
04/01/2025
Being an entrepreneur is challenging.
May mga decision ka na makakasakit
nang damdamin nang iba.
Madalas hindi ka mauunawaan at pagiisipan
nang hindi maganda.
May mga kasama ka na sa panahon nang
pangangailangan nila, andyan ka pero pag
ikaw na may kailangan sakanila babye na 🥲
Iniisip mo kapakanan nang lahat habang
sarili lang nila ang importante 😅
Madami kang iluluha, sama nang loob at minsan
magagalit ka, manghihina at mawawalan nang
lakas nang loob 😞
Pero dahil entrepreneur ka, maoovercome mo lahat yan. Makakalimutan at mawawala din sa isipan. Maaalala mo pa din ang mga dati mong kasama at sasabihin mo na lang sa sarili mo kung kamusta na kaya sila.
Babalik at babalik ka sa “why” mo at gagawa ka pa din nang mga bagay na makakasurvive sa naumpisahan mo.
Walang ibang magmomotivate sayo kundi sarili mo at walang ibang magbabangon sayo kundi ikaw lang din.
Hindi ka pwede sumuko, ang mga kasama mo pwede umalis anytime pero ikaw kailangan mo panindigan. Kapag may problema hindi sila apektado at walang ibang magreresolve kundi ikaw lang.
Kaya ikaw na naguumpisa o di kayay nagpapatakbo na nang negosyo, lakasan mo ang loob mo, alisin ang takot at bawasan ang nagpapabigat.
Hindi madali maging entrepreneur pero
sa dulo its all worth it 👊