23/05/2023
Indeed📌📖
"NA-ENTERTAIN, KAYA NADRAIN."
Weeks ago, may nag PM dito sa page and asked a question.
"Kuya, sin po ba ang paglalaro ng video games."
Nung nabasa ko to', I immidiately say na in a way na "Kung nagiging "idol" mo na yung game, Yes." And basically yun din talaga pinaniniwalaan ko, kahit sa mga iba't-ibang form of worldly entertainment ngayon.
But then, what the guy who asked the question don't know is that during that time, kakalaro ko lang din ng Ragnarok Origin. Casual pa lang naman, di naman totally kumukuha ng time ko but, I enjoyed it.
Now konting background, (not to justify or anything) pero kaya ko nilaro yung game is that, growing up wala akong extrang baon pang computer shop para laruin yung game na yun dati. And I was jealous sa mga kuya ko kasi sila nalalaro nila, ako hindi.
Kaya naman fast forward to now kung saan may mga devices na ako, I really enjoyed playing that game.
Now. The problem came, when my wife noticed me.
Usually, hindi niya ako nakikitang naglalaro or "addicted" sa isang game. Kumbaga isa daw yun sa pinapasalamat niya sa akin dati. Kasi we have heard stories of relationship na naapektuhan dahil lang sa games.
Kaya naging problem kasi, nung na-notice niya ako, I was taking advantage of the "Auto-mode" feature nung game kung saan naglalaro siya ng sarili, para magfarm o mag gather ng EXP. Ginagawa ko yun habang nakacharge yung dalawa kong phone.
Sabi niya sa tone na medyo pabiro, "Ano yan? Bat naglalaro yang dalawang phone". Sabi ko ata nun "wala lang, yan wag mo pansinin."
And it started. I got hooked. Day after day, kausap ko man siya or hindi naglalaro ako. And it got worse, During my daily morning devotions. Nagba-Bible reading ako, pero tanaw ko sa tabi yung phone na naka"auto-mode".
Di ako makafocus. Wala ako masyadong matutunan. Naging act lang yung pagde-devo para masabi lang na nagdevo ako. But I was hooked kaya during that time, di ko napansin and nagpatuloy lang.
Then finally, Nagising ako sa katotohanan. I was behind my deadlines, I have no money para sa rent namin, and spiritually drained.
NA-ENTERTAIN, kaya Nadrain.
I was playing too much. Turning a simple game into an idol. Yun na lang laman ng isip ko madalas. Matutulog ako thinking na naka auto mode yung character ko kaya mas mataas na level niya kinabukasan.
Little did I know nade-drain na yung time na sana nakapagdrawing ako. Na sana nakapag gym ako, na sana nakausap ko pa misis ko, na sana nakumusta ko pamilya ko, na sana kumita na lang ako ng para sa budget namin, na sana MAS NAGSPEND AKO NG TIME KAY LORD.
Di ko inasahan na mas ginusto ko yung achievement na naaabot nung character ko, kesa sa pwede ko sanang maabot sa totoong buhay kung nagfocus ako sa purpose ko. I LEARNED MY LESSON. I SINNED.
THANK GOD, HE uses my wife again to remind me of what I've been doing.
She just mentioned na "Sobra na yung paglalaro ko." At boom! By God's grace nagising ako sa katotohanan.
May mga Christian projects ako na kailangan tapusin.
May ministry akong napapabayaan.
May Paalala Project na pwede ko sanang iimprove.
May time ako sa Diyos na hindi sineryoso.
At lahat nang yun nangyari kasi "naglaro lang naman ako."
So babalikan ko yung paalala na sinabi ko sa nagtanong sakin. And I learned the lesson bago pa man tuluyang maging malala.
Praise God! In his grace He led me to repent and stop playing that game again. Decision ko lang na tumigil na sa paglalaro nung game na yun kasi nakita ko yung mga nanakaw nito sa akin. Kaya choice mo na lang Bes, if ever na nararanasan mo din ito. Examine your heart.
Nope, hindi masama yung laro. In my case, naging "idol" siya kaya naging masama. And naniniwala ako na hindi lang sa laro, pati sa lahat ng form of entertainment now.
Paalala lang na sa panahon ngayon, DOBLE INGAT TAYONG MGA KRISTYANO. Dahil anything that can entertain us can drain us kung kulang tayong discernment. KAYA MAS I-VALUE SANA NATIN YUNG NEED NATIN EVERYDAY KAY GOD KESA SA NEED NATING MAENTERTAIN.
Live a life na palaging sini-seek si Lord at nanghihingi ng wisdom at strength para maresist natin yung devil na tinatry tayong alipinin.
Di naman masama mag enjoy sa mga bagay ng mundo unless makasalanan ito at nili-lead tayo nito into idolatry. To a point na magiging slave na tayo.
Mananatiling struggle sa atin ang mga ito kung di tayo magigising sa mga rebuke ni Lord sa atin.
Ang ganda ng sinabi ni John Piper sa desiringGod podcast na napakinggan ko regarding dito. Sabi niya sa nagtanong na hindi daw totoo na hindi natin kayang itigil yung mga bagay na kinaadikan daw natin. Lalo na sa laro. Kung tatakutin ka or bibigyan ng reward tumigil ka lang, magagawa mo naman talaga. Kaya, Get rid of the things na nagsa suck sa atin and making us slave of it. REPENT.
And say with Paul in 1 Corinthians 6:12,
"I am allowed to do anything," you say. My answer to this is that not all things are good. Even if it is true that "I am allowed to do anything," I will not let anything control me like a slave.
BES, Be careful that what God has allowed you to enjoy doesn’t grow into a bad habit that controls you. - LASB
---
For less distrations, and for more paalalas, Read your Bible.