12/01/2023
Kagawaran ng Teknolohiya, Impormasyon, at Patutastas: Kulang sa mga cybersecurity professionals ang Pilipinas
(Mula sa Manila Bulletin)
Ika 20 Disyembre 2022
Ang Kalihim ng Kagawaran ng Teknolohiya, Impormasyon, at Patutastas Ivan John Uy ay nagsabi na kulang ang Pilipinas sa cyber security professionals sa isang panayam sa media ngayong araw, ika 20 Disyembre.
Isa sa mga pangunahing kinababahala ng kagawaran ay ang pagbuo at pagsulong ng kakayahang cybersecurity at cyberdefence ng bansa. Ngunit sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay kapos sa mga cybersecurity professionals.
Sabi ni Uy, “Kulang na kulang tayo. Actually, when we talk about certified cybersecurity experts, we only have about 200 of them in the country. Compared to Singapore, which has about 3,000. Napakaliit na bansa ang Singapore, pero ganon ang numbers nila ,”.
Sa 200 bilang ng cybersecurity professionals sa Pilipinas, tatlumpung porsiyento lamang ang nasa loob ng bansa, samantalang pitongpung porsiyento ang nasa ibayong dagat.
Ayon kay Uy, maraming Pilipino ang may dunong kaugnay sa larangan at pag-aaral ng Impormasyon at Teknolohiya ngunit marami sa kanila ay hindi nakakakuha ng trabaho dahil hindi o kulang sila ng pagpapatibay o katibayan.
Ayon kay Uy, upang matugunan itong suliranin, kinakailangan ang Kagawaran na magpamukala ng mga programa upang ibahagi ang mga kaalaman tungkol sa teknolohiya at impormasyon sa nakararaming tao
Giit ni Uy, “We are deploying skills upgrading in order to get our young people interested in the digital skills that will be necessary to answer the needs of our employers. The DICT is working with all our educational partners from the private sector as well as government institutions like Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Education (DepED), and Commission on Higher Education (CHED) in order to deploy materials and certification programs,”.
Maliban sa dagliang pagsasanay at literacy programs, ang kagawaran ay minimithing bigyan ng salaping pangugugol para sa mga adhikaing program sa mga sumusunod na antas ng kagawaran: agham, teknolohiya, inhinyera, at aghambilang.