04/01/2024
January 05, 2024
Good Morning Po Sa Lahat!
Emmanuel!
Our Daily MAP with Jesus
Eccleciastes Series
Ecclesiastes 5:10
"Those who love money will never have enough. How meaningless to think that wealth brings true happiness!
Do Not Love Money
Ang nagmamahal daw sa pera ay hindi makukuntento, at ang isipin na ang pera ay magdadala ng tunay na kasiyahan ay walang kabuluhan.
Ang pagyaman, kayamanan, at ang pera ay hindi masama, ito ay kailangan nating lahat.
Ngunit ang tanong, kailan ba nagiging masama ang pera?
Nagiging masama lamang ang pera kapag minahal natin ito. Lalo na kapag minahal natin ito ng higit sa pagmamahal natin sa Diyos
Mateo 6:24
[]“Walang aliping makakapaglingkod nang sabay sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan."
1 Timoteo 6:10
"Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian"
Ang ugat ng lahat ng kasamaan ay ang pagibig sa salapi. Ang tao ay nandadaya, nang-gugulang, nagsisinungaling, di'' nagbabayad ng utang, pumamatay, nanlalamang at marami pang iba. Ito ang nagiging bunga kapag minahal ang salapi.
"May kasabihan na "money is a good servant but not a good master"
Kaya nga mga kapatid, huwag nating mahalin ang pera, gawin natin itong alipin, huwag natin gawing Pànginoon.
"Use money and love people. Don't love money and use people."
~ Joseph Prince
"Huwag mong mamahalin ang pera dahil pananampalataya at buhay mo ay masisira."
-----Jerome L. C
"The love of money destroys everything."
----- Corrientes Collection of Sayings
Happy New Year!
Dear Jesus, help us to avoid loving money, in Jesus name, amen!