Ang Elijan

Ang Elijan Opisyal na Pahayagang Pangkampus sa Filipino ng Sulat National High School

Patuloy na magningning, Sulat High!Sulat National High SchoolOVERALL RANKING1st Runner UpOVERALL CHAMPIONIndividual Cate...
25/01/2025

Patuloy na magningning, Sulat High!

Sulat National High School
OVERALL RANKING
1st Runner Up

OVERALL CHAMPION
Individual Category

SECOND RUNNER UP
Group Category

Division Schools Press Conference 2025
Salcedo, Eastern Samar
January 16-18, 2025



π—¦π—¨π—Ÿπ—”π—§ π—¦π—¨π—Ÿπ—”π—§, π— π—”π—šπ—žπ—”π—₯π—œπ—§, π— π—”π—šπ—žπ—”π—₯π—œπ—§! Isang taus-pusong pagbati, Sulat National High School sa inyong kahanga-hangang tagumpa...
20/01/2025

π—¦π—¨π—Ÿπ—”π—§ π—¦π—¨π—Ÿπ—”π—§, π— π—”π—šπ—žπ—”π—₯π—œπ—§, π— π—”π—šπ—žπ—”π—₯π—œπ—§!

Isang taus-pusong pagbati, Sulat National High School sa inyong kahanga-hangang tagumpay sa 2025 Division Schools Press Conference sa Salcedo, Eastern Samar! Ang inyong pagsusumikap at dedikasyon ay nagbunga ng mga kamangha-manghang parangal, kabilang ang pagiging 1st Runner Up sa Overall Ranking, Overall Champion sa Individual Category, at Second Runner Up sa Group Category. Sa bawat indibidwal at grupong nag-uwi ng karangalan, salamat sa inyong talento at pagsusumikap na nagdala ng tagumpay sa ating paaralan. Ang inyong tagumpay ay patunay ng pagkakaisa, talino, at puso sa larangan ng pamamahayag.



π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | Suot ang kulay kahel na damit ay ipinakita ng kaguruan ng Sulat National High School ang kanilang suporta sa 1...
05/12/2024

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | Suot ang kulay kahel na damit ay ipinakita ng kaguruan ng Sulat National High School ang kanilang suporta sa 18-day campaign to end Violence Against Women and Children na may temang, VAW bigyang wakas, ngayon na ang oras na naglalayong bigyang boses lalo na ang mga kababaihan upang matigil ang karahasan, deskriminasyon at iba pang uri ng pang-aabuso.

Binigyang diin ni Gng. Janice O. Nicart, assistant school principal ng paaralan na ang aktibidad ay suporta sa programa ng Philippine Commision on Woman sa kanilang panawagan na wakasan na ang anumang uri ng karahasan laban sa kababaihan at kabataan.

" Masyadong mababa ang tingin sa kababaihan ng lipunang ating ginagalawan, kumbaga nasa laylayan kung kaya kailangan pa paigtingin ang kamalayan natin sa na RA 9262 o Violence Against Women and Their Children Act." pahayag ni Gng. Nicart.

Dagdag pa rito ay nagkaroon ng sama-samang pagsayaw o zumba ang mga g**o na lalong nagbigay kabuluhan sa programa.

Via Glory Mae LopeΓ±a
πŸ“Έ: Francis Luteria


π—£π—”π—šπ—•π—”π—§π—œ | Isang mainit na pagbati sa mga nagwagi sa 2024 Division Training Workshop on Campus Journalism na ginanap sa G...
25/11/2024

π—£π—”π—šπ—•π—”π—§π—œ | Isang mainit na pagbati sa mga nagwagi sa 2024 Division Training Workshop on Campus Journalism na ginanap sa General Macarthur National Agricultural School! Ang inyong husay, pagkamalikhain, at dedikasyon sa larangan ng pamamahayag ay tunay na nagningning. Ang inyong tagumpay ay hindi lamang patunay ng inyong pagsisikap kundi inspirasyon din sa inyong mga kapwa mamamahayag at tagapayo na patuloy na magtaguyod ng kahusayan sa larangan ng pamamahayag.


π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | Division Training Workshop on Campus Journalism for Secondary School Paper Advisers and Campus Journalists sa ...
25/11/2024

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | Division Training Workshop on Campus Journalism for Secondary School Paper Advisers and Campus Journalists sa General Macarthur National Agricultural School (GMNAS).

πŸ“Έ: Nash ViΓ±ar Oreste at MV Peralta

π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—¨π—£π——π—”π—§π—˜ | ISA NANG SUPER TYPHOON ANG BAGYONG β€œPEPITO”Ayon sa PAGASA Tropical Cyclone update, lumakas at ganap ng ...
16/11/2024

π—ͺπ—˜π—”π—§π—›π—˜π—₯ π—¨π—£π——π—”π—§π—˜ | ISA NANG SUPER TYPHOON ANG BAGYONG β€œPEPITO”

Ayon sa PAGASA Tropical Cyclone update, lumakas at ganap ng Super Typhoon ang Bagyong habang kumikilos kanluran hilagang-kanluran silangan ng Northern Samar palapit sa Bicol Region.

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging umaabot sa 185km/h at pagbugsong 230km/h. Huli itong namataan, 215 kilometers silangan ng Catarman, Northern Samar.

Patuloy na mag-ingat at lumikas lalo na yung mga nakatira sa tabing-dagat sa posibleng storm surge o daluyong.

Main Source: PAGASA

Kaniyang pinahihimpil ang bagyo, na anopa't ang mga alon niyaonay nagsisitahimik. ~Awit 107:29Stay safe, Elijanons!
15/11/2024

Kaniyang pinahihimpil ang bagyo,
na anopa't ang mga alon niyaon
ay nagsisitahimik. ~Awit 107:29

Stay safe, Elijanons!

π—›π—”π—Ÿπ—œπ—‘π—”'𝗧 π— π—”π—šπ—•π—”π—¦π—” | Narito na ang Newsletter ng Ang Elijan para sa District Meet 2024. Mula sa Panitik ng Sinirangan, Hat...
11/11/2024

π—›π—”π—Ÿπ—œπ—‘π—”'𝗧 π— π—”π—šπ—•π—”π—¦π—” | Narito na ang Newsletter ng Ang Elijan para sa District Meet 2024.

Mula sa Panitik ng Sinirangan, Hatid ang Balita't Katotohanan. Sa ngalan ng Ang Elijan Publication, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta sa dalawang araw na puno ng bakbakan at hiyawan. Hanggang sa muli!

Link: https://www.facebook.com/share/p/qCqD4UE1gNpJDbeW/

Narito ang bumubuo ng Ang Elijan:

Punong Patnugot: Angel Irish C. Pinguel
Kawaksing Patnugot: Gregorio A. Rosel Jr.
Tagapamahalang Editor: Kiezha NiΓ±a Fate Abrigon
Patnugot sa Balita: Princess Rhian V. Merillo
Patnugot sa Lathalain: Jade Necesito
Patnugot sa Pampalakasan: Harvey O. Aserit
Patnugot sa Agham at Teknolohiya: Angelica O. Alejo
Patnugot sa Opinyon: Axyl Edles
Patnugot sa Pag-aanyo: Nash ViΓ±ar Oreste
Patnugot sa Pagkhuha ng Larawan: Nicole Anne D. Sumbilla at Jannel Mari Madolid
Patnugot sa Sining: Aleajen Trixel Diones at Sophia Isabel Membreve

Manunulat: Glory Mae LopeΓ±a, Gelene Veronique Traboco, Klynt Ciabal, Althea Acuba, Al Duran, Arlonnica Paano, Ellen May Balita, Marco Decena, Alexandra F. Blando, James Renier Aclan, Mark Lawrence Canales, Ezra Aclan, Aleajen Trixel Diones, Sophia Isabel Membreve, Princess Lyn Cantos at Denz Necesito

Tagapayo: Von A. Nival, Nestor S. Radaza Jr. at Ana Margarita G. Radaza

π—›π—”π—Ÿπ—œπ—‘π—”'𝗧 π— π—”π—šπ—•π—”π—¦π—” | Narito na ang Newsletter ng Ang Elijan para sa District Meet 2024. Layout Artist: Nash ViΓ±ar Oreste
11/11/2024

π—›π—”π—Ÿπ—œπ—‘π—”'𝗧 π— π—”π—šπ—•π—”π—¦π—” | Narito na ang Newsletter ng Ang Elijan para sa District Meet 2024.

Layout Artist: Nash ViΓ±ar Oreste

π—Ÿπ—”π—§π—›π—”π—Ÿπ—”π—œπ—‘ | Mapagkalingang Gabay sa Bawat Atletang MinamahalSa mundo ng palakasan, may mga taong nagpapakita ng kanilang...
10/11/2024

π—Ÿπ—”π—§π—›π—”π—Ÿπ—”π—œπ—‘ | Mapagkalingang Gabay sa Bawat Atletang Minamahal

Sa mundo ng palakasan, may mga taong nagpapakita ng kanilang mga talento, husay sa paglalaro, kasipagan, katapangan at dedikasyon. Mga atletang nagpupursige upang makuha ang karangalan para sa kanilang paaralan. Tila hindi mo makikitaan ng pagod sa kanilang mga mukha. Ngunit magagawa ba nila ang lahat ng ito kung walang taong naniniwala sa kanila?

Tuwing may anunsiyo ang mga g**o, at taga ensayo na may magaganap na palakasan sa paaralan ay may iba't ibang mga atletang napapangisi sa balitang iyon. Ang iba ay natutuwa at ang iba naman ay nalulukot ang mukha. Ang unang nasa isip nila ay 'nakakapagod at ang init-init tuwing may ensayo' sila ay napapagod kaagad, sila ba ay tumatakbo habang nanaginip ng gising? Ang kanilang oras ng pahinga ay nasasakripisyo dahil sa pag-eensayo.

"Discipline at willingness ng isang manlalaro ang dapat na mayroon sila upang makamit nila ang tagumpay," ayon kay coach Jhun Detondoy. Bakit nga ba siya tinawag na coach? Coach saan? Iyan ay isang mumunting tanong na maaaring lumabas sa isip ninyo.

Si coach Jhun Detondoy ay isang g**o sa Del Remedio Elementary School. Siya ang coach sa gymnastics.Simula 2004 hanggang 2024 siya pa rin ang humahawak sa gymnastics. Ang iba sa mga atleta na kanyang tinuruan ay umabot sa EVRAA at iyon ay kanyang itinuturing isang malaking achievement sa karera niya bilang isang g**o at coach.

Ang kaniyang oras ay sinasakripisyo niya para sa kaniyang mga atleta kahit na sobrang puno ng kaniyang mga gawain. Katulad ng isang puno ng kawayan, siya ay nagiging flexible sa lahat ng kanilang gawain. Ang kaniyang libreng oras ay nagagamit niya ngunit hindi sa pagpapahinga, dahil mas inaalala niya ang pag- eensayo ng kaniyang mga atleta.

Naranasan niya ang hirap ng isang pagiging coach. Una sa financial na aspeto, dahil ang isang coach ay minsan gumagasta mula sa sariling bulsa upang magkaroon ng gamit ang kaniyang mga atleta, lalo na kapag walang wala ang kaniyang mga manglalaro. "As a coach, you have to understand yet to be flexible kung anong meron qng manlalaro mo," saad pa ni sir Jhun.

Bawat atleta ay may mga taong nasa likuran nila upang sila ay bigyan ng lakas at suporta. Ang kanilang mga magulang, kaibigan at lalong lalo na ang kanilang mga coach na nagbibigay inspirasyon sa kanila. Kung ikaw ay isang atleta o nais maging atleta balang araw, madami ang mga pagsubok na iyong kakaharapin ngunit, kung ikaw ay handang gawin ang lahat upang makuha ang karangalan na dapat sa'yo, huwag mo sanang kalimutang maging disiplinado at kung saan ka nagsimula.

Matutong tanggapin ang magiging resulta sa laro at hindi magmukhang kamatis sa tuwing may nakaka angat angat sayo. Pahalagahan mo ang iyong coach at wag mag reklamo kung ano ang ipinagagawa sayo dahil iyon ay para sa ikabubuti mo lamang.

"Pray to God, pray kase kung kinakausap mo ang Panginoon ay siguradong babantayan ka niya at tutulungan ka sa lahat," coach Jhun.

Ang mensahe ni coach Jhun Detondoy ay isang patunay na lahat ng manglalaro ay nakararamdam ng pagod ngunit patuloy na mamahalin ang kanilang ginagawa, patuloy na magdadala ng karangalan sa paaralan. Sa bawat yugto ng pagiging atleta, patuloy nating pahalagahan ang bawat isa sa kanila.

Mapagod man sa pag- ensayo na mga manglalaro, makaramdam man ng galit dahil sa katigasan ng ulo ng kaniyang mga manlalaro, mainitan man siya sa tirik na araw, ay patuloy niyang mamahalin ang kaniyang mga tinuturuan, patuloy niya itong susuportahan at gagabayan para sa pangarap at karangalan ng bawat atletang minamahal.

πŸ–‹οΈ: Princess Lynn Cantos | Ang Elijan

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | District Meet 2024 Swimming ResultsVia Harvey O. Aserit| Sports Writer
08/11/2024

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | District Meet 2024 Swimming Results

Via Harvey O. Aserit| Sports Writer

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | WAG, RHYTHMIC, AEROBICS GYMNASTICS Results (Elementarya)Via Arlonnica Paano | Sports Writer
08/11/2024

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | WAG, RHYTHMIC, AEROBICS GYMNASTICS Results (Elementarya)

Via Arlonnica Paano | Sports Writer

08/11/2024

π—ͺ𝗔π—₯ π—œπ—¦ π—’π—©π—˜π—₯ | Maraming salamat sa inyong walang sawang pagsubaybay sa Special Coverage ng The Hilltop at Ang Elijan para sa District Meet 2024! Sa loob ng dalawang araw ng masiglang kumpetisyon, sinamahan ninyo kami sa bawat laban, bawat panalo, at bawat sandaling nagbibigay-inspirasyon. Ang inyong suporta at pagtutok ang nagbigay-buhay sa aming layuning ihatid ang kwento ng ating mga atleta at ng kanilang natatanging pagsisikap. Hanggang sa susunod na tagumpay, muli, maraming salamat sa inyo!


08/11/2024

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | SNHS VS. SVIS Volleyball Championship Match.

πŸŽ™οΈ: Marco Decena at Ma. Alexandra Blando
πŸŽ₯: James Renier Aclan
πŸ’»: Ma. Alexandra Blando

08/11/2024

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | Basketball Secondary Championship Match.

πŸŽ™οΈ: Mark Lawrence Canales at Ma. Alexandra Blando
πŸŽ₯: James Renier Aclan
πŸ’»: Ma. Alexandra Blando

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | WAG, MAG, RHYTHMIC, AEROBICS GYMNASTICS Results (Sekondarya)Via Arlonnica Paano | Sports Writer
08/11/2024

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | WAG, MAG, RHYTHMIC, AEROBICS GYMNASTICS Results (Sekondarya)

Via Arlonnica Paano | Sports Writer

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | SNHS binalibag ang SVIS, 79 - 29.Via Gelene Veronique | Sports Writer
08/11/2024

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | SNHS binalibag ang SVIS, 79 - 29.

Via Gelene Veronique | Sports Writer

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | Badminton Women's Singles Result (Sekondarya)Winner: Rena Jane Valera (SNHS)Via Althea Acuba |  Sports Writer
08/11/2024

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | Badminton Women's Singles Result (Sekondarya)

Winner: Rena Jane Valera (SNHS)

Via Althea Acuba | Sports Writer

Address

Sulat
Eastern Samar
6815

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Elijan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share