22/04/2023
Laguna Copperplate Inscription ๐ต๐ญ
Alinsunod sa lumang kalendaryong Julian, naitala sa araw na ito taong 900 CE ang petsa ng pagkakalikha at pagpapatupad ng nasasaad sa itinuturing na pinakamatandang narekober na dokumentong historikal sa Pilipinas, ang Laguna Copperplate Inscription (LCI).
Taong 1987 nang natagpuan ng isang trabahador na si Ernesto Legisma sa pampang ng ilog Lumbang sa bayan ng Lumban, Laguna ang isang piraso ng plakang tanso, na may sukat na 20 cm ang haba at 30 cm ang lapad, habang naghuhukay ng buhanging gagawing semento. Inuwi niya muna ang nakuhang tanso sa kanilang bahay, at ang asawa niyang si Romana ang unang nakapansin sa mga nakatitik sa plakang tanso na iyon. Sinubukan niyang pagkumparahin ang mga iyon sa mga sulating Arabiko, pero bigo siyang maunawaan ang nakasulat, pero kinumbinsi pa rin niya ang kanyang mister na huwag ikalakal ang nakuhang tanso. Ibinigay nilang mag-asawa ang tanso sa isang antique dealer, at napasakamay ito ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Isang taon na nahiwagaan ang mga arkeologo sa mga misteryosong mga sulat na nakaimprenta sa plakang tanso, hanggang matagumpay na naunawaan ng Dutch na anthropologist na nakabase sa Pilipinas na si Antoon Postma ang mga nakaukit rito noong 1991. Napag-alaman sa pag-decipher ni Postma na ginamit sa mga nakasulat roon ang alpabetong Kawi (Jawi) ng sinaunang Indonesia, at gumamit ito ng mga pinaghalong wikang lumang Tagalog at lumang wikang Javanese, lumang Malay at Sanskrit.
Napag-alaman sa pagkakasalin ng mga tekstong nasa plakang tanso na isa itong dokumento ng pagpapatawad sa isang nagngangalang Namwaran at sa kanyang mga kapamilya ng mga pagkakautang nito na nagkakahalaga ng 1 Kati at 8 suwarna ng ginto, o katumbas ng 926.4 gramo ng ginto na nagkakahalaga ng mahigit tatlong milyong piso ayon sa pera natin ngayon. Nakasulat rin dito ang pagpapatawad kay Namwaran ng kanyang mga pagkakautang dahil sa kanyang paninilbihan bilang isang alipin (marahil bilang parusa sa kanyang hindi pagbabayad ng utang). Bukod sa nilalaman ng dokumentong ito, naglalaman rin ang naturang dokumento ng sinaunang kaalaman ng mga sinaunang Pilipino sa astronomiya at paggawa ng kalendaryong nakabatay sa kilos ng Buwan, batay sa petsang nakasulat rito, ang pagsukat ng timbang at halaga ng ginto. Nakita rin sa nasabing dokumento ang tila ebidensya ng umiral na sinaunang kaharian ng Tundun (Tondo), at ng matiwasay na ugnayang panlabas sa pagitan ng mga kaharian sa Pilipinas at sa nga banyagang kaharian sa Indonesia.
Ganito ang nasusulat sa Laguna Copperplate Inscription ayon sa pagsasalin sa wikang Filipino:
"Mabuhay! Sa taรณng Siyaka 822 (900 CE), buwรกn ng Vaishakh (Marso-Abril), ayon sa astrologo. Ang ikaapat na araw ng pagliรญt ng buwรกn, Lunes. Sa pagkakรกtaรณng itรณ, si Dayang Angkatรกn, sampรป ng kaniyรกng kapatรญd na si Buka, na mga anรกk ng Kagalang-galang na si Namwarรกn, ay ginawaran ng isรกng kasulatan ng lubรณs na kapatawarรกn mulรข sa Punong Pangkalahatan sa Tundรบn sa pagkatawรกn ng Punong Kagawad ng Pailรกh na si Jayadewa.
Sa atas na itรณ, sa pamamagitan ng Tagasulat, ang Kagalang-galang na si Namwarรกn ay pinatawad na sa lahรกt at inalpasรกn sa kaniyรกng utang at kaniyรกng mga nรกhulรญng kabayarรกn na 1 katรฎ at 8 suwarna (926.4 gramo na timbang ng ginto), sa harapรกn ng Kagalang-galang na Punong Kagawad ng Puliran na si Ka Sumurรกn, sa kapangyarihan ng Kagalang-galang na Punong Kagawad ng Pailรกh.
Dahil sa matapรกt na paglilingkรณd ni Namwarรกn bilang isรกng sakop ng Punรฒ, kinilala ng Kagalang-galang at batikรกng Punong Kagawad ng Binwangan ang lahรกt ng nabubuhay pang kamag-anak ni Namwarรกn na inangkรญn ng Punรฒ ng Dewatร , na kinatawรกn ng Punรฒ ng Medรกng.
Samakatwรญd, ang mga nabubuhay na inapรณ ng Kagalang-galang na si Namwarรกn ay pinatawad sa anumรกn at lahรกt ng utang ng Kagalang-galang na si Namwarรกn sa Punรฒ ng Dewatร . Itรณ, kung sakalรฌ, ay magpapahayag kaninumรกn na mulรข ngayรณn kung may taong magsasabing hindรฎ pa alpรกs sa utang ang Kagalang-galang...
Mga Sanggunian:
โข Chua, Xiao (May 28, 2013). "KAHALAGAHAN NG LAGUNA COPPERPLATE AT IKA-400 TAON NG VOCABULARIO NI SAN BUENAVENTURA". IT'S XIAOTIME!. Retrieved April 21, 2023. https://xiaochua.net/2013/05/28/xiao-time-27-may-2013-kahalagahan-ng-laguna-copperplate-at-ika-400-taon-ng-vocabulario-ni-san-buenaventura/
โข Morrow, Paul (n.d.). Ang Kasulatang Tanso ng Laguna. http://paulmorrow.ca/lci.htm