperation and teamwork these days are nature part of learning. You can express your ideas and insights better with your co-researchers/investigators with the supervision of your coaches and supervisors,” dagdag pa ni Dr. Bactol.

Binubuo ang naturang paligsahan ng mga kategoryang individual at grupo na: Life Science, Physical Science, Robotics and Intelligent Machine, Mathematics and Computational Science, Science Innovation Expo, at Science Trail.

Samantala, magpapatuloy naman ang mga mag-aaral na nagwagi sa gaganapin na Regional Science and Technology Fair 2024.

Kuha nina: James Dharell Trinidad at Kylee Pradez

24/10/2024


October 25,2024

Mag iingat mga Batang Gapan! 💙

23/10/2024

WALANG PASOK October 24,2024

Bukas ang landfall ng Bagyong Kristine. Para mapanatili ang kaligtasan natin lahat, minabuti po natin na walang pasok sa lahat ng antas ng paaaralan. Kasama sa walang pasok ang government offices at sa private offices naman ay nasa kanila desisyon ang pag suspende ng pasok.

Mag-ingat! Tandaan handa tayo sa Lungsod ng Gapan! 👍

OPINYON | Pamumuno ng iisang dugoni Kylene Jade Anupol        Ngayong panahon ng eleksyon, muling umiingay ang mga apely...
17/10/2024

OPINYON | Pamumuno ng iisang dugo
ni Kylene Jade Anupol

Ngayong panahon ng eleksyon, muling umiingay ang mga apelyido at pangako ng mga datihan nang politiko. Kung hindi pag-ahon sa hukay ng mga napakong pangako, pagpasok naman sa balota ng iba't ibang miyembro ng kanilang pamilya. Ang Pilipinas ay walang dudang nasa ilalim ng isang dinastiya. Mula sa mga dekadang nagdaan, napagpasa-pasahan na mula sa nuno hanggang sa kaapo-apuhan ang puwesto sa politika. At hanggang ngayon, tila ito kanser na patuloy na lumalala at sumisira sa lipunan.

Kamakailan lamang ay naglipana sa social media ang mga balita tungkol sa 'di umano'y mga "bagong mukha" na tatakbo para sa halalan 2025. Ang mga naghain ng kanilang kandidatura o Certificate of Candidacy para sa nalalapit na eleksyon ay mula lang din sa mga pamilyang kasalukuyang nakaupo sa puwesto. Nangunguna na nga riyan ang mga pamilyang Villar at Binay, na muli na namang tumatakbo ngayong eleksyon. Halimbawa, si House Deputy Camille Villar ay kumakasa bilang senador, habang naroon din ang kaniyang ina at kapatid. Tila ba ginagawa nilang pugad ang Senado na minsan ding pinamunuan ng kaniyang amang si Manny Villar.

Isa pa rito si Mayor Binay na tatakbo bilang isang Senador. Ang kaniyang kapatid na si Senador Nancy Binay ang hahalili sa kaniyang puwesto bilang alkalde ng Makati. Sila ay nagrorotasyon sa puwesto, huwag lamang mabitawan ang paghawak sa lungsod at ang kaakibat nitong kapangyarihan.

Mabuti sana kung kasing higpit ng kanilang paghawak sa naturang mga posisyon ang pagpapairal nila sa kanilang polisiya’t prinsipyo. Kung nakikita sana ng taumbayan ang magandang kinapuntahan ng kanilang boto. Ngunit nasaan ang paulit-ulit at nakasasawang pagbabagong inihahain nila?

Madalas na ang pagtakbo sa politika ay parte na ng kanilang pansariling plano. Tila ba nagtatatag sila sa gobyerno ng isang ‘negosyo’ o kung tawagin ay kanilang ‘family business’. At ang iba naman pagkatapos ng isang termino, muling tatakbo upang maging ‘safety net’ ang pagiging politiko at gawin itong isang plano sa pareretiro. Inilalagay lamang nito sa iisang palad ang kapangyarihang taglay ng taumbayan at ng mismong bayan— sa palad ng peligro.

Ayos sa datos mula sa pag-aaral nina Dean Mendoza, naitalang 75 % ng kinatawan ng distrito, 85 % ng mga gobernador, at 66.67 % ng mga mayor ay galing sa dinastiyang pampulitika. Dito pa lamang makikita na paulit-ulit, pamilya sa pamilya, ang mga pangalang inilalagay sa balota.

Sa kabila ng pag-uutos ng Konstitusyon 1987 na ipagbabawal ang paglaganap ng political dynasty, hanggang ngayon ay wala pa ring batas na ipinapasa ang Kongreso para tuldukan ang hindi matapos-tapos na dinastiya sa gobyerno.

Ngunit, bakit nga naman wawakasan, kung ito naman ay kanilang napakikinabangan?

Walang pagbabago kung walang may hangad na magbago nito.

Hindi matatanglawan ng liwanag ang sistema kung patuloy na ihahalal ang mga kandidatong walang hangad kung ‘di ang puwesto at ang kapangyarihan sa tronoIisa na nga ang apelyido, iisa rin ang gawi ng pamumuno. Kaya’t habang wala pa ang batas na magpuputol sa lubid ng dinastiya ng mga pamilyang ito, sana’y pag-isipan kung ano ang tunay na ipinaglalaban ng bawat mamamayan. Dahil sa bawat boto, magdidikta ito ng kung anong pagbabago ang nais makamtan ng bawat Pilipino.

Ang Pilipinas ay hindi isang monarkiya, at hindi rin mula sa isang maharlikang pamilya kung saan ang susunod na uupo ay dapat kapareho ng apelyido ng kasalukuyang nasa termino. Ang tunay na lingkod-bayan ay may pusong magsilbi at magbago ng bulok na sistemang nabuo, hindi maging isang diyos-diyosan na uhaw sa pagkaluklok sa trono ng kapangyarihang sila lang ang nakikinabang.

Kartun ni: Gwen Padilla

BALITA | Implementasyon ng MRP, dinaluhan ng JRLiansnina: Jenny Estibar at Louise RasonabeBilang pagtugon sa Schools Div...
16/10/2024

BALITA | Implementasyon ng MRP, dinaluhan ng JRLians
nina: Jenny Estibar at Louise Rasonabe

Bilang pagtugon sa Schools Division Memorandum No. 384, S. 2024 na pinamagatang Implementation of the Moral Recovery Program (MRP) in Public Elementary and Secondary Schools, ginanap ang isang symposium/recollection na pinangunahan ng Values Formation and Spiritual Transformation Council Inc. sa Conference Hall at Covered Court ng Juan R. Liwag Memorial High School nitong Oktubre 16.

Layunin ng nasabing gawain ang higit pang paglinang sa apat na core values ng Kagawaran ng Edukasyon: maka-Diyos, maka-Tao, maka-Bayan, at maka-Kalikasan sa mga mag-aaral.

Adhikain din nitong paigtingin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting pag-uugali, paggalang sa kapwa, at kagandahang-asal.

"Ang taong tamad, walang mararating sa buhay," pahayag ni G. Ramil Delos Reyes, isa sa mga tagapagsalita mula sa Values Formation and Spiritual Transformation Council Philippines Inc.

Lumahok sa symposium ang mga piling mag-aaral mula sa ikapito hanggang ikasampung baitang sa patnubay ng kanilang mga g**o.

Pinangunahan naman ni G. Joselito Sayo, EPS I ng EsP ang paggawad ng sertipiko ng pagkilala sa mga naging tagapagsalita sa nasabing gawain.

Kuha nina: Gng. Jocelyn S. Pablo, Tashi Lhamo Tseltirum, at Sonny Julius Ison

BALITA | CLSU Caravan, umarangkada para sa mga mag-aaral ng JRLMHS-SHSni: Precious Elize Carrasco Isinagawa ang Central ...
10/10/2024

BALITA | CLSU Caravan, umarangkada para sa mga mag-aaral ng JRLMHS-SHS
ni: Precious Elize Carrasco

Isinagawa ang Central Luzon State University (CLSU) Career Caravan 2024 na may temang Learn&Live your Interests, Passions, Ambitions, and Dreams (LIPAD) na nilahukan ng mga mag-aaral sa Baitang 11 at Baitang 12 sa iba't ibang strand sa Umali Gymnasium ng Juan R. Liwag Memorial High School - Senior High School (JRLMHS-SHS) nitong ika-9 ng Oktubre.

Kuha nina: Joaquin Martin, Shane Padilla, AJ De Ocampo

LATHALAIN | Yeso at Pisara ang Sandatani Maryjoy C. HernandezTungo sa kinabukasan ng kabataan, hatid nila'y karunungan s...
05/10/2024

LATHALAIN | Yeso at Pisara ang Sandata
ni Maryjoy C. Hernandez

Tungo sa kinabukasan ng kabataan, hatid nila'y karunungan sa bawat mag-aaral.

“Last five minutes!”

“Finished or not finished”

“Hindi ko na kukunin ‘yan pagbilang ko ng tatlo!”

Mga katagang kadalasang maririnig sa loob ng silid-aralan tuwing may pagsusulit ang mga mag-aaral. Mga katagang nakatatak sa puso’t isipan ng bawat estudyante, ilang henerasyon man ang dumaan. Mga katagang hatid ay alaalang binuo sa loob ng isang taong panuruan.

Sa bawat pagpasok sa paaralan, hindi matatapos ang isang araw nang walang iniuuwing bagong kaalaman. Iyan ay dahil sa sipag at tiyaga ng mga itinuturing na bayani sa loob ng silid-aralan; mga taong nagsisilbing haligi't ilaw ng ikalawang tahanan sa loob ng paaralan.

Ang dating isang araw lamang na paggunita sa kadakilaan ng mga bayaning naglilingkod sa paaralan -- ang mga g**o, naging isang buwan na ang pagdiriwang. Alinsunod sa Presidential Proclamation bilang 242, S. 2011, inilalaan ang isang buwan mula ika-5 ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre upang gunitain ang mga taong hindi lamang tagapagturo at tagalinang ng kakayahan ng mga mag-aaral, bagkus ay tumatayo rin bilang ikalawang magulang, tagapayo, at matatakbuhan sa oras ng pangangailangan.

Sa selebrasyon ng araw ng mga g**o, pagkilala at parangal ang nararapat na ihandog para sa kanila sapagkat sila ang humuhubog sa kaalaman ng mga mag-aaral. Ngunit hindi ibig sabihing sa araw lamang na ito nararapat bigyang pasasalamat ang mga g**o – kundi sa bawat araw na nakasasalamuha rin sila bilang tanda ng pasasalamat sa malasakit, pasensiya, at kalingang kanilang ipinadarama.

Bawat silid-aralan ay may ikinukubling kuwento ng mga g**ong tumatak sa isipan ng bawat mag-aaral. Nariyan ang mga mapagbirong g**o na laging may baong banat tuwing papasok sa klase, mga istriktong g**o na hindi pinahihintulutan ang pagkakamali sa kaniyang klase, at marami pang ibang ibang may kani-kaniyang paraan ng pagtuturo at pagdidisiplina sa mga mag-aaral. Gayunpaman, kaniya-kaniya man ang istilo ng pagtuturo, ngunit iisa naman ang kanilang mithiin, at ito ay ang matuto ang bawat mag-aaral na kanilang tinuturuan.

Kaya naman, sa bawat tagumpay na nararating, huwag kalilimutang magbigay-pugay sa mga taong naging bahagi ng bawat hakbang patungo sa ating kinaroroonan. Magpasalamat sa ating mga g**o na tumulong upang makamit ang magandang kinabukasan.

Sandata man nila'y simpleng yeso at pisara subalit ang kontribusyon nila sa paghubog ng mga kabataang kinabukasan ng bayan ay walang kapara.

Saludo po kami sa inyo, Ma’am/Sir!

Kartun ni: Fiona Raine Mercado

BALITA | JRLMHS-SHS Teachers, binigyang pasasalamat sa Araw ng mga G**oUpang ipahayag ang buong pusong pasasalamat sa mg...
04/10/2024

BALITA | JRLMHS-SHS Teachers, binigyang pasasalamat sa Araw ng mga G**o

Upang ipahayag ang buong pusong pasasalamat sa mga g**o, sama-samang ipinagdiwang ng mga mag-aaral at g**o ng Juan R. Liwag Memorial High School - Senior High School (JRLMHS-SHS) ang Araw ng mga G**o sa pangunguna ng mga organisasyon nitong ika-4 ng Oktubre sa Umali Gymnasium ng naturang paaralan.

Kuha ni: Neri Alensuela

BALITA | Araw ng mga G**o, Ipinagdiwang sa JRLMHS-JHSIsinagawa ng Juan R. Liwag Memorial High School - Junior High Schoo...
04/10/2024

BALITA | Araw ng mga G**o, Ipinagdiwang sa JRLMHS-JHS

Isinagawa ng Juan R. Liwag Memorial High School - Junior High School (JRLMHS-JHS) ang selebrasyon para sa Araw ng mga G**o ngayong ika-4 ng Oktubre sa covered court ng paaralan, kung saan nagdaos ng programa at pagtatanghal bilang pagkilala sa dedikasyon at sakripisyo ng mga g**o mula sa iba't ibang departamento.

Mga larawang mula kay: Jewel Lumibao

TINGNAN | Atilano at Villareal, kinoronahan bilang Mr. and Ms. Intramurals 2024 noong ika-3 ng Oktubre sa Umali Gymnasiu...
04/10/2024

TINGNAN | Atilano at Villareal, kinoronahan bilang Mr. and Ms. Intramurals 2024 noong ika-3 ng Oktubre sa Umali Gymnasium ng Juan R. Liwag Memorial High School - Senior High School (JRLMHS-SHS).

Kuha nina: Shane Leslie Padilla, James Dharell Trinidad, Aj Zyron De Ocampo, at Joaquin Pierre Martin

TINGNAN | Matagumpay na isinagawa ng Juan R. Liwag Memorial High School - Senior High School (JRLMHS-SHS) ang tatlong ar...
04/10/2024

TINGNAN | Matagumpay na isinagawa ng Juan R. Liwag Memorial High School - Senior High School (JRLMHS-SHS) ang tatlong araw na Intramurals mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 3.

Kuha nina: Shane Leslie Padilla at James Dharell Trinidad

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Tatlong Haring Mago posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ang Tatlong Haring Mago:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share