IMBESTIGADOR SOUTHERN MINDANAO ay isang orihinal na programa ng Super Radyo Davao na AM station ng GMA Network Incorporated. Ito ay matatagpuan sa GMA Complex Shrine Hills Matina, Davao City, Philippines. Ito ang klase ng programa at page na maaring maghatid ng walang kinatatakutan na komentaryo,editoryal, at matatapang na salita at pananalita na maaring hindi kaaya-aya lalong lalo na sa mga apektado ng komento. ( WARNING: Hard hitting Commentary and may contain STRONG LANGUAGE OTHERS MAY FIND OFFENSIVE, VIEWERS DISCRETION AS ADVISED)
2. Lahat ng ideya, komento, at mga bagay-bagay na naibahagi sa pahina(facebook Page) nang kahit sino ay nangangahulugang pagmamay-ari na ng Imbestigador Southern Mindanao at pinapahintulutan ang tagapangasiwa ng pahina o page na ibahagi ito sa publiko na maaring maging sentro ng kahit anong paksa at kahit anong usapin sa Social Media o programa sa radyo.
3. Sa bawat “FOLLOWERS”, “VIEWERS”, “NETIZEN” o anuman at sinuman ay nagbibigay pahintulot sa tagapangasiwa ng pahina (page) na tangalin o i-ban ang kahit sino kung sa tingin ng tagapangasiwa ng pahinang ito na: (a) Hindi totong pangalan ang gamit sa kanyang account, (b) Hindi totoong larawan ang gamit sa kanyang account, (c) direktang pang-iinsulto sa mga tagapangasiwa o sa ibang mga taga-subaybay sa pahina/page, (d) nagnanais maghatid o magsimula ng paksa na kaguluhan, (e) nagbebenta ng kahit ano, (f) nagnanais ng debate ng walang katuturan at ayaw umintindi, (g) ayaw sumunod sa mga alituntunin nga pahinang ito/page.
4. Ang lahat ng bahagi, kasali, o nais makibahagi ng nasabing pahinang ito o page, ay nangunguhulugang nasa tama o wastong gulang/edad na. Kung ito naman ay menor de edad, pinapawalang sala o panangutan ang tagapangasiwa sa pahinang(page) ito sa lahat ng maaring mabasa na makapaghahatid sa kanya ng hindi kanais-nais at hindi ka tangap-tangap dahil sa hindi pa ito maintindihan dahil sa murag kaisipan. Hinihikayat din ang lahat ng magulang/ guardian o tagasubaybay/viewer/netizen na maging responsable sa kanilang sariling account na hindi ito makita o mabuksan ng kahit sinumang kasama na menor de edad ng maiwasan na mabasa/masulyapan ang mga salitang pang matanda lamang (Rated 18)
5. Ang sinuman na sumusubaybay, netizen, followers sa pahinang ito o page ay pinapawalang responsibilidad, kasalanan, o pananagutan ang kahit sinuman sa tagapangasiwa ng kumpanya ng Super Radyo o RGMA Network Incorporated o sa programang Imbestigador Southern Mindanao kung may mga di kanais-nais na mga pangyayari gaya ng pagtatalo o kahit anuman na naganap sa pahina at kung mauwi man sa legal na asunto ng kahit ano at kahit sino na nanganap sa at dahil sa pahina o page na ito.
6. Lahat ng paksa, larawan, imahe, ideya sa pahinang ito o page na ibinahagi, pinadala ng follower/netizen/viewer o kahit ano at sino pa ay pumapayag na istriktong pagmamay-ari na ng Imbestigador Southern Mindanao (Gaya ng nabangit sa panuntunan bilang 2). Lahat ng reproduksiyon, screenshot, o kahit ano pa man na aktibidad o gawain na walang pormal na pahintulot sa tagapangasiwa ng Imbestigador Southern Mindanao ay kinokonsederang ILIGAL at hindi pwedeng gamitin laban sa mga tagapangasiwa ng Super Radyo o RGMA Network Incorporated o kahit sino sa programang Imbestigador Southern Mindanao.
7. Ang tagapangasiwa ay binibigyan ng buong karapatan na baguhin, magdagdag, magbawas ng mga panuntunan at regulasyon sa pahinang ito ng kahit anong oras ng walang pahintulot sa kahit sino o ano pa man at maaring mabasa o malaman ng mga tagasubay-subay/viewers/netizen o mga pagbabago, pagbabawas ng ideya o kahit ano pa man sa pamamagitan ng patuloy nilang pagbabasa at pagbisita o pagsubaybay sa pahina o page na ito.
7. Ang pahinang ito ay maaring hindi sundan o i-unfollow, i-block, o iwasan sa kahit sa anong paraan kung hindi nais ang mga nilalaman ng kahit sino sa social media. Ang sinuman na nagnanais ipagpatuloy ang pagbabasa, pagsubaybay sa pahinang ito at kahit pag-view o pagbisita man lang ay nangunguhulugang sumasang-ayon at NAINTINDIHAN ng mabuti ang lahat ng nasa mga PANUNTUNAN (Rules), REGULASYON (Regulations) at mga kaakibat na KUNDISYON (CONDITIONS) ng pahina o page na ito.
MAHALAGANG PAALALA:
ANG LAHAT NG MABABANGIT NA PAGKATAO, PANGALAN NG TAO, LUGAR, PANGALAN NG ORGANISASYON, KUMPANYA, O KAHIT ANONG PANGALAN NA MABABANGIT SA KOMENTO AT REKLAMO NA MAPAG-UUSAPAN SA PAHINANG ITO AY MANANTILING INOSENTE AT WALANG SALA HANGGAT HINDI NAPAPATUNAYANG NAGKASALA NG WALANG PAGDUDUDA SA SALA NG HUKUMAN. .
8. Para sa mga karagdagang salita na hindi naintindihan maaring tumawag sa hotline number ng Imbestigador Southern Mindanao 0938-727-9999 at bigyan itong linaw sa kahit sinong tagapangasiwa: halimbawa: (a) PAHINA-nangunguhulugang IMBESTIGADOR SOUTHERN MINDANAO PAGE, (b) PANUNTUNAN AT MGA REGULASYON-Rules and Regulations, TAGASUBAYBAY- Followers, TAGAPANGASIWA- May apply to any employee/admin/editor/moderator of Super Radyo Davao and RGMA Network Incorporated and Imbestigador Southern Mindanao Program and page.