16/12/2024
Sen. Go tungkol sa PhilHealth funds: 'Hindi dapat ito mapunta sa ibang paggagamitan'
Binigyan diin ni Senador B**g Go na dapat gamitin ang pondo ng PhilHealth sa nararapat, at ayon sa batas. Ito ang sinabi niya sa gitna ng galaw ng Kongreso na hindi paglaanan ng budget ang PhilHealth para sa susunod na taon, na hindi sinang-ayunan at umani ng sari-saring batikos mula sa mga mamamayan.
“Paano tuluyang maeexpand ang benefits ng PhilHealth para sa Pilipino kung ni piso ay walang ibibigay na subsidy ang gobyerno para dito?” Tanong ni Sen. Go.
“Ipinaglalaban nga natin na gamitin dapat ng Philhealth nang tama ang pondong mayroon sila ngunit bilang mga mambabatas, suportahan rin natin ang hangaring ito sa pamamagitan ng pagsigurong mapupunta sa health ang pondo na para naman talaga sa health na naaayon naman sa batas! Hindi dapat ito mapunta sa ibang pag gagamitan,” dagdag niya.