TULAY Online - ADDU SHS

TULAY Online - ADDU SHS Ang Opisyal na Pangkampus na Pahayagan ng Ateneo de Davao University Senior High School.

TIGNAN | Safe Spaces: Exploring the Services of the Wellness and Testing CenterIsinagawa ng 12 Humanities and Social Sci...
03/09/2024

TIGNAN | Safe Spaces: Exploring the Services of the Wellness and Testing Center

Isinagawa ng 12 Humanities and Social Science (HUMSS) strand ng Ateneo de Davao University Senior High School ang kanilang kauna-unahang symposium na “Safe Spaces: Exploring the Services of the Wellness and Testing Center” sa kolaborasyon ng Social Sciences Department at Wellness Testing Center ng paaralan noong September 2, 2024.

Ang symposium ay dinaluhan ng mga mag-aaral ng Grade 12 HUMSS, kasama ang mga tagapagsalita na WTC coordinator na si Ms. Imma Concepcion V. Oani at ang HUMSS 12 Counselor na si Ms. Clarence Lui B. Suerte.

Binigyang-diin ng programa ang mga layunin, serbisyo, pamamaraan ng WTC sa counseling, at kung paano maaaring makinabang at masuportahan ng mga mag-aaral ng AdDU - SHS ang kanilang mga adhikain.

Isinulat at larawan ni: Nesza Mile Manapol

“Kumusta ka?” Ngayong buwan ng Setyembre, bigyang kahalagahan ang mental na kalusugan ng bawat isa. Nawa'y maging paalal...
02/09/2024

“Kumusta ka?”

Ngayong buwan ng Setyembre, bigyang kahalagahan ang mental na kalusugan ng bawat isa. Nawa'y maging paalala ito sa ating lahat na kumustahin ang kalagayan ng ating sarili at ng lahat na naka paligid sa atin. Maging sensitibo sa bawat salita; pabaunan ng kabaitan ang mga gawa; at maglaan ng oras na makinig kung kinakailangan.

Kung ikaw man ay nakakaramdam na ika'y nasa dilim at hindi maka-alis, 'wag kang mahiyang humingi ng tulong at magsalita. Palagi mong tandaan na hindi ka nag-iisa at ikaw ay mahalaga.

Isinulat ni: Crestelle Joie Bajado
Dibuho ni: Deo Alfred Panuela

TIGNAN | Opisyal na listahan ng mga kwalipikadong mag-aaral para sa individual events ng Division School Press Conferenc...
31/08/2024

TIGNAN | Opisyal na listahan ng mga kwalipikadong mag-aaral para sa individual events ng Division School Press Conference o DSPC taong 2024 - 2025.

Taas-kamaong pagbati sa mga mag-aaral na naipakita ang kanilang puso at pagmamahal sa pamamahayag. Nawa'y ipatuloy niyo ang pagiging isang tunay na Atenean sa pagbibigay karangalan sa komunidad ng ating paaralan. Handang-handa nang maging isang tulay tungo sa tamang pamamahayag.

Isinulat at dibuho ni: Nesza Manapol

TINGNAN | Opisyal na resulta ng mga nanalo para sa Kulminasyon ng Buwan ng Wika noong ika - 30 ng Agosto taong kasalukuy...
31/08/2024

TINGNAN | Opisyal na resulta ng mga nanalo para sa Kulminasyon ng Buwan ng Wika noong ika - 30 ng Agosto taong kasalukuyan.

Maligayang Buwan ng Wika!

Dibuho nina: Nesza Manapol at Mark Abelarde

TINGNAN | Ngayong araw, Agosto 30, 2024, isinagawa ang kulminasyon ng Buwan ng Wika sa Ateneo de Davao University SHS bi...
30/08/2024

TINGNAN | Ngayong araw, Agosto 30, 2024, isinagawa ang kulminasyon ng Buwan ng Wika sa Ateneo de Davao University SHS bilang pagpapaalala sa kahalagahan ng wikang kasalukuyang ginagamit ng mga Pilipino na siyang naging isa sa mga dahilan din ng ating pagsungkit sa kalayaan.

Tunghayan ang mga kampeonato sa iba't ibang kompetisyon, mula sa pagsulat ng tula hanggang sa mga nag-uwi ng tagumpay sa patimpalak ng Pagpaparada ng mga Kasuotan. ✨

Pagsulat ni: Honey Clear M. Galope
Larawan nina: Mark Rayner C. Abelarde at Crestelle Bajado

TINGNAN | Sa pagpapatuloy ng ating selebrasyon ng Buwan ng Wika, isang Banal na Misa ang idinaos sa ating paaralan bilan...
30/08/2024

TINGNAN | Sa pagpapatuloy ng ating selebrasyon ng Buwan ng Wika, isang Banal na Misa ang idinaos sa ating paaralan bilang pasasalamat at paggunita sa kahalagahan ng ating wika at kultura.

Pagsulat ni: Kristine Mariz Pascual
Larawan ni: Mark Rayner C. Abelarde

Salamat sa mga TULAY ng hustisya at katotohanan. Mabuhay ang mga mamamahayag! ❤️📢
30/08/2024

Salamat sa mga TULAY ng hustisya at katotohanan. Mabuhay ang mga mamamahayag! ❤️📢

Kitakits! ❤️
29/08/2024

Kitakits! ❤️

Ang maniwala sa mga balitang nakakalap sa media nang hindi muna nagsasaliksik kung ito ay tama o mali ay maaaring magdul...
26/08/2024

Ang maniwala sa mga balitang nakakalap sa media nang hindi muna nagsasaliksik kung ito ay tama o mali ay maaaring magdulot ng panganib. Alalahanin na ang media ay naglalaman ng maraming impormasyon, ngunit hindi lahat ng ito ay tama o maaasahan. Maaari tayong mapaniwala ng maling impormasyon na maaaring magdulot ng hindi pagkakaintindihan, takot, o panibugho. Dulot nito, kailangan nating ugaliin ang Conflict Sensitive Journalism o CSJ upang masuri ang katiyakan ng isang impormasyon at maunawaan ang konteksto ng mga balitang ito para mapanatili ang katiwasayan at kapayapaan.

Tingnan ang mga larawan sa ibaba upang malaman ang iba't ibang paraan kung paano suriin ang katotohanan ng mga impormasyon at balitang inyong nakikita.

Muli, maging maingat sa paniniwala at pagbabahagi ng mga impormasyon.

Pagsulat ni: Khloe Cassandra P. Guzman
Dibuho ni: Nesza Manapol at Mark Abelarde

TINGNAN✍️I Ngayong araw, Agosto 26 ay ipinagdiriwang natin ang Araw Ng Mga Bayani (National Heroes Day), isang mahalagan...
25/08/2024

TINGNAN✍️I Ngayong araw, Agosto 26 ay ipinagdiriwang natin ang Araw Ng Mga Bayani (National Heroes Day), isang mahalagang paggunita sa kanilang kabayanihan at mga katapangang naipamalas.

Bilang Pilipino, nararapat na magbigay-pugay sa mga bayaning inalay ang kanilang buhay para sa ating bansang Pilipinas. Nawa'y ang kanilang sakripisyo ay maging inspirasyon sa lahat upang isulong ang kalayaan.

Sa araw na ito, nawa'y sariwain natin ang kanilang mga kadakilaan at ipagpatuloy ang mga layunin para sa lipunan nang malaya at mapayapa.

Dibuho ni: Ellesse Fatima Gasatan
Pagsulat nina: Hindy Ayanabel Moyet at Jacey Arriane Vigil

Manatiling konektado at updated sa lahat ng kaganapan at balita sa AdDU Senior High School! Dito makikita ang mga pinaka...
25/08/2024

Manatiling konektado at updated sa lahat ng kaganapan at balita sa AdDU Senior High School! Dito makikita ang mga pinakamainit na balita, tampok na kwento, at iba pang mahalagang updates. Narito na ang mga opisyal na social media accounts ng Tulay.

Facebook: TULAY Online - AdDU SHS
Instagram at X:
Website: Ang Tulay

Samahan kami sa pag-abot ng mas malawak na koneksyon at impormasyon. Kitakits online, mga Ateneans!

Dibuho nina: Andre Del Rosario at Nesza Manapol
Pagsulat ni: Kristine Mariz Pascual

23/08/2024

TULAY | Mga Hatol, Ating Ipatrol (G11 Parents’ Meeting)

Opisyal na naisakatuparan ang kauna-unahang pagtitipon ng mga magulang ng mga estudyanteng nasa ika-11 baitang. Ang naturang pagtitipon ay pinangunahan ng AdDU SHS Director na si Mr. Ricardo Enriquez, Fr. Jboy Gonzales, at ng iba pang mga importanteng kawani ng paaralan na naging dahilan ng tagumpay sa programa. Bukod pa rito, nabigyan din ng pagkakataon ang mga magulang na maipahayag ang kani-kanilang suhestiyon at opinyon. Tunay ngang ang pagtitipon na ito ay mahalaga upang maipabatid sa mga magulang at mag-aaral na sila ay handang gabayan ng mga g**o, administrasyon, at staff ng paaralan.

Reporter: Charles Ochovilla
Technical Application & Video Editing: Deo Panuela
Videographer: Ellesse Gasatan

TINGNAN✍🏻 | Ngayong araw, Agosto 21, ay ipinagdiriwang natin ang Araw ni Ninoy Aquino, isang mahalagang paggunita sa kan...
21/08/2024

TINGNAN✍🏻 | Ngayong araw, Agosto 21, ay ipinagdiriwang natin ang Araw ni Ninoy Aquino, isang mahalagang paggunita sa kaniyang buhay at kabayanihan.

Si Ninoy ay naging simbolo ng paglaban para sa kalayaan at demokrasya sa ating bansa. Ang kanyang sakripisyo ay nagbigay inspirasyon sa maraming Pilipino upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

Sa araw na ito, nawa’y ating sariwain ang kanyang alaala at ipagpatuloy ang kanyang adhikain para sa isang malaya at makatarungang lipunan.

Dibuho ni: Mark Abelarde
Pagsulat ni: Kristine Pascual

AD MAJOREM DEI GLORIAM! 🤍Dear learners, we feel your enthusiasm for the DSPC Qualifying Exam and with that, we appreciat...
20/08/2024

AD MAJOREM DEI GLORIAM! 🤍

Dear learners, we feel your enthusiasm for the DSPC Qualifying Exam and with that, we appreciate your interest and are excited to see such a strong turnout for this opportunity.

Given this to the high volume of applicants, we are pleased to announce that there will be a Batch 2 screening for DSPC applicants and will take place on Wednesday, August 21, 2024, at 10:30 AM.

To ensure a smooth and organized process, please carefully review the designated rooms for your respective events:

Individual and Group (CDP and OP) Writing Events:

📍Location: Building C, Rooms 404-405

What to bring: Pen and Short bond paper

Group Events (TV/Radio Broadcasting):
📍Location: 4th Floor, Admin Building, Assembly Hall C-D

What to prepare:

Female Anchors - Decent Dress
Male Anchors - Business Attire
News Presenters - White Polo or Polo Shirt

We look forward to your participation and are eager to witness the talents and skills you bring to this year’s DSPC Qualifying Exam.

If you have any questions or need further assistance, please do not hesitate to reach out.

Wishing you all the best of luck! ✍🏻❤️

TINGNAN I Ang TULAY ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-39 na selebrasyon ng Kadayawan. Ito ay isang selebrasyon na kung ...
18/08/2024

TINGNAN I Ang TULAY ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-39 na selebrasyon ng Kadayawan. Ito ay isang selebrasyon na kung saan naipapakita ang kasaganahan ng Davao at nagbibigay pugay sa labing isang tribo ng Davao. Sa pagdiriwang na ito, tampok ang iba't ibang pagkain at prutas tulad ng Durian, Mangosteen, Marang, at Rambutan. Bukod pa rito, binibigyang halaga rin ang mga tradisyonal na sayaw ng mga mahal nating katutubong komunidad sa lungsod. ✨

-kada na!

Pagsulat ni: Honey Clear M. Galope
Dibuho ni: Nesza Manapol

WE HEARD YOUR CALL! 📞❗The 2nd batch of Qualifying Exam for Writing Events (Individual and Grouped), and Broadcasting Eve...
13/08/2024

WE HEARD YOUR CALL! 📞❗

The 2nd batch of Qualifying Exam for Writing Events (Individual and Grouped), and Broadcasting Events (TV and RB), will be conducting another audition on August 23, 2024 (9:00 AM — 5:00 PM)!

BROADCASTING EVENTS‼️
WHERE: Assembly Hall, Administration Building, ** Floor
PLEASE BRING:
- Laptops (TV and Radio Broadcasting)
- Pens/Pencils
- Paper
- Formal Attire (TV Broadcasting)

WRITING EVENTS ‼️
WHERE: Buildings C404 and C405.
PLEASE BRING:
- Pen/Pencil
- Paper

As you navigate this road to success, remember that you have our full support. Show them your talent, use your voice, use your hand. Good luck, journalists! ✍️🤍

TINGNAN I Ginanap kahapon, Agosto 9, 2024, ang unang pangkat ng pagsusuri sa mga susunod na magiging representante ng At...
10/08/2024

TINGNAN I Ginanap kahapon, Agosto 9, 2024, ang unang pangkat ng pagsusuri sa mga susunod na magiging representante ng Ateneo de Davao University SHS sa Division Schools Press Conference.

Ang mga mag-aaral ay sumabak at nagpakita ng kani-kanilang taglay na galing sa iba't ibang kategorya at larangan mapa group event man ito o individual.

Ang mga mag-aaral na ito ang siyang patunay na kailangan ng tiyaga, sipag, at galing upang makamit ang ninanais na tagumpay.

Larawan nina: Michael Rui at Mark Abelarde
Pagsulat ni: Honey Clear M. Galope

TINGNAN | Ngayong araw, opisyal na idinaos ang Club Fair 2024 sa Ateneo de Davao University Senior High School kung saan...
10/08/2024

TINGNAN | Ngayong araw, opisyal na idinaos ang Club Fair 2024 sa Ateneo de Davao University Senior High School kung saan aktibong lumahok ang mga mag-aaral sa pagpili ng kanilang mga club.

Iginawad ang Most Engaging Booth Award sa Sports Cluster at Academic, Publication, and Governance Cluster. Samantala, nakuha ng Religious Cluster ang Most Informative Booth, at ang Arts & Culture ang pinarangalan bilang Most Creative Booth. Bilang dagdag na karangalan, ang Arts & Culture Cluster rin ang kinilalang Overall Winner sa lahat ng kalahok.

Tunay nga na ang naturang aktibidad ay matagumpay at mapayapang naisagawa. 🤝

Pagsulat ni: Kristine Mariz Pascual
Larawan ni: Michael Rui Gildo

PAALALA | Kanselado ang Press Conference qualifying examination ngayong Agosto 10, 2024. Maghintay ng mga karagdagang an...
10/08/2024

PAALALA | Kanselado ang Press Conference qualifying examination ngayong Agosto 10, 2024. Maghintay ng mga karagdagang anunsyo sa mga susunod na linggo. Maraming salamat.

PAGPAPAKITA NG PAGPAPAHALAGA✍️ I Sa araw na ito, Agosto 9, 2024, ipinagdiriwang ang naturang selebrasyon ng National Ind...
09/08/2024

PAGPAPAKITA NG PAGPAPAHALAGA✍️ I Sa araw na ito, Agosto 9, 2024, ipinagdiriwang ang naturang selebrasyon ng National Indigenous People's Day o pagbibigay halaga sa ating indigenous brothers and sisters.

Ang araw na ito ay espesyal sapagkat ating ipinagdiriwang at niyayakap ang kanilang katatagan o talaghay. Bukod pa rito, panahon ito para ipagdiwang ang kanilang natatanging kultura at ang lakas na ipinapakita nila bilang isang komunidad. Ang ating mga kababayang ito ang siyang nagsisilbing tanglaw ng pag-asa at mga kampeon ng layunin.

Sa bawat sandali, nawa'y isaisip ng lahat na sila ay may malalim na papel sa pagpapaunlad ng ating lipunan. Anuman ang ating pinagmulan, lahat tayo ay magkakaugnay at iisa. 🫂❤️

Pagsulat ni: Honey Clear M. Galope
Dibuho ni: Nesza Manapol

DOBLENG TAGUMPAYIsang sunod-sunod na tagumpay ang nakamit ng Pilipinas nang itinaas ang bandila sa dalawang magkasunod n...
06/08/2024

DOBLENG TAGUMPAY

Isang sunod-sunod na tagumpay ang nakamit ng Pilipinas nang itinaas ang bandila sa dalawang magkasunod na gabi na isang pagmamarka ng gintong karangalan sa entablado ng Paris Olympics 2024. Ito ang makasaysayang sandali bunga ng talento at pagod ng tinaguriang “Golden Boy” ng bansa na si Carlos Edriel Yulo.

Noong Agosto 3, nagwagi si Yulo ng ginto sa floor exercise. Buong sigla at determinasyon, kinabukasan ay muling nagningning sa vault finals ang atleta, nakakuha ng 15.166 na puntos para sa ikalawang gintong medalya.

Sa edad na 24, nakamit ni Yulo ang hindi pa nagagawa ng sinumang Pilipino: dalawang gintong medalya sa iisang Olympics. Isang tunay na natatangi ang kanyang talento at dedikasyon na siyang tiyak na uukit sa kasaysayan ng ating bansa.

Pagsulat ni: Alexandra Cañete
Dibuho ni: Nesza Manapol

Maligayang araw, mga aspiring Journalists! Para sa mga sasali sa Campus Journalism Qualifying Examination, narito ang il...
04/08/2024

Maligayang araw, mga aspiring Journalists! Para sa mga sasali sa Campus Journalism Qualifying Examination, narito ang ilang paalala.

Para sa unang batch ng individual events, magdala ng writing materials at yellow paper. Sa group events naman, magdala ng writing materials, yellow paper, at laptop (Kung maaari). Para sa TV broadcasting, kailangan ding magdala ng formal attire.

Para sa ikalawang batch, siguraduhing dalhin ang parehong mga kagamitan sa inyong itinakdang petsa. Huwag kalimutang isumite ang Parent’s Consent Form ngayong August 6, 2024.

Para sa mga karagdagang detalye basahin ang nakapaloob sa mga litrato o i-message ang page ng Tulay at The Blue Bridge.

NO PARENT’S CONSENT NO EXAMINATION!

Pagsulat nina: Andre B. Del Rosario at Lady Geolina
Dibuho ni: Kenchi Gamuhay

ALERTO | Naitala ang 6.8 magnitude na lindol sa Lingig, Surigao del Sur, ngayong araw ika-3 ng Agosto, 6 : 22 ng umaga, ...
03/08/2024

ALERTO | Naitala ang 6.8 magnitude na lindol sa Lingig, Surigao del Sur, ngayong araw ika-3 ng Agosto, 6 : 22 ng umaga, ayon sa PHIVOLCS. Inaasahan pa rin ang mga aftershocks matapos ang lindol .

Pagsulat ni: Andre B. Del Rosario
Dibuho nina: Mark Rayner C. Abelarde at Andre B. Del Rosario

TINGNAN | Idinaos ang Ateneo Senior High School Orientation Program o ASHOP Culmination nitong ika-2 ng Agosto 2024 sa A...
02/08/2024

TINGNAN | Idinaos ang Ateneo Senior High School Orientation Program o ASHOP Culmination nitong ika-2 ng Agosto 2024 sa Ateneo de Davao - Senior High School gymnasium.

Nagpamalas ng talento ang mga ASHOP Facilitators kabilang ang mga miyembro ng Ateneo Voices at Ateneo Blue Belles sa pagbubukas ng programa. Sumunod dito ang mga pagtatanghal mula sa Liga ng mga Atenistang Mananayaw (LIAM), Ateneo Blue Band at Ateneo MASKARA.

Naghatid din ng mensahe ang iba't ibang administrador ng paaralan para sa mga mag-aaral ngayong Akademikong Taon 2024-2025.

Ang nasabing programa ay nagsilbing pagtatapos ng ASHOP Week 2024-2025, na inilunsad noong nakaraang Lunes.

✍🏼 Balita ni: Khloe Cassandra P. Guzman
📷 Larawan nina: Mark Rayner C. Abelarde at Michael Rui Gildo

TINGNAN I Ang Buwan ng Wika ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap tuwing Agosto. Kung kaya, sa unang araw ng buwan n...
01/08/2024

TINGNAN I Ang Buwan ng Wika ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap tuwing Agosto. Kung kaya, sa unang araw ng buwan na ito, nakikiisa ang TULAY sa mahalagang selebrasyon ng Buwan ng Wika na may temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya."

Sa libro ng ating nakaraan, ating bubuksan ang naturang pahina kung saan naglabas ng proklamasyon bilang 1041 ang dating Pangulong Fidel V. Ramos, na nagsasaad ng taunang pagdiriwang tuwing ika-1 ng Agosto hanggang ika-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa.

Ang buwan na ito ay isang maalab na indikasyon ng ating pagmamahal sa bayan, kung paano natin ito ipinaglaban, at nangangahulugan ng ating pagkakaisa bilang mga Pilipino. Ang pagdiriwang na ito ay isang mahalagang parte ng kasaysayan na yumayabong hanggang sa kasalukuyan at magpakailanman.

Ang wikang ito ang magbibigay ng boses sa bawat henerasyon at magbibigay buhay sa katotohanang ang Filipino ay isang mapagpalayang wika. 🇵🇭🤍

Dibuho ni: Khloe Cassandra P. Guzman
Pagsulat ni: Honey Clear M. Galope

Magandang araw, mga Atenista!Nagsimula na ang aming paghahanap para sa mga masigasig at dedikadong mamamahayag para sa n...
31/07/2024

Magandang araw, mga Atenista!

Nagsimula na ang aming paghahanap para sa mga masigasig at dedikadong mamamahayag para sa nalalapit na Division Schools Press Conference. Huwag palampasin ang pagkakataong ito na maging boses para sa bayan! Kung kayo ay may tunay na interes sa mga kasalukuyang pangyayari at may matatag na determinasyon na harapin ang mahahalagang isyu, inaanyayahan namin kayong magparehistro. 📰✍🏼

MAHALAGANG PAALALA🚨:

- Ang mga mag-aaral na nakapag-pre-register lamang ang makakatanggap ng Parent’s Consent Form at sila lamang ang papahintulutang dumalo sa qualifying examination.

- Ang qualifying examination para sa mobile journalism at TV broadcasting ay sabay na magaganap.

- Deadline of registration: August 2

- Dates of qualifying examination: August 9-10 and August 22-23

Dalhin ang mga sumusunod sa araw ng qualifying examination:

Para sa Individual Category:
- Lapis o Ballpen
- Parent’s Consent Form

Para sa Group Category:
- Laptop (Kung maaari)
- Lapis o Ballpen
- Pormal na kasuotan (Para sa TV broadcasting applicants)

Magparehistro na, at ipakita ang inyong potensyal. Inaasahan naming makilala kayo at makita ang inyong husay sa araw ng qualifying examination! 🗣🔊

Register here AdDU SHS DSPC Filipino Category Events Tryouts! https://forms.gle/w5fQq7K4ZiaJwU75A

Register here for AdDU SHS DSPC English Category Events Tryouts!
https://forms.gle/Cz4ZrEPJxP5y9fHE8

Pagsulat ni: Lady Geolina
Dibuho ni: Clint Mark Ypanto

31/07/2024

TuTALK | Balik Eskwela

Simula na ng panibagong akademikong taon at sasabak na naman ang mga Atenista sa kanilang unang araw sa pasukan.

Pakinggan ang mga inaasahan ng bawat Atenista habang sumahimpapawid na ang ASHOP sa pangunguna ng Pulsong Atenista.✈️✈️✈️

Unang araw pa lang at marami ng kapanapanabik na kaganapan sa kampus! Kaya ano sa tingin niyo? Handa na ba sila?

Mga host: Andre B. Del Rosario at Lady Geolina
Pagsulat nina: Nesza Mile M. Manapol at Andre B. Del Rosario
Edit at cameraworks nina: Clint Mark Ypanto at Sotero Albano

TINGNAN l Sa pagdiriwang ng National Campus Press Freedom Day ngayong araw, Hulyo 25, 2024. Nawa'y magbalik tanaw tayong...
25/07/2024

TINGNAN l Sa pagdiriwang ng National Campus Press Freedom Day ngayong araw, Hulyo 25, 2024. Nawa'y magbalik tanaw tayong lahat sa mga sakripisyong pinagdaanan ng mga mamamahayag ng ating bansa.

Tunay ngang ang mga hamon at balakid na naranasan ng mga mamamahayag na ito ay nagbunga ng magandang resulta. Sa pagsusulong ng kalayaan para sa bawat mamamahayag, nabuksan ang tabing ng kawalan ng kamalayan ng mga tao.

Hindi kailanman maisasara ang media, at patuloy nitong ipaglalaban ang katotohanan. Mahirap, ngunit ang mga salitang "pananahimik sa katotohanan" ay hindi nakasulat sa bokabularyo ng bawat mamamahayag. Lumalaban ng patas, lumalaban para sa lahat. ❤️✍️

Dibuho ni: Honey Clear M. Galope
Pagsulat ni: Honey Clear M. Galope

TINGNAN | Ginanap ang “iLEAD 2024: Pioneers of a New Era” nitong ika-19 ng Hulyo 2024 sa Ateneo de Davao University — Se...
20/07/2024

TINGNAN | Ginanap ang “iLEAD 2024: Pioneers of a New Era” nitong ika-19 ng Hulyo 2024 sa Ateneo de Davao University — Senior High School na pinangunahan ng Pulsong Atenista Student Government o PASG, at nilahukan ng mga nasa ika-12 baitang na estudyanteng lideres.

Kabilang sa mga espesyal na panauhing tagapagsalita ay sina G. Paul Adriel Loquias, Charlize Jillian Gazmen, Kristian James Cajes, Rezalvacion Baneke, Royette Carr, at Craig Nathan Alonzo. Layunin ng nasabing workshop ang magbigay kaalaman sa mga dumalo ukol sa epektibo at maayos na pamamaraan sa pamamahala at pangangasiwa ng mga kaganapan para sa panibagong akademikong taon.

Pagsulat at Larawan nina: Nesza Mile M. Manopol at Khloe Cassandra P. Guzman

Address

McArthur Highway, Bangkal
Davao City
8000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TULAY Online - ADDU SHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to TULAY Online - ADDU SHS:

Videos

Share


Other News & Media Websites in Davao City

Show All