30/11/2023
legit ❤️
PUHUNAN VS TUBO.
ITO YUNG KADALASAN HINDI NAIINTINDIHAN
Sa kahit ano mang klaseng negosyo, maliit man o malaki, may pwesto man o wala ang reality ay malaki ang puhunan, maliit ang tubo. Kaya lahat ng nagnenegosyo, nagtyatyaga yan. Kahit magsimula sa paunti unti, dadami din basta may sipag at tyaga.
Kadalasan akala ng iba, bawat benta mo, perang panggastos mo na agad yun. Hindi po ganon yun, kukunin lang yung kaunting tubo at yun lang ang pwedeng gastusin, at yung puhunan ay papaikutin uli. Minsan wala pa ngang tinutubo pag nagkaissue ang item or may di inaasahang pangyayare.
Kadalasan yung iba, binabantayan bawat benta mo at sasabihan pang 'ang dami mo ngang nabenta ang yaman mo na siguro'.
Mahirap mamuhunan, mahirap magpaikot nang pera. Hindi ito basta basta kaya alisin natin sa isip natin na porke nakakapagtinda ang tao ibig sabihin ay mayaman na.