08/04/2024
Lagi nila akong tinatanong kung bakit tayo naghiwalay. Wala akong maayos na sagot.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit at paano tayo humantong doon. Paalam ang naging solusyon. Walang ibang pagpipilian. Gusto kong sabihin sa kanila na ikaw ang may kasalanan. Na bigla ka na lang napagod at pinili mo akong sukuan. Pero minsan, iniisip ko, baka meron din akong kasalanan. Na baka kaya ka napagod dahil pinagod kita. Na baka kaya mo piniling sumuko ay dahil ubos ka na. Nahirapan ka nang mahalin at intindihin ako sa bawat araw. Baka kaya ka umalis dahil hindi na kita napapasaya na katulad ng dati.
Baka ako talaga ang problema kaya tayo naghiwalay. Baka ikaw na lang lagi ang umuunawa at naghihintay. Baka nasasaktan na kita noon at tiniis mo na lang.
Kaya tuwing tinatanong nila ako kung bakit tayo naghiwalay, wala akong maayos na sagot. Napapangiti ako nang masakit. Masyadong mapait. Hindi ko alam kung paano tayo roon nauwi. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang problema o may ibang dahilan na hindi mo masabi.
Baka pagod ka nang manatili.
O baka pagod na akong kumapit.
Maaaring pareho tayong naubos sa magkakaibang dahilan at paghihiwalay na lang ang magsasalba ng lahat. Masakit lang isipin na kailangan nating piliin โyong pinakamasakit na solusyon para iligtas ang sarili nating nalulunod.
Alam kong hindi ito ang pinangarap natin noon. Kasal ang gusto natin pareho, pero patawarin sana tayo ng langit kung hanggang dito lang ang kinaya ng paglaban natin.
Siguro nga, may mga pag-ibig na hindi umaalis at meron ding sa una lang handang manatili.๐ญ๐