Islampulis.ph

Islampulis.ph "Islamic Knowledge According to the Qur'an and authentic Hadith "

HATOL SA RIBBON CUTTINGMay iilan sa ating mga Iskolar na nagpahintulot nito, tulad ni Shaikh Abdullah Al Manie' - pangal...
31/08/2024

HATOL SA RIBBON CUTTING

May iilan sa ating mga Iskolar na nagpahintulot nito, tulad ni Shaikh Abdullah Al Manie' - pangalagaan siya nawa ng Allah - , at ang kanyang katuwiran ay hindi daw ito mapapabilang sa Bid'ah dahil hindi naman daw ito tungkol sa Relihiyon.

Ngunit; ang katotohanan ay Haram ito, at maaari ding mapabilang sa Shirk o pagtatambal, at ito ang ating ipapaliwanag sa artikulong ito.

Ang pamantayan natin sa pagbibigay ng Islamikong Hatol ay dapat munang unawain ang puno't dulo ng anumang bagay o pangyayari bago bigyan ng hatol.

الحكم على الشيء فرع عن تصوره.

Kaya ano ba ang malalim na kahulugan ng gawaing ito?

Ang gawaing ito ay unang ginawa sa Europe bilang simbolo ng panibagong simula, "Symbol of a New Beginnings".

Ngunit mayroon pa itong mas malalim na kahulugan.

Bakit Golden ang kulay ng gunting na dapat gamitin? At bakit kulay p**a dapat ang ribbon na puputulin?

Ipinaliwanag ito sa goldenopenings.com at kanilang sinabi:

"The gold color of the scissors represented the true nature of the Buddhist’s minds which are as pure and bright as gold, while the sharpness represented the function of the mind which is both strong and sharp. Red ribbon was used because the color symbolized a world full of hatred, ignorance, and other negative emotions that limit those that live in it. The idea behind this ribbon cutting was that the wisdom from the Buddhist’s pure, bright minds would eventually cut off all negativities in the world."

Kung ganon; may kaakibat ito na pananalig kay Budha, may kaakibat na paniniwala ng mga Buddhist, sa madaling salita; ang gawaing ito ay pananalig at paniniwala sa iba bukod sa Allah, at ito ay malinaw na SHIRK o pagtatambal.

Bukod pa rito ay kabilang ang gawaing ito sa Tashabbuh o panggagaya sa mga taong walang pananampalataya (Kuffar), at ito'y matinding ipinagbawal ng Propeta (saw), kanyang sinabi:

"من تشبه بقوم فهو منهم." رواه أبو داود وصححه الألباني.

"Sinuman ang gumaya sa mga tao ay kabilang na sa kanila." [Isinalaysay ni Abu Daud].

✍ Dr.Muhd-ata Abdulkarim

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗣𝗔𝗡𝗦𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗠𝗜𝗛𝗔𝗡kabilang sa katangian ng Makkah ang pagiging mapayapa at ligtas nito, habang kabila't k...
15/04/2024

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗣𝗔𝗡𝗦𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗠𝗜𝗛𝗔𝗡

kabilang sa katangian ng Makkah ang pagiging mapayapa at ligtas nito, habang kabila't kanang mga lugar ay nasa digmaan at kaguluhan.

ang sabi ng Allah sa Surah Al-angkaboot:

(أولم يروا أنا جعلنا حرما آمنا ويتخطف الناس من حولهم)

(hindi ba nila nakikita na ginawa namin ang MAKKAH na isang ligtas at mapayapang lugar, habang ang mga tao ay kabila't kanang pinagpapatay o ginagawang bihag...)

Ma Sha Allah, hindi biro ang 30 million sa loob lamang ng isang buwan, ito ay nagpapatunay na tunay ngang mayroong kapayapaan sa lugar na ito.

at dahil sa kapayapaan na ito ay tumatamo ng kaliwa't kanang pambabatikos ang Saudi Arabia, maladas itong binabato ng masasakit na salita, tulad ng: DUWAG, MUNAFIQ, TRAYDOR, IBA NA ANG SAUDI NGAUN DAHIL MARAMI NG FITNAH, at iba pa, na tila ba gusto nilang padalus dalus nalang pumasok sa gulo ang bansa na ito para sa huli ay matulad ito sa kanilang mga lugar na kung saan winasak ng digmaan, subalit -Alhamdulillah- dahil hindi ito kailan man mangyayari, sapagkat ang lahat ng nangyayari ngaun ay sumasang-ayon parin sa nilalaman ng Qur'an.

Oo, dumarami nga talga ang Fitnah dito, subalit kong ikukumpara ito sa ibang lugar ng kamusliman ay masasabi parin nating Alhamdulillah dahil kahit papaano ay maroon paring limitasyon ang Fitnah dito.

panatiliin nawa ng Allah ang kapayapaan at katahimikan sa bansa na ito at sa lahat ng bansa ng kamusliman sa buong mundo.

---------
photo from Saudi Buzz

✒ D. No'man Abdulaziz
Islamic University Of Madinah

10/03/2024
HUWAG IBIGAY ANG FIDYAH BAGO MAG-RAMADHAN DAHIL HINDI ITO TANGGAP❗❗❗👉 ANG FIDYA O KAFFARA ay: Ang pagbigay ng pagkain (b...
08/03/2024

HUWAG IBIGAY ANG FIDYAH BAGO MAG-RAMADHAN DAHIL HINDI ITO TANGGAP❗❗❗

👉 ANG FIDYA O KAFFARA ay: Ang pagbigay ng pagkain (bigas) o pagpakain ng walang kakayahang mag-ayuno sa isang mahirap araw-araw sa panahon ng RAMADHAN.

👉 Ang tanging magbigay ng FIDYA ay:

1- Sila na wala ng kakayahang mag-ayuno tulad ng matatanda

2- Sila na maysakit na wala ng pag-asang gumaling tulad ng may kanser etc..

👉 Hindi tanggap ang pagbigay nito bago pumasok ang Ramadhan❗❗

☆ Ang pagbigay ng FIDYA ay may natatanging panahon katulad din ng SALAH. Sinumang magbigay nito na wala pa sa panahon nito ay hindi ito mapabilang sa FIDYA kundi ito ay karaniwang Sadaqa lamang.

👉 Sinabi ni Shaikh Ibn Bazz: "Ang Kaffara (Fidya na ito ay ipinahintulot ibigay sa isang tao a maraming tao at ipinahintulot din ibigay sa unang araw, sa kalagitnaan o sa huling araw ng Ramadhan"

PAALAALA:

♦️ Sinumang nagbigay ng advace ng Fidya na wala pang Ramadhan ay mainam na ulitin niyang magbigay❗

♦️ Mas mainam na ibigay ay Fidya ay pagkain o bigas kaysa sa pera❗

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

قال الشيخ ابن باز رحمه الله:
"وهذه الكفارة يجوز دفعها لواحد أو أكثر، في أول الشهر، أو وسطه، أو آخره" .
انتهى من "مجموع فتاوى ابن باز"(15/203).

✍️ Zulameen Sarento Puti

"Vocabularies of Book 1 of Madina Arabic Course in English and Tagalog."✏ Atty. Ryan Tan Jumaani
01/12/2023

"Vocabularies of Book 1 of Madina Arabic Course in English and Tagalog."

✏ Atty. Ryan Tan Jumaani

ITO PALA ANG MALAKING DAHILAN KUNG BAKIT TAYO PINAG-UTUSAN MAG-SALAM SA KAPWA❗❗👉 Ang pagbati ng "Assalamu Alaikum" sa at...
20/11/2023

ITO PALA ANG MALAKING DAHILAN KUNG BAKIT TAYO PINAG-UTUSAN MAG-SALAM SA KAPWA❗❗

👉 Ang pagbati ng "Assalamu Alaikum" sa ating kapwa ay sadyang napakaraming kabutihan, kabilang rito ay:

♦️ Nagbubunga ng pagmamahalan

♦️ Nagiging ganap (kumpleto) ang pananampalataya etc.

Alam mo ba na ang tamang kahulugan ng "Assalamu Alaikum" ??

Sinabi ni Shaikh Ibn Uthaimeen (kahabagan siya ni Allah):
"Kapag iyong inabi sa iyong kapwa ang "Assalamu Alaikum"

Nangangahulugan na siya ay iyong ipinapanalangin ng Katiwasayan (kaligtasan) mula sa lahat ng suliranin.

☆ Katiwasayan mula sa anumang karamdaman

☆ Katiwasayan mula sa kawalan ng tamang pag-iisip

☆ Katiwasayan sa anumang masamang hangarin mula sa tao

☆ Katiwasayan mula sa mga kasalanan

☆ Katiwasayan sa sakit sa puso (siya ay maging relihiyoso)

☆ Katiwasayan o kaligtasan mula sa impiyerno❗❗

Paalaala:
♦️ Ang pagbati ng Salam ay Sunnah ngunit ang pagsagot nito ay obligado.

♦️Mas malaki ang gantimpala ng unang nagbati kaysa sa sumagot

♦️ DALASIN PO NATIN ANG PAGBABATIAN NG SALAM KAHIT PA MAN TAYO AY MAY PAGTATAMPO SA ATING KAPWA!

قال الشيخ محمد بن صالح العثيمين: "فإذا قلت لشخص: "السلام عليك" فهذا يعني أنك تدعو له بأن الله يسلّمه من كل آفة : يسلّمه من المرض، من الجنون، يسلّمه من شر الناس،
يسلّمه من المعاصي وأمراض القلوب، يسلمه من النار " شرح رياض الصالحين (380/5)

✍️ Zulameen Sarento Puti حفظه الله

IWASAN ANG PAMAMALIMOS "paghingi sa mga tao" KAHIT ITO AY SA IYONG PERSONAL NA PAGDA-DA'WAH❗❗❗👉 Sinabi ni Propeta Muhamm...
14/11/2023

IWASAN ANG PAMAMALIMOS "paghingi sa mga tao" KAHIT ITO AY SA IYONG PERSONAL NA PAGDA-DA'WAH❗❗❗

👉 Sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan): "Mananatili ang taong namamalimos sa mga tao hanggang sa darating sa araw ng paghuhukom na walang natitirang laman sa kanyang mukha" Iniulat Albukhari at ni Muslim.

👉 Inulat sa ibang Hadith: " Sinumang mamalimos sa mga tao na ang hangad ay magparami (ng kayamanan), Katunayan siya ay naghihiling ng baga ng apoy, liitan niya o lakihan ang pamamalimos -Iniulat ni Imam Muslim.

👉 Sa iba pang Hadith: "Kinamumuhian ni ALLAH sa inyo ang tatlo : Isa rito ay ang madalas na panghihingi o pamamalimos sa mga tao" Iniulat ni Albukhari at ni Muslim.

IPINAHINTULOT LAMANG ANG PAMAMALIMOS SA MATINDING PANGANGAILANGANG❗❗

👉 Sinabi ni Ibn Taimiyyah:
"Ang pangunahig hatol sa panghihingi ay Haram (ipinagbawal), Ngunit ito ay ipinahintulot sa matinding pangangailangan"

👉👉 KUNG IKAW AY IIWAS SA PAMAMALIMOS AY IGAGARANTIYA SA IYO NI ALLAH ANG PARAISO

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta:
“Sinuman ang magbigay sa akin ng garantiya upang pangalagaan ang sarili laban sa panghihingi (panlilimos) ay aking igagarantiya sa kanya ang pagpasok sa Paraiso (Jannah)” Inulat ni Imam Abo Dawood

☆☆ ANG MANLIKOM NG KAHOY PANGGATONG UPANG IBENTA AY MAS MAINAM KAYSA MAMALIMOS❗

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta:
"Sumpa man sa may hawak ng aking sarili, kung kukunin ng isa sa inyo ang kanyang lubid at gagamitin niya ito upang manguha ng kahoy (panggatong) at bitbitin sa kanyang likuran; ito ay mas mainam sakanya kaysa tumungo sa sinumang tao upang mamalimos (manghingi), maaaring siya ay bigyan o tanggihan." Inulat ni Imam Al-Bukhari

PAALAALA:

♦️Hangga't maaari ay iwasang na mamalimos sa mga tao maliban sa matinding pangangailangan (wala ng makain o nasa kagipitan). Ang iyong project ay hindi sapat na dahilan upang mamalimos sa mga tao.

♦️ Ang paghahanap-buhay ay hindi dapat na ikahiya, as long as ito ay marangal tulad ng pagsisibak o paghahanap ng panggatong ay pinupuri ni Allah!
Ang nakakahiya ay yaong taong tamad.

♦️ Ang pinaka matinding pamamalimos ay dadayo sa ibang bansa upang mamalimos

♦️ Ito ay munting paalaala sa lahat at wala tayong pinapatamaan o tinutukoy na sinumang tao، ngunit kung natatamaan ka ay magbago kana✌

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

-حديث: " مَن يَكْفُلُ لي أن لا يسألَ النَّاسَ شيئًا وأتَكَفَّلُ لَه بالجنَّةِ" صححه الألباني في صحيح أبي داود 1643
-حديث: " والذي نَفْسِي بيَدِهِ، لَأَنْ يَأْخُذَ أحَدُكُمْ حَبْلَه، فيَحْتَطِبَ علَى ظَهْرِه؛ خَيْرٌ له مِن أنْ يَأْتيَ رَجُلًا، فيَسْأَلَه، أعْطاهُ أوْ مَنَعَه. " رواه البخاري
-حديث: "ما يزال الرجل يسأل الناس حتى يأتي يوم القيامة ليس على وجهه مزعة لحم"رواه البخاري
-حديث: "مَنْ سَألَ النَّاسَ أمْوَالَهُمْ تَكَثُّراً، فَإِنَّمَا يَسْألُ جَمْراً، فَلْيَسْتَقِلَّ أوْ لِيَسْتَكْثِر".رواه مسلم
-قال شيخ الإسلام ابن تيمية رحمه الله :مَسْأَلَةُ الْمَخْلُوقِ " مُحَرَّمَةً فِي الْأَصْلِ وَإِنَّمَا أُبِيحَتْ لِلضَّرُورَةِ " مجموع الفتاوى" (10/182) .

✍ Zulameen Sarento Puti

(1) Lahat ng bagay na tumatama sa alipin ng Allah, ay sadyang nakatadhana na ito sakanya,Gaya ng kasabihan: Hindi mahaha...
03/11/2023

(1) Lahat ng bagay na tumatama sa alipin ng Allah, ay sadyang nakatadhana na ito sakanya,
Gaya ng kasabihan:
Hindi mahahakbangan na hindi malulundagan

Huwag natin kalimutan ang Allah swt.

(2) lahat ng alipin ng Allah ay dadaan sa pagsubok, ngunit ito ay magkakaiba-iba maging sa kapanahonan magkaiba din

Huwag natin kalimutan mag Du'a sa Allāh

(3) Ang Allah ay binibigyan nya ng gantimpala ang taong nagtitimpi sa oras na sya ay nakakaranas ng pagsubok.

Nangangahulugan na natitiis nyang hindi makakapagsalita ng mga kataga na hindi ikakalugod ng Allaah.

Alalahanin natin lagi ang Allah

(4) Pakatandaan,minsan dadapuan ka ng panibagong pagsubok at syang dahilan upang mapigilan ang pagsubok na mas matindi

Magtiwala tayo sa Allaah.

(5) Palakasin ang panalangin sa Allah
Ganun din sa pagkakaron ng koneksyon sa pamilya at ganun dn sa pagtutulungan

Minsan ang ganitong uri ng pagsamba ang syang dahilan ng pagpasok sa paraiso

(6) Huwag natin kalimutan ang pagdadasal sapagkat ang propeta saw kapag mayroon syang problemang kinakaharap ang kanyang ginagawa ay nagdadasal

✍️ DR. NORSAMIN EBRAHIM✍️
Islamic University of Madinah

أعوذ بالله من الشيطان الرجيم[أفحسبتم أنما خلقناكم عبثا وأنكم إلينا لا ترجعون] سورة المؤمنون (١١٥)"Kaya inakala ba ninyo ...
01/10/2023

أعوذ بالله من الشيطان الرجيم

[أفحسبتم أنما خلقناكم عبثا وأنكم إلينا لا ترجعون] سورة المؤمنون (١١٥)

"Kaya inakala ba ninyo na kayo ay Aming nilikha nang walang kabuluhan [walang mahalagang layunin], at kayo ay hindi ibabalik muli sa Amin”

Al-Mu'minoon 115

[أيحسب الإنسان أن يترك سدى]
سورة القيامة
"Inaakala ba ng tao na siya ay pababayaan na lamang [na walang nakaatang na pananagutan]?

Al-Qiyaamah 36

Mga talatang nagpapaalala mula sa dakilang taga paglikha na hindi ka dumating sa mundong ito ng basta basta na lamang, dahil ang Allāh ay mayroong layunin at dahilan sa paglikha sa iyo, ito ang sambahin siya.

✒ D. No'man Abdulaziz
Islamic University of Madinah

ALFUTYA (PAGBIBIGAY HATOL)قال الإمام مالك -رحمه الله- (( ما أفتيت حتى شهد لي سبعون من أهل العلم أني أهل لذلك)).______الم...
30/09/2023

ALFUTYA (PAGBIBIGAY HATOL)

قال الإمام مالك -رحمه الله- (( ما أفتيت حتى شهد لي سبعون من أهل العلم أني أهل لذلك)).
______
المدخل لدراسة الفقه الإسلامي للدكتور الغامدي (ص ٣٢٠)

Pagmasdan ang katagang (من أهل العلم) ibig sabihin MAALAM na mga tao sa usaping islam.

Nangangahulugan na hindi sapat ang pagsasabi ng ating mga follower's ng (MA SHA ALLĀH) para itulak tayo na pasukin ang napaka dilikadong bagay na ito, dahil karamihan sa kanila ay hindi naman maalam sa usaping islam.

Kaya ko ito sinasabi, dahil napakarami nating nakikita sa panahon natin ngayon na basta basta nalang pinapasok ang bagay na ito, kahit ang iba sa kanila ay hindi magawang bumasa ng arabic ng matuwid, at napakalayo pa sa level ng mga taong pwedeng gumawa nito.

Hindi ko nilalahat, at hindi ko rin tinutukoy ang mga kapatid natin na nagsasalin ng mga fatwā ng mga ulama, dahil pwede itong gawin ng kahit sino man basta nakakaintindi lang ng arabic ng mabuti, ang mahalaga ay nasa sa kanila ang tinatawag na الأمانة العلمية في النقل .

✍️✍️
D. No'man Abdulaziz
Islamic University of Madinah

PASIKATIN NATIN, I PM MO AKO KUNG GUSTO MONG MAPANOOD ANG FULL VIDEOiilan lang ito sa mga katagang ginagamit ng mga tao ...
30/09/2023

PASIKATIN NATIN, I PM MO AKO KUNG GUSTO MONG MAPANOOD ANG FULL VIDEO

iilan lang ito sa mga katagang ginagamit ng mga tao ngaun sa mundo ng socmed para pasikatin, o ikalat ang pagkak**ali ng iba.

At sa kasamaang palad ay kumalat narin ito sa mga kamusliman, minsan makikita mo sa socmed ang isang babae na napakaganda ng hijab sa profile pero nag-pupost ng PM ME KUNG GUSTO MO NG FULL VIDEO!!.

anong video ba yun?.

Video ng scandal o kahihiyan ng iba na hindi dapat kinakalat, lalong lalo na kung ito ay magmumula pa sa isang babaeng muslima.

Kung nagk**ali ang kapatid mong Muslim ay dapat takpan mo ang kanyang k**alian at huwag ipahiya, dahil yun ang utos sa atin ng ating relihiyon, ngunit hindi ibig sabihin nun ay hindi mo na itutuwid ang kanyang pagkak**ali, bagkus dapat mo siyang payuhan at pagsabihan sa kanyang pagkak**ali.
Sinabi ng propeta salallahu alayhi wa salam:

[انصر أخاك ظالما أو مظلوما، قالوا: يا رسول الله، هذا ننصره مظلوما، فكيف ننصره ظالما؟ قال: تأخذ فوق يديه]، رواه مسلم

[Tulungan mo ang iyong kapatid, siya man ay hindi makatarungan (mandaraya) o inaapi. Nag sabi ang mga Shahabah: O Rasulullāh, tutulungan namin siya kung siya ay inaapi, ngunit papaano namin siya tutulungan kung siya ay nang-aapi o nandaraya?. Sinabi niya: pigilan mo ang kanyang mga k**ay].

Ibigsabihin nito ay pigilan mo siya sa pag-gawa ng kasalanan o k**alian sa pamamagitan ng salita at gawa.

At sinabi pa ng propeta salallahu alayhi wa salam:
[ومن ستر مسلما ستره الله يوم القيامة] رواه البخاري ومسلم
[At sinuman ang takpan ang isang muslim (sa k**alian o kahihiyan) ay tatakpan siya ng Allāh sa yawmul qiyamah o araw ng paghuhukom].

Ang ibig sabihin nito ay ilalayo siya ng Allāh mula sa impyerno, at tatakpan niya ang kanyang kahihiyan sa araw ng paghuhukom, kung saan ilalatag ang lahat ng mga kasalanang nagawa dito sa ibabaw ng lupa.

Kaya't isipin mabuti ang gantimpalang makakamit sa pagtakip sa kahihiyan o pagkak**ali ng iba.

Sa kabilang dako naman, isipin mo rin ang mapapalang kasalanan sa pagpapakalat ng mga ganitong bagay, dahil sayo may mga taong nagkakasala sa kakapanood ng naishare mong mga videos.
At sa bawat taong nagkakasala dahil dito ay nagkakaroon ka ng ambag sa kasalanan na yun, ang sabi ng propeta salallahu alayhi wa:

[ومن دعا إلى ضلالة كان عليه من الإثم مثل آثام من تبعه لا ينقص ذلك من آثامهم شيئا] رواه مسلم
[At sinumang nag hikayat sa maling turo o gawa ay magkakaroon ng kasalanan tulad ng mga kasalanan ng mga sumusunod sa kanya, nang hindi ito nakakabawas sa kanilang mga kasalanan].

Kaya naman, ugaliing maging maingat sa pagpapakalat ng mga bagay na maaari mong ikapahamak sa kabilang buhay.

Patnubayan nawa tayo ng Allāh.

✍️✍️
D. No'man Abdulaziz
Islamic University of Madinah

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗘𝗥𝗔naniniwala kaba sa kasabihan na ito❓Meron akong napanood na content sa youtube kung saan ...
30/09/2023

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗘𝗥𝗔

naniniwala kaba sa kasabihan na ito❓

Meron akong napanood na content sa youtube kung saan ang isang ᴍɪʟʏᴏɴᴀʀyoɴɢ ʙᴜsɪɴᴇss ᴍᴀɴ ay nagsabi:

"𝚗𝚘𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚑𝚒𝚛𝚊𝚙 𝚙𝚊 𝚊𝚔𝚘 𝚊𝚢 𝚝𝚊𝚔𝚘𝚝 𝚊𝚔𝚘 𝚗𝚊 𝚋𝚊𝚔𝚊 𝚑𝚊𝚋𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚑𝚊𝚢 𝚗𝚊 𝚊𝚔𝚘 𝚖𝚊𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚑𝚒𝚛𝚊𝚙, 𝚜𝚞𝚋𝚊𝚕𝚒𝚝 𝚗𝚊𝚗𝚐 𝚢𝚞𝚖𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚗𝚊 𝚊𝚔𝚘 𝚊𝚢 𝚝𝚊𝚔𝚘𝚝 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚊𝚔𝚘 𝚗𝚊 𝚋𝚊𝚔𝚊 𝚋𝚒𝚐𝚕𝚊 𝚊𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚑𝚒𝚛𝚊𝚙, 𝚝𝚊𝚔𝚘𝚝 𝚊𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚕𝚞𝚐𝚒 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚗𝚎𝚐𝚘𝚜𝚢𝚘 𝚊𝚝 𝚖𝚊𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚙𝚎𝚛𝚊..."

Ang tanong, hindi ba dapat maging masaya na siya dahil mayaman na siya❓❗

Oo dapat ang sagot dito, kung ang pera ay kayang bilhin ang lahat, subalit sadyang hindi lahat ay nabibili sa pera.

Bigyan kita ng halimbawa:
𝐀𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐢𝐲𝐚𝐡𝐚𝐧, napakaraming mayayaman na tao subalit hindi sila masaya sa kanilang buhay, kaliwa't kanan ang kanilang mga problema.

𝐀𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧, maraming mayayaman na tao na hindi kayang kainin ang lahat ng gustong kainin, hindi kayang puntahan ang lahat ng nais mapuntahan, hindi dahil sa wala silang pera, kundi dahil ipinagbabawal ng kanilang mga doktor dahil makakasama sa kanilang kalusugan.

𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐛𝐚𝐢𝐭/𝐦𝐚𝐩𝐚𝐠𝐤𝐮𝐦𝐛𝐚𝐛𝐚, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐭𝐮𝐥𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐰𝐚.
Lahat nito ay hindi nabibili sa pera.

𝐀𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚𝐧, sabi nga ng mga Ulama, kung nabibili lang ang k**atayan ay marahil walang mamatay na mayayaman na tao.

Subalit nasaan nga ba ang tunay na kasiyahan at kapanatagan❓

Ang sagot ay nasa pananampalataya at pag-alaala sa Allāh:

[...ᴡᴀʟᴀɴɢ ᴀʟɪɴʟᴀɴɢᴀɴ, ᴍᴀᴛᴀᴛᴀɢᴘᴜᴀɴ sᴀ ᴘᴀɢ-ᴀʟᴀᴀʟᴀ sᴀ ᴀʟʟᴀ̄ʜ ᴀɴɢ ᴋᴀᴘᴀɴᴀᴛᴀɢᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ᴘᴜsᴏ]. Surah Ar-ra'd (28).

Ang propeta salallahu alayhi wa salam ay nagsasalah sa tuwing nakakaramdam siya ng takot at inaalala ang Allāh, at sinabi pa nya kay BILĀL kalugdan nawa siya ng Allāh:
[يا بلال أقم الصلاة، أرحنا بها] رواه أبو داود وصححه الألباني
[Oh Bilal, tumawag ka ng Iqamah, ipahinga mo kami sa pamamagitan nito].

Dahil ang pagsasalah ay isang kaginhawaan para sa propeta salallahu alayhi wasalam kung saan dito niya kinakausap ang kanyang panginoong Allāh, at ganun din ang kanyang mga UMMAH.
At siya rin ang nagsabi ng:
[وجعل قرة عيني في الصلاة] رواه النسائي.
[At ginawa ang kasiyahan ng aking mata sa pagdarasal].

اللهم لا تجعل الدنيا أكبر همنا ولا مبلغ علمنا ولا إلى النار مصيرنا، واجعل الجنة هي دارنا وقرارنا.
✒D. No'man Abdulaziz
Islamic University of Madinah

️Ang Pinak**agandang Libingan.🎙 Sinabi ni Shaykh ul-Islaam Ibn Taymeeyah:«إن قبر النبي [ﷺ] أفضل قبر على وجه الأرض وقد نه...
01/07/2023

️Ang Pinak**agandang Libingan.

🎙 Sinabi ni Shaykh ul-Islaam Ibn Taymeeyah:

«إن قبر النبي [ﷺ] أفضل قبر على وجه الأرض وقد نهى عن اتخاذه عيداً فقبر غيره أولى بالنهي كائنا من.»
❝Katotohanang ang libingan ng Propeta [ﷺ] ay ang pinak**agandang libingan sa balat ng lupa, at gayunpaman ipinagbabawal na gawin ito bilang isang lugar ng Eid¹ na palagiang binibisita.

Samakatuwid, ang libingan ng sinuman ay nangunguna sa lahat na ipinagbabawal na regular na bisitahin, kahit sino pa ang taong iyon.❞

📚Iqtida As-Siraat, (2/172)

1. Ang Propeta [ﷺ] ay nagsabi:

«لَا تَتَّخِذُوا قَبْرِي عِيدًا.»
❝Huwag gawin ang aking libingan bilang isang lugar ng Eid na palagiang binibisita.❞

📚 Nakolekta Ni Al-Bukhari Sa At-Tareekh

Abu yaminah ✏

Fasting days of Dhu’l-Hijjah 1444Expected 2023============Monday 1st Dhulhijjah 19th June 2023Tuesday 2nd  Dhulhijjah 20...
18/06/2023

Fasting days of Dhu’l-Hijjah 1444
Expected 2023
============

Monday 1st Dhulhijjah 19th June 2023
Tuesday 2nd Dhulhijjah 20th June 2023
Wednesday 3rd Dhulhijja 21st June 2023
Thursday 4th Dhulhijja 22nd June 2023
Friday 5th Dhulhijja 23rd June 2023
Saturday 6th Dhulhijja 24th June 2023
Sunday 7th Dhulhijja 25th June 2023
Monday 8th Dhulhijja 26th June 2023
Tuesday 9th Dhulhijja 27th June 2023 Arafah day

28th June 2023 EID'L ADHA.

MABIGAT NA KASALANAN (119)Ang Bid'ah البدعةAng Bid'ah ay ang lahat ng pagsamba at paniniwala na salungat o hindi sang-ay...
07/02/2023

MABIGAT NA KASALANAN (119)

Ang Bid'ah البدعة

Ang Bid'ah ay ang lahat ng pagsamba at paniniwala na salungat o hindi sang-ayon o hindi kabilang sa kautusan, aral at pamamaraan ng Propeta (saw).

At ito'y napakabigat ding kasalanan, sa katunayan ay ang karamihan dito ay kawalan ng pananampalataya, tulad ng paniniwala ng mga ligaw na sekta, atbp.

Sinabi ng Allah:
"أَمْ لَهُمْ شُرَكَاءُ شَرَعُوا لَهُمْ مِنَ الدِّينِ مَا لَمْ يَأْذَنْ بِهِ اللَّه." [الشورى: 21].

"Mayroon ba silang mga diyos-diyosan na kanilang itinatambal sa Allah na nagtalaga sa kanila ng ilang mga paniniwala na walang pahintulot mula sa Allah?" [As-Shoura: 21].

At sinabi ng Propeta (saw):
"عليكم بسنَّتي وسنَّة الخلفاء الراشدين المهديِّين من بعدي، تمسَّكوا بها، وعَضُّوا عليها بالنواجذ، وإياكم ومحدثات الأمور، فإن كل محدثة بدعة، وكل بدعة ضلالة، وكل ضلالة في النار." رواه مسلم، وزيادة "كل ضلالة في النار" ليس عند مسلم لكن إسناده صحيح كما قاله الألباني رحمه الله.

"(Upang hindi kayo maligaw) ay obligado sa inyo na panghawakan ang aking Sunnah (Pamamaraan) at ang Sunnah ng mga Khulafa Ar-Rashidoun, panghawakan ninyo ito ng mabuti, at iwasan ninyo ang lahat ng mga panibagong paniniwala at gawain, sapagkat lahat ng ito ay Bid'ah, at lahat ng Bid'ah ay pagkaligaw, at lahat ng pagkaligaw ay sa Impiyerno." [Isinalaysay ni Muslim].

Malinaw dito ang pagkakasabi ng Proprta (saw) na lahat ng Bid'ah ay sa Impiyerno, lahat ng Bid'ah ay pagkaligaw, kaya walang mabuting Bid'ah tulad ng sinasabi ng mga Sofie.

At hindi lamang ang Bid'ah ang ipinag-utos ng Propeta (saw) na iiwasan kundi pati narin ang mga taong gumagawa ng Bid'ah ay dapat ring iwasan.

Kanyang sinabi:
"لعنَ اللَّهُ مَن آوى مُحدِثًا." رواه مسلم.

"Isinumpa ng Allah ang taong kumukup-kop sa taong gumagawa ng Bid'ah." [Isinalaysay ni Muslim].

Kanya pang sinabi:
"إذَا رَأَيْتُمُ الَّذِينَ يَتَّبِعُونَ ما تَشَابَهَ منه، فَأُولَئِكَ الَّذِينَ سَمَّى اللَّهُ فَاحْذَرُوهُمْ." رواه مسلم.

"Kapag inyong nakita ang mga taong ang sinusunod lamang ay ang mga Ayat na hindi lantad ang kahulugan (mga taong mapag-gawa ng Bid'ah) ay sila ang binanggit ng Allah (sa Qur-an) kaya mag ingat kayong lahat sa kanila." [Isinalaysay ni Muslim].

At dito nagtatapos ang tinatalakay nating MABIBIGAT NA KASALANAN, magdulot nawa ito sa ating lahat ng malakas na pananampalataya at takot sa parusa, at maging kapanginabangan nawa sa kabilang buhay.

✍ Muhd-ata Abdulkarim

MABIGAT NA KASALANAN (118)Ang Pagtanggi ng Babae sa Kanyang Asawa الامتناع عن الزوجAng tinutukoy natin dito ay ang pagta...
30/01/2023

MABIGAT NA KASALANAN (118)

Ang Pagtanggi ng Babae sa Kanyang Asawa الامتناع عن الزوج

Ang tinutukoy natin dito ay ang pagtanggi ng babae na makipagtalik sa kanyang asawa, isa rin ito sa mabibigat na kasalanan.

Sinabi ng Propeta (saw):
"إِذَا دَعَا الرَّجُلُ امْرَأَتَهُ إلى فِرَاشِهِ فأبَتْ فَبَاتَ غَضْبَانَ عَلَيْهَا لَعَنَتْهَا المَلَائِكَةُ حتَّى تُصْبِحَ." متفق عليه.

"Kapag inanyayahan ng lalaki ang kanyang asawa sa k**a nito (nag alok sa kanya ng pagtatalik) at siya ay tumanggi, at nakatulog ang lalaki na masama ang loob, ay isinusumpa ng mga Anghel ang babae sa buong magdamag." [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

Kanya pang sinabi:
"والَّذي نفْسي بيدِهِ، ما مِن رَجُلٍ يَدْعو امرأتَهُ إلى فِراشِهِ، فتَأْبَى عليه، إلَّا كان الَّذي في السَّماءِ ساخِطًا عليها حتَّى يَرضَى عنها." متفق عليه.

"Sumpa man sa Allah na namamahala sa aking kaluluwa, walang lalaki na nag-alok sa kanyang asawa sa kanyang k**a at siya ay tumanggi, maliban na ang Diyos na nasa langit ay magalit sa kanya hanggang hindi niya ito napapatawad." [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

Ang kahulugan ay kapag nais makipagtalik ng lalaki sa kanyang asawa at inalok niya ito, at tumanggi ang babae, ay magagalit at mananatiling galit ang Allah sa babae hanggat hindi siya napapatawad ng kanyang asawa.

✍ Muhd-ata Abdulkarim

MABIGAT NA KASALANAN (117)Ang Pagkabilib sa Sarili العجب بالنفسIsa rin sa mabibigat na kasalanan na hindi binibigyang pa...
18/01/2023

MABIGAT NA KASALANAN (117)

Ang Pagkabilib sa Sarili العجب بالنفس

Isa rin sa mabibigat na kasalanan na hindi binibigyang pansin ng ilan ay ang pagkabilib sa sarili, lalo na kung ang tao ay wala namang dapat ikabilib sa kanyang sarili.

Sinabi ng Propeta (saw):
"ثلاثة لا يدخلون الجنة: الشيخ الزاني، والإمام الكذَّاب، والعائل المزهو." رواه البزار وحسنه المنذري والألباني.

"Tatlo sa mga tao ang hindi makakapsok sa Paraiso: Ang matandang nangangalunya, at ang pinunong sinungaling, at ang mahirap na bilib sa sarili." [Isinalaysay ni Al Bazzar].

Hampas lupa na nga bilib parin sa sarili.

Kanya pang sinabi:
"لو لم تذنبوا، لخشيت عليكم ما هو أكبر منه العُجْب." رواه البزار وحسنه المنذري والألباني.

"Kung hindi man kayo magkakasala ay nangangamba parin ako na makagawa kayo ng mas malaking kasalanan: Ang pagkabilib sa sarili." [Isinalaysay ni Al Bazzar].

Kanya pang sinabi:
"بيْنما رجلٌ يمشِي في حُلَّةٍ تُعجِبُهُ نفسُهُ، مُرَجِّلٌ جُمَّتَهُ، إذْ خسَفَ اللهُ بهِ الأرْضَ، فهو يتجلْجَلُ فيها إلى يومِ القيامَةِ." متفق عليه.

"Isang araw (noong unang panahon) ay may isang lalaking naglalakad suot ang kanyang magandang damit at nakasulay ng maayos ang kanyang mahabang buhok, at siya ay bilib na bilib sa kanyang sarili, nang biglang pinalamon siya ng Allah sa lupa at siya ay nanatiling nalalansing doon hanggang sa araw ng paghuhukom." [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

✍ Muhd-ata Abdulkarim

MABIGAT NA KASALANAN (116)Ang Musika الأغاني والموسيقىAng pagiging musikero at pakikinig ng Musika ay matinding ipinag b...
14/01/2023

MABIGAT NA KASALANAN (116)

Ang Musika الأغاني والموسيقى

Ang pagiging musikero at pakikinig ng Musika ay matinding ipinag bawal at kabilang sa mabibigat na kasalanan, pinagkasunduan ito ng apat na Madh-hab, dahil sa mga Dalil na nabanggit tungkol dito, at narito ang ilan sa mga Dalil:

Sinabi ng Allah:
"ومن الناس من يشتري لهو الحديث ليضل عن سبيل الله بغير علم ويتخذها هزوا أولئك لهم عذاب مهين." [لقمان: 6].

"At ang ilan sa mga tao ay binibili ang walang kabuluhang salita upang iligaw (ang mga tao) sa landas ng Allah nang walang kaalaman, at upang ito'y kanyang kutyain, ang mga taong yaon ay para sa kanila ang napakatinding parusa." [Lucman: 6].

Sinabi ni Ibn Mas'oud, Ibn Abbas, Jabir (ra), Ekrimah, Sa'eed bin Jubair, Mujahid, at ibapang mga Sahabah at Tabi'oun: "Ang tinutukoy sa Ayat na ito na walang kabuluhang salita ay ang Musika." [Tabari, Ibn Katheer].

Binibili nila; sabi ni As-Sa'die: "Ang kahulugan nito ay labis silang nahumaling sa Musika, at handa silang bilhin pa ito o bayaran ng anumang halaga."

Ang mga taong yaon ay naliligaw ng landas nang hindi nila namamalayan, at naililigaw pa nila ang iba, nang dahil sa Musika, kaya naman; para sa kanila ang kasindaksindak na parusa.

At nang banggitin ng Propeta (saw) ang ilan sa mabibigat na kasalanan at kanyang sinabi na pahihintulutan ito ng mga tao sa huling panahon bilang pagsuway ay binanggit niya kabilang dito ang Musika.

Kanyang sinabi:
"ليكونن من أمتي أقوام يستحلون الحر والحرير والخمر والمعازف". رواه البخاري معلقا، وبين الألباني أنه ورد موصولا في صحيح ابن حبان.

"Magkakaroon sa Ummah na ito (sa huling panahon) ng mga tao na magpapahintulot sa Zina, Sutla, Alak, at Musika." [Isinalaysay ni Al Bukhari at ni Ibn Hibban].

At Narito Ang Salita ng Mga Tanyag na Iskolar Tungkol Dito:

Sinabi ni Imam Al Tabari: "Nagkasundo ang lahat ng mga Iskolar na bawal ang Musika."

Sinabi ni Shaikh Al Bani: "Nagkasundo ang apat na Madh-hab na bawal ang anumang uri ng Musika."

Hatol ng Hanafiyyah sa Musika:

"Ang pakikinig sa Musika ay kasalanan, at ang pagkatuwa sa pakikinig dito ay kawalan ng pananampalataya."

Hatol ng Malikiyyah sa Musika:

Sinabi ni Imam Malik: "Walang nakikinig sa Musika maliban sa mga mapag-gawa ng kasalanan."

Hatol ng Shafi'iyyah sa Musika:

"Ang pakikinig ng Musika ay kasuklam-suklam, at obligadong ipagbawal."

Hatol ng Hanbaliyyah sa Musika:

Sinabi ni Imam Ahmad: "Ang Musika ay nagdudulot sa puso ng pagka-munafiq."

Sinabi ni Ibn Taymiyyah: "Nagkasundo ang apat na Madh-hab na bawal ang Musika, dahil sa Hadith na naisalaysay ni Imam Al Bukhari."

At sinabi pa nya: "Ang Musika ay alak ng mga puso't kaluluwa."

Sinabi ni Ibn Yusof: "Ang pagiging bawal ng Musika ay alam na sa Islam, kaya sinuman ang ipahintulot ito ay Kafir, dahil pinahintulutan niya ang ipanagbawal." [Al Masail Al Kafiyah].

✍ Muhd-ata Abdulkarim

MABIGAT NA KASALANAN (115)Ang Pagtangging Tumistigo o Paglilihim ng Katibayan ترك الشهادة أو كتمانهاAng pagtangging tumi...
12/01/2023

MABIGAT NA KASALANAN (115)

Ang Pagtangging Tumistigo o Paglilihim ng Katibayan ترك الشهادة أو كتمانها

Ang pagtangging tumistigo tuwing kailangan o di kaya ay paglilihim ng mga katibayan ay kabilang sa pagkukubli ng katotohanan, kung kaya ay napakabigat ding kasalanan.

Sinabi ng Allah:
"وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّن كَتَمَ شَهَادَةً عِندَهُ مِنَ اللَّه." [البقرة: 140].

"At sino pa ba ang mas makasalanan sa taong kanyang nilihim ang katibayang sa kanya ay ipinagkatiwala ng Allah." [Al Baqarah: 140].

Kanya ring sinabi:
"وَلَا يَأْبَ الشُّهَدَاءُ إِذَا مَا دُعُوا." [البقرة: 282].

"At huwag tatanggi ang mga tistigo kapag sila ay ipinatawag." [Al Baqarah: 282].

Kanya pang sinabi:
"وَلَا تَكْتُمُوا الشَّهَادَةَ ۚ وَمَن يَكْتُمْهَا فَإِنَّهُ آثِمٌ قَلْبُهُ." [البقرة: 283].

"At huwag ninyo ilihim ang katotohanang inyong nasaksihan (katibayan), at sinuman ang maglihim nito ay tunay na nagkasala ang kanyang puso." [Al Baqarah: 283].

✍ Muhd-ata Abdulkarim

MABIGAT NA KASALANAN (114)Ang Pag-iwan sa Pag-uutos ng Kabutihan at Pagbabawal ng Kasamaan ترك الأمر بالمعروف والنهي عن ...
29/12/2022

MABIGAT NA KASALANAN (114)

Ang Pag-iwan sa Pag-uutos ng Kabutihan at Pagbabawal ng Kasamaan ترك الأمر بالمعروف والنهي عن المنكر

Isa sa mga obligasyon ng bawat Muslim lalong lalo na ang mga Ulama ay ang pag-uutos ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan, ito ang dahilan kung bakit naging bukod tangi ang Umma na ito.

Ngunit sa kasamaang palad ay tinalikuran na ng karamihan sa mga Muslim ang obligasyong ito sa kasalukuyan, at ang mga taong nagsasawagawa nito sanhi ng liit ng kanilang bilang ay naging kasuklamsuklam sa paningin ng nakararami, ang nais lamang pakinggan ng karamihan ay ang mabubuting salaysay tungkol sa Islam, at kanilang ikinagagalit ang pagsasalita tungkol sa masasamang bagay, dahil nakakasakit daw ng damdamin at nagdudulot ng hidwaan.

Hindi nila batid na ang pagpapasintabi sa obligasyong ito ay napakabigat na kasalanan, ito ang dahilan kung bakit isinumpa ng Allah ang mga Hudyo.

Sinabi ng Allah:
"لُعِنَ الَّذِينَ كَفَرُوا مِن بَنِي إِسْرَائِيلَ عَلَىٰ لِسَانِ دَاوُودَ وَعِيسَى ابْنِ مَرْيَمَ ۚ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَوا وَّكَانُوا يَعْتَدُونَ ۝ كَانُوا لَا يَتَنَاهَوْنَ عَن مُّنكَرٍ فَعَلُوهُ ۚ لَبِئْسَ مَا كَانُوا يَفْعَلُونَ." [النساء: 78-79].

"Isinumpa ang mga walang pananampalataya sa Ankan ni Israel sa pamamagitan ng salita ni Daud at ni Eisa na anak ni Maria, dahil sa kanilang pagsuway at pagmamalabis ۝ Sila ay hindi nagbabawal ng kasamaan sa isa't isa, tunay na napakasama ng kanilang ginagawa." [An-Nisa': 78-79].

At Kanya ring sinabi tungkol sa mga taong nagkukubli ng katotohanan:

"إِنَّ الَّذِينَ يَكْتُمُونَ مَا أَنزَلْنَا مِنَ الْبَيِّنَاتِ وَالْهُدَىٰ مِن بَعْدِ مَا بَيَّنَّاهُ لِلنَّاسِ فِي الْكِتَابِ ۙ أُولَٰئِكَ يَلْعَنُهُمُ اللَّهُ وَيَلْعَنُهُمُ اللَّاعِنُونَ." [البقرة: 159].

"Tunay na sila na nagkukubli ng anumang aming ipinahayag na malilinaw na tanda at gabay pagkatapos naming ihayag sa mga tao sa Kasulatang ito ay para sa kanila ang sumpa ng Allah at sumpa ng lahat ng nilalang." [Al Baqarah: 159].

At sinabi ng Propeta (saw):
"والَّذي نَفسي بيدِهِ لتأمُرُنَّ بالمعروفِ ولتَنهوُنَّ عنِ المنكرِ أو ليوشِكَنَّ اللَّهُ أن يبعثَ عليكُم عقابًا منهُ ثمَّ تَدعونَهُ فلا يَستجيبُ لَكُم." رواه الترمذي وصححه الألباني.

"Sumpa man sa aking Panginoon, mag-uutos kayo ng kabutihan at magbabawal kayo ng kasamaan, kundi ay pupuksain kayo ng Allah sa pamamagitan ng isang matinding parusa, pagkatapos ay magsusumamo kayo sa Kanya at hindi na Niya kayo pakikinggan." [Isinalaysay ni At-Tirmidhie].

✍ Muhd-ata Abdulkarim

MABIGAT NA KASALANAN (113)Ang Pamboboso sa Bahay ng Ibang Tao الاطلاع في بيت قومAng pamboboso sa bahay ng mga tao o pagt...
27/12/2022

MABIGAT NA KASALANAN (113)

Ang Pamboboso sa Bahay ng Ibang Tao الاطلاع في بيت قوم

Ang pamboboso sa bahay ng mga tao o pagtingin sa loob ng kanilang pamamahay sa anumang layunin na wala silang pahintulot ay mabigat ring kasalanan.

Sinabi ng Propeta (saw):
"منِ اطَّلعَ على قومٍ بغيرِ إذنِهم فرمَوهُ فأصابوا عينَهُ فلا دِيَةَ لهُ ولا قِصاصَ." متفق عليه.

"Sinuman ang mamboso sa mga tao na wala silang pahintulot, at siya'y kanilang binato at tinamaan ang kanyang mata, ay wala siyang matatanggap na Diyah o Qisas." [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

Ibig sabihin ay walang tatanggaping parusa ang nambato sa kanya.

At kanya ring sinabi:
"مَن اطلعَ في دارِ قومٍ بغيرِ إذنِهم ففقأوا عينَه فقد هُدِرَت عينُه." متفق عليه.

"Sinuman ang mamboso sa pamamahay ng mga tao na wala silang pahintulot, at tinusok nila ang kanyang mata ay wala siyang tatanggaping kabayaran para sa kanyang mata." [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

At sinabi ni Anas (ra):
"أنَّ رَجُلًا اطَّلَعَ مِن بَعْضِ حُجَرِ النبيِّ صَلَّى اللهُ عليه وسلَّمَ، فَقَامَ إلَيْهِ النبيُّ صَلَّى اللهُ عليه وسلَّمَ بمِشْقَصٍ، أوْ: بمَشَاقِصَ، فَكَأَنِّي أنْظُرُ إلَيْهِ يَخْتِلُ الرَّجُلَ لِيَطْعُنَهُ." متفق عليه.

"May isang lalaki ang namboso sa ilan sa mga tahanan ng Propeta (saw), kaya tumayo ang Propeta (saw) at kinuha ang isang palaso upang siya ay tusukin." [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

Kanya pang nasabi:
"أن أعرابيًّا أتى بابَ رسولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم فألقم عينَه خصاصةَ البابِ فبصُرَ به النبيُّ صلى الله عليه وسلَّم فتوخَّاه بحديدةٍ أو عودٍ ليفْقأَ عينَه فلما أن بصُرَ انقمعَ فقال له النبيُّ صلى الله عليه وسلَّم أما إنك لو ثبتَّ لفقأْتُ عينَك." رواه النسائي وصححه الألباني.

"May isang taga desyerto (taga bukid) na dumating sa pinto ng Propeta (saw), at tinapat niya ang kanyang mata sa maliit na butas sa pinto (upang makita ang nasa loob ng bahay), kaya pinuntahan siya ng Propeta (saw) upang tusukin ang kanyang mata gamit ang matulis na bakal, at nang makita siya ng lalaki ay napa-urong, kaya sinabi sa kanya ng Propeta (saw): Kung nanatili ka sa iyong pamboboso ay talagang tutusukin ko ang iyong mata." [Isinalaysay ni An-Nasaie].

✍️ Muhd-ata Abdulkarim

Address

Philippine
Davao City
8000

Telephone

+639917257459

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Islampulis.ph posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Islampulis.ph:

Share


Other Digital creator in Davao City

Show All

You may also like