IFM News Luzon

IFM News Luzon The official page of IFM News Luzon will bring you factual and comprehensive news anywhere and anytime.

NEWBORN HEARING SCREENING MACHINE, ITINURN OVER SA SAMPUNG OSPITAL SA REGION 1Mapapakinabangan na ng mga pasyente ng nap...
17/02/2025

NEWBORN HEARING SCREENING MACHINE, ITINURN OVER SA SAMPUNG OSPITAL SA REGION 1

Mapapakinabangan na ng mga pasyente ng napiling health facilities sa Region 1 ang ipinamahaging Newborn Hearing Screening Machines mula sa Department of Health Ilocos Region.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3WmO

PAGDADALA NG SARILING BOTE OBASO, UPANG MABAWASAN ANG BASURA, ISINUSULONG SA NAGULIAN, LA UNIONIsinusulong ng lokal na p...
17/02/2025

PAGDADALA NG SARILING BOTE OBASO, UPANG MABAWASAN ANG BASURA, ISINUSULONG SA NAGULIAN, LA UNION

Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Naguilian, La Union ang Bring Your Own Bottle o BYBO campaign upang mabawasan ang basura sa bayan.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3WmP

LALAKING KABILANG SA MOST WANTED SA REGION 1, TIMBOGKulungan ang bagsak ng isang lalaki sa bayan ng Binalonan matapos it...
15/02/2025

LALAKING KABILANG SA MOST WANTED SA REGION 1, TIMBOG

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki sa bayan ng Binalonan matapos itong silbihan ng warrant of arrest ng awtoridad.

Nahaharap ang 21 anyos na lalaki sa kasong 3 counts of statutory r**e habang wala ring inirekomendang piyansa para rito.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3WjP

3 KATAO, SINAKSAK SA ISANG BAHAY ILOCOS NORTESaksak ang inabot ang tatlong biktima mula sa 45 anyos na lalaking suspek s...
15/02/2025

3 KATAO, SINAKSAK SA ISANG BAHAY ILOCOS NORTE

Saksak ang inabot ang tatlong biktima mula sa 45 anyos na lalaking suspek sa Laoag City, Ilocos Norte.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pagpasok ng suspek, pinagsasaksak nito ang unang biktima habang ito ay nasa sala lamang ng bahay ng pangalawang biktima.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3WjO

Pinarangalan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 508 barangay sa Region 1, matapos nilang mata...
14/02/2025

Pinarangalan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 508 barangay sa Region 1, matapos nilang matagumpay na makapasa sa Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB).

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3Wgj

BUMABYAHENG MODERNIZED JEEPNEYS SA REHIYON UNO, NADAGDAGANAabot na sa higit 460 modernized jeepney na ang bumibiyahe sa ...
13/02/2025

BUMABYAHENG MODERNIZED JEEPNEYS SA REHIYON UNO, NADAGDAGAN

Aabot na sa higit 460 modernized jeepney na ang bumibiyahe sa buong rehiyon, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

314 ay sa Pangasinan, 28 sa La Union, 71 sa Ilocos Sur, at 47 sa Ilocos Norte.

Ang mga naturang jeepney ay umaarangkada sa mga itinakdang ruta ng mga lokal na pamahalaan sa ilalim ng Local Public Transport Route Plans na parte ng PUV modernization program.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3WcN

APAT NA BAHAY SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, NASUNOGApektado ang nasa 25 indibidwal mula sa Brgy. 1, San Fernando City,...
13/02/2025

APAT NA BAHAY SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, NASUNOG

Apektado ang nasa 25 indibidwal mula sa Brgy. 1, San Fernando City, La Union matapos matupok ng apoy ang kanilang tahanan.

Mabilis umanong kumalat ang apoy at pahirapan ang ginawang pagresponde ng mga awtoridad dahil nasa bulubunduking bahagi ang lugar.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3WcP

NATIONAL YOUTH CONVENTION, ISINAGAWA SA REGION 1Nakiisa ang mahigit pitong daang mga kabataan sa bansa sa naganap na Nat...
13/02/2025

NATIONAL YOUTH CONVENTION, ISINAGAWA SA REGION 1

Nakiisa ang mahigit pitong daang mga kabataan sa bansa sa naganap na National Youth Convention sa lalawigan ng La Union, sa pangunguna ng National Youth Commission (NYC).

Sumentro ang tema ng pagdiriwang ngayong taon sa "Alab: Empowering the Bagong Pilipinas Generation" kung saan tinalakay ang iba't-ibang mga kaalaman ukol sa Youth Empowerment, Leadership at iba pang nakapaloob sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga kabataan.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3WcO

COMELEC REGION 1 DIRECTOR ATTY. NOEL PIPO, NANUMPA NA BILANG BAGONG COMELEC COMMISSIONERNanumpa na sa katungkulan bilang...
13/02/2025

COMELEC REGION 1 DIRECTOR ATTY. NOEL PIPO, NANUMPA NA BILANG BAGONG COMELEC COMMISSIONER

Nanumpa na sa katungkulan bilang isa sa mga bagong talagang Commission on Elections (COMELEC) Commissioner si dating Regional Director Atty. Noli Pipo sa head office ng tanggapan sa Intramuros, Manila kahapon.

Itinalaga mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Pipo bilang kahalili ni Former Commissioner Marlon Casquejo matapos itong magretiro ngayong buwan.

Si Attorney Pipo ay nagsilbing COMELEC Regional Director ng Ilocos Region mula 2006 hanggang sa kasalukuyan bago maging Commissioner.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3WcM

HIGIT P359K HALAGA NG SHABU AT MA*****NA, NASAMSAM SA BUY-BUSTTinatayang nasa Php 359,672.00 halaga ng shabu at ma*****n...
12/02/2025

HIGIT P359K HALAGA NG SHABU AT MA*****NA, NASAMSAM SA BUY-BUST

Tinatayang nasa Php 359,672.00 halaga ng shabu at ma*****na ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation sa Rosales, Pangasinan at Laoag City, Ilocos Norte. Dalawang suspek ang naaresto sa magkasunod na operasyon.

Sa Rosales, Pangasinan, nasamsam ng mga operatiba sa Isang 45 anyos na lalaki ang 51.04 gramo ng shabu na nakalagay sa apat na heat-sealed transparent plastic sachet at isang plastic ice bag. Ang nasabing ilegal na droga ay nasa 347,072.00.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3W5z

MGA NAKUMPISKANG TANGKE NG LPG, SINIRA SA LA UNION NG DTI R1Nasa 47 na mga kumpiskadong tangke ng Liquefied Petroleum Ga...
12/02/2025

MGA NAKUMPISKANG TANGKE NG LPG, SINIRA SA LA UNION NG DTI R1

Nasa 47 na mga kumpiskadong tangke ng Liquefied Petroleum Gas o LPG sa Dau, Mabalacat, Pampanga ang sinira mula sa pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 1.

Nakumpiska ang mga naturang tangke sa isinagawang routine inspection ng DTI Fair Trade Enforcement Bureau sa La Union matapos na hindi pumasa sa safety at quality standards na siyang maaaring magdala ng pinsala sa tao.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3W5w

141 EXAMINEES, SASAILALIM SA MASTER PLUMBERS LICENSURE EXAMINATIONNakatakdang sumailalim sa Master Plumbers Licensure Ex...
12/02/2025

141 EXAMINEES, SASAILALIM SA MASTER PLUMBERS LICENSURE EXAMINATION

Nakatakdang sumailalim sa Master Plumbers Licensure Examination ang nasa mahigit isang daan indibidwal sa darating na February 20 at 21, 2025.

Sa tala ng Professional Regulation Commission (PRC) – Regional Office I, kabuuang isang daan at apatnapu’t-isang examinees ang kukuha ng pagsusulit sa Casanicolasan Elementary School, Brgy. Casanicolasan, Rosales, Pangasinan.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3W5v

KAUNA-UNAHANG WAVE FLUME FACILITY SA PINAS, PINASINAYAAN SA ILOCOS NORTEInilunsad na ang kauna-unahang Wave Flume Labora...
11/02/2025

KAUNA-UNAHANG WAVE FLUME FACILITY SA PINAS, PINASINAYAAN SA ILOCOS NORTE

Inilunsad na ang kauna-unahang Wave Flume Laboratory sa Pilipinas na matatagpuan sa Mariano Marcos State University (MMSU) sa Batac City, Ilocos Norte.

Pinakalayunin na ang pagpapalawig ng pananaliksik pagdating sa wave dynamics, coastal erosion at climate change adaptation.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3W0T

MGA BAYBAYIN SA LA UNION, PATULOY NA DINADAGSANakitaan ng mataas na porsyento ng mga kabataan mula sa Metro Manila ang p...
11/02/2025

MGA BAYBAYIN SA LA UNION, PATULOY NA DINADAGSA

Nakitaan ng mataas na porsyento ng mga kabataan mula sa Metro Manila ang patuloy na pagdagsa ng mga ito sa baybayin ng La Union.

Lumabas sa isang visitor experience survey na sa kabuuang 67% ng mga bumisita, 22% ang middle-aged, 8% ang adult at 3% ang senior citizens na kadalasang nagpupunta upang malibang.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3W0K

DENR REGION 1 , NAGPAALALA SA PAGKAKABIT NG CAMPAIGN POSTERS SA PAGSISIMULA NG CAMPAIGN PERIODOpisyal nang nag-umpisa an...
11/02/2025

DENR REGION 1 , NAGPAALALA SA PAGKAKABIT NG CAMPAIGN POSTERS SA PAGSISIMULA NG CAMPAIGN PERIOD

Opisyal nang nag-umpisa ang campaign period para sa National level, partikular ang mga tatakbo sa pagka-senador at partylist.

Dahil dito, nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources Region 1 ukol sa pagpoposte ng mga campaign paraphernalias.

Ayon sa DENR, nakasaad umano sa Presidential Decree No. 953 na ang pagpako, pag-gun tack o kahit na pagsabit ng anumang poster sa puno ay mahigpit na ipinagbabawal.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3W0J

Awtorisado nang manghuli at magpatupad ng mga ordinansa ng lungsod ang mga barangay officials at tanod sa San Fernando C...
10/02/2025

Awtorisado nang manghuli at magpatupad ng mga ordinansa ng lungsod ang mga barangay officials at tanod sa San Fernando City, La Union.

Sa bisa ng City Ordinance No. 2024-38, maaari nang mag-isyu ng citation tickets ang mga opisyal sa mga mahuhuling lumalabag sa mga ordinansa.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3VWQ

KUSINERO, NAHULIHAN NG PHP 340K NA SHABU'Arestado ang isang 30 anyos na kusinero mula Dingras, Ilocos Norte, matapos mak...
10/02/2025

KUSINERO, NAHULIHAN NG PHP 340K NA SHABU'

Arestado ang isang 30 anyos na kusinero mula Dingras, Ilocos Norte, matapos makuhaan ng 50 gramo ng shabu.

Isinagawa ang buy bust operation ng awtoridad sa Candon City sa probinsiya kung saan ito nahuli.

Nagkakahalaga ng 340,000 ang nasamsam na illegal na droga mula sa suspek.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3VWT

DALAWANG MOST WANTED PERSONS SA ILOCOS REGION, TIMBOGKalaboso ang mga kabilang sa most wanted persons sa Region 1 sa bis...
08/02/2025

DALAWANG MOST WANTED PERSONS SA ILOCOS REGION, TIMBOG

Kalaboso ang mga kabilang sa most wanted persons sa Region 1 sa bisa ng isinilbing warrant of arrests ng Police Regional Office 1.

Sa magkahiwalay na paghain nito, arestado ang isang 19 anyos na lalake mula sa Agno at nahaharap sa kasong 5 counts of Statutory R**e.

READ MORE: https://wp.me/p8lS0n-3VTv

Address

3rd Floor Marigold Building, M. H. Del Pilar Street
Dagupan City
2400

Telephone

+63756323390

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IFM News Luzon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to IFM News Luzon:

Videos

Share