01/01/2024
"LUHA SA UNANG ARAW NG TAON"
Akoy naka tayo sa labas ng aking tahanan
sa paglipas ng oras, araw, lingo, buwan, taon kasabay ng pag liwanag ng kalangitan at ang pag-ingay ng san daigdigan.
Bawat liwanag na aking nasisilayan sa kaibabawan ay isang alingawngaw ng pasabog na hindi kayang pigilan at 'eto na ang hudyat na nag daan ang isang taon.
Maraming nagsasaya sa pagdaan ng taon,
maraming nag kakantahan
maraming nag sasayawan
maraming nag babatian
maraming nag papasalamat
maraming nag iinuman ...
Ngunit parang may kulang,
parang hindi ko maramdaman ang saya saking puso't isipan,
parang dinudurog ang aking puso
kasabay nag pag sabog ng mga paputok
at kasabay ng pag kawala ng mga ilaw sa kalangitan at makapal na usok nalang ang naiwan.
Nang biglang tumahimik ang sandaigdigan kasabay ng pag buhos ng ulan at tila may tumatangis sa kaibabawan
at sambit ng aking mga labi
"bakit ka po umiiyak"?
Tiningnan niya lang ako at binuhat pinakita ang nangyayari sa sanlibutan na tila nakaka durog sa puso ang aking nasilayan dahil hindi kasabay ng bagong taon ang pag bago ng sanlibutan kundi ang lalong pag yakap sa mga kalayawan.
Biglang nabuo ang mga tanong saking isipan,
“Mahirap ba?”
Mahirap bang mahalin ang nag-tubos satin?
mahirap bang tanggapin ang nag mahal lang sa'tin ng lubos?
mahirap bang sumunod sa mga utos na para din sa'tin?
..at ang pag hikbi nalang ang naging sagot saking katanungan magibg ang pag-hingi ng tawad galing sa kibuturan ng aking puso't isipan.
Isang malaking pasasalamat po sayo AMA ang pag bigay ng bagong pag kakataon sa paglipas ng taong ito maraming SALAMAT PO AMA.
Aking pupurihit pasasalamatan siya araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat mag pakailan man
"Awit 145:2"