Mororeels 9600

Mororeels 9600 Plug and Play

23/01/2024

Testing Live

" tudtulan a kakwayan sa pangagi ⚜️Aden isa a babay a pedtahajud ged sa uman magabi, pedsambayang, pebpuasa, ped zakah u...
13/01/2024

" tudtulan a kakwayan sa pangagi ⚜️

Aden isa a babay a pedtahajud ged sa uman magabi, pedsambayang, pebpuasa, ped zakah uged na nakaludep sa naraka sabap kano ngali nin a magiabo ka mategel keman sa sapo na ped nin 😢😰

" Aden kadtalo no nabi MUHAMMAD SAW sa tegen, dili makaludep sa Surgah so isa a taw a dili mapia sya kano mga pagubay nin, kena ligtas e mga pagubay nin sabap sya kano dila nin.. 😥😥

Tuba dili ged ayadan e kapamilebak anya, ka so isa a taw na nasakitan nengka sabap kano dila nengka na sa gay a mauri na manuntot salka, ka entuba na kabayadan nengka lon oh di kin maampon 😊😊😊

So zina a labi a masla a kasalanan kumen kano kaimatay, uged na mas labi a masla pan a kasalanan kadusan eh KAPAMELEBAK, ka taman a dili maampon na taw banto so isa a taw a namilebak lon na dili makaludep sa Surgah.

MAY ARAW NG PAGHUHUKOM TUBA UMANISA EDSABAR DEN KA ADEN BON YAWMUL AKHEERA NA DI MATATAKASAN NG SINO MAN 😇☝️🤲😊

Maaaring wala taung laban ngaun sa Mundo pero INSHAALLAH MAY ARAW NG PAGHUHUKOM ☝️🤲🤲😥😇😇😇😥😥☝️♥️
دين الاسلام؟
وعن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: (أتدرون ما الغيبة؟) قالوا: الله ورسوله أعلم. قال: «ذكرك أخاك بما يكره». قيل: فإن كان في أخي ما أقول؟ 😢

Aden kun isa a mama a pendagang sa ig sabap sa kapendagang nin bantu sa ig na nalabit kanu datu n inged bantu i aden mam...
12/01/2024

Aden kun isa a mama a pendagang sa ig sabap sa kapendagang nin bantu sa ig na nalabit kanu datu n inged bantu i aden mama a padadagang sa ig

Guna makineg nu datu i pendagang sekanin sa ig na pinatawag sekanin nu datu sa yanin sabap i sekanin den i pangwayan (kuhanan)nu datu sa source n ig
Tig nu datu na “pila i gapantyali nengka samba?”
Nia nakasumpat nu mama a pendagang sa ig na “20 dirham”
Nia inisumpat nu datu na “enduken u syakan galbek salaki ka saki den kapa nuplayan nengka sa ig”taman sa minyug den su mama a pendagang sa ig

Pakalengkas ka tudtul sabap den ba sa nag costumer nu mama a pendagang sa ig su datu na malu migkapia su uyag-uyag nu mama a pendagang sa ig uged na aden isa kanu taw nu datu a dli nin galinian bangingilay su kapegkapia nu uyag-uyag nu pendagang sa ig.

Taman den ba sa pinagumbalan nin sa bityala su mama a pendagang sa ig sa mayatakun sa inipanudtul nin kanu datu i bityala a kena bantang

“Gadsuliman nengka bun datu i galbek n mama anan uman kaw pakadsangula n pendapeng sekanin sa ngali mana su insultu abenal”(katigan nu mama a madengki”

Taman man sa nakwa n bityala su datu bantu guna den ba moma su pakalagyan a masela n aden xnugu nu datu a manguda a mimatay kanu pendagang sa ig a mama”makelay ka sa mama a aden ulak nin a maputi na tuba sekanin (bagimatayan)”katigan nu datu taman sa ininggan nu datu den ba su mama a pendagang sa ig sa ulak a Maputi.

Guna melay nu mama a madengki na kinwa nin su ulak bantu sabap sa nia nin katig n espisyal i ulak bantu a inenggay nu datu

Taman man sa nia minatay su mama a madengki kagina kinwa nin su ulak antu a maputi(tanda kanu kababagimatay nu datu kanu mama)

Guna su nakadsabuta su datu enggu su mama a pendagang sa ig n inidsan nu datu su mama
“Ngintu ka uman ta pakadsangula n pendapeng ka sa ngali?”
Nia nakasumpat nu mama a pendagang sa ig na
“Datu pendapeng aku sa ngali ka nia nin sabap n dku galinyan i kegisan n yug ku i ig a pendagangen ku salka”

Ngin i masla pangagi sa niaba?

Dala migk

*10 ᴅᴀʜɪʟᴀɴ ɴᴀɴɢ ᴘᴀɢᴋᴀᴍᴀᴛᴀʏ ɴɢ ᴘᴜꜱᴏ ᴀᴛ ᴋᴜɴɢ ʙᴀᴋɪᴛ ʜɪɴᴅɪ ᴛɪɴᴀᴛᴀɴɢɢᴀᴘ ᴀɴɢ ᴅᴜ'ᴀ*1. Kayo ay naniniwala na ang الله ay ang in...
20/11/2023

*10 ᴅᴀʜɪʟᴀɴ ɴᴀɴɢ ᴘᴀɢᴋᴀᴍᴀᴛᴀʏ ɴɢ ᴘᴜꜱᴏ ᴀᴛ ᴋᴜɴɢ ʙᴀᴋɪᴛ ʜɪɴᴅɪ ᴛɪɴᴀᴛᴀɴɢɢᴀᴘ ᴀɴɢ ᴅᴜ'ᴀ*

1. Kayo ay naniniwala na ang الله ay ang inyong Panginoon, ngunit hndi ninyo ibinibigay ang karapatan na sambahin siya na nag-iisa.
2. Nababasa ninyo ang قرآن subalit hindi ninyo ito pinaninindigan.
3. Kayo ay nagsasabi na kalaban ninyo ang شيطان subalit siya ay inyong kinakampihan sa kanyang mga gawain.
4. Kayo ay nagsasabi na mahal niyo si Propeta محمد صلى الله عليه وسلم subalit hindi niyo siya sinusunod.
5. Kayo ay nagsasabi na gusto niyong pumasok sa الجنة (paraiso) subalit hindi kayo gumagawa ng paraan upang kayo ay makapasok dito.
6. At sinasabi niyo na ayaw niyo pumasok sa النار (impyerno) subalit gumagawa kayo nang dahilan upang pumasok dito.
7. Kayo ay naniniwala sa k**atayan, subalit hindi niyo ito pinaghahandaan.
8. Nababantayan niyo ang k**alian ng iba, subalit hindi ninyo nababantayan ang k**alian ninyo.
9. Kinakain ninyo ang mga biyaya ng الله subalit hindi niyo inaalala kung sino ang nagbigay ng biyaya.
10. Pinapaliguan niyo ang inyong mga patay, binabalutan ng puting tela, pinagdarasalan ng janazah, inihahatid sa libingan at inililibing, subalit hindi ninyo inaalala na darating ang oras na kayo naman ang ihahatid sa huling hantungan.
Lecturer: Ustadh Ram
- Ito ay masakit na katotohanan sa bawat isa sa atin. Nawa'y nakapulutan natin ito ng aral. At, palambutin nawa ng الله ang ating mga puso upang mapagnilayan ang mga ito. Aameen.

13/09/2023

Q&A HINGGIL SA USAPING PAG-AASAWA NG HIGIT SA ISA

Guest Speaker: USTADZA UMMO TAW'AM

Our duas are always answered! 🙌
02/09/2023

Our duas are always answered! 🙌

𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙚 𝙎𝙤𝙪𝙡Ang naka-post na larawan na iyong nakikita ay infographic na nakabatay sa mga pahayag ni Alláh sa Qur...
31/08/2023

𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 𝙤𝙛 𝙩𝙝𝙚 𝙎𝙤𝙪𝙡

Ang naka-post na larawan na iyong nakikita ay infographic na nakabatay sa mga pahayag ni Alláh sa Qur’án at sa mga kapaliwanagan ni propeta Muhammad (ﷺ) patungkol sa reyalidad ng buhay ng tao. Maraming yugto at baitang ang dadaanan at mararanasan ang bawat isa sa atin.

Ang tinatamasang kapanatagan ng mga napapanatag dito mundo ay pansamantalang aliw lamang. Ganun din naman ang mga dumadanas ng kahirapan, pighati at pagdurusa dito ay panandalian lang din naman.

Alam kong pagod kana, pakatatag kalang at doon na tayo magpahinga sa mataas na antas ng Paraiso, insha Alláh. Kailangan mo lang maghanda at gumawa ng mga gawaing ikalulugod ng Nagmamay-ari ng kaluluwa mo at ng Paraisong hinahangad mo.

Upang mapanatag ang kalooban mo, basahin mo ng may pagninilay-nilay ang sumusunod na taludtod, harinawa ay gumaan ang naliligalig mong kalooban.
------------------------------------------

Sinabi ni Alláh:

إِنَّمَا هَٰذِهِ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا مَتَاعٌ وَإِنَّ الْآخِرَةَ هِيَ دَارُ الْقَرَارِ
“𝐀𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐦𝐮𝐧𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐧𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐭𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐢𝐲𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠, 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠-𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 – 𝐢𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐞𝐫𝐦𝐚𝐧𝐞𝐧𝐭𝐞𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐫𝐚𝐡𝐚𝐧.”

[Qur’an, Surah Ghafir: 9]

Sinabi ni Propeta Muhammad (ﷺ):

لو كانتِ الدُّنيا تعدلُ عندَ اللهِ جناحَ بعوضةٍ ما سقى كافرًا منها شربةَ ماءٍ
المحدث : الألباني | المصدر : صحيح الترمذي
“𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐮𝐧𝐝𝐨 𝐬𝐚 𝐠𝐚𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐲 𝐀𝐥𝐥𝐚𝐡 𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐦𝐛𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐤𝐩𝐚𝐤 𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐦𝐨𝐤, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐍𝐢𝐲𝐚 𝐡𝐚𝐡𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚𝐥𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐢𝐧𝐨𝐦 𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐛𝐢𝐠 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐫𝐢𝐭𝐨.”

- Hadith Sahih

Walang halaga ang mundong ito sa ganang kay Allah. Kung ito ay mahalaga sa Kanya, hindi na Niya sana pinainom ang mga taong kumakaila at lumalapastangan sa Kanya, sapagkat ang tubig na ito ay maipagkakait sa kanila sa Kabilang-buhay.

Sinabi ni Propeta Muhammad (ﷺ):

“𝐀𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐫𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐈𝐦𝐩𝐢𝐲𝐞𝐫𝐧𝐨 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐠𝐢𝐧𝐡𝐚𝐰𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐠𝐚𝐧𝐚𝐚𝐧 𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐝𝐨 𝐚𝐲 𝐢𝐬𝐚𝐰𝐬𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐞𝐬𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐈𝐦𝐩𝐢𝐲𝐞𝐫𝐧𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐲𝐚, “𝐎 𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐀𝐝𝐚𝐧, 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐫𝐚𝐧𝐚𝐬 𝐤𝐚 𝐛𝐚 𝐧𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐠𝐢𝐧𝐡𝐚𝐰𝐚𝐚𝐧? 𝐒𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐚 “𝐀𝐛𝐚, 𝐬𝐮𝐦𝐩𝐚 𝐦𝐚𝐧, 𝐰𝐚𝐥𝐚!”

𝐀𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐚𝐲 𝐢𝐡𝐚𝐡𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐩𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐢𝐬𝐨 𝐧𝐚 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐧𝐚𝐬 𝐧𝐨𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐡𝐢𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩 𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐝𝐨, 𝐢𝐬𝐚𝐬𝐚𝐰𝐬𝐚𝐰 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐢𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐞𝐬𝐞𝐬 𝐚𝐭 𝐬𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐲𝐚, “𝐎 𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐀𝐝𝐚𝐧, 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐧𝐚𝐬 𝐤𝐚 𝐛𝐚 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐧𝐨𝐨𝐧? 𝐒𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢𝐡𝐢𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐚: “𝐀𝐛𝐚’𝐲 𝐰𝐚𝐥𝐚, 𝐬𝐮𝐦𝐩𝐚 𝐦𝐚𝐧. 𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐢𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐧, 𝐧𝐢 𝐚𝐧𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐮𝐫𝐮𝐬𝐚.”

Saheeh Muslim, #2807, and Mosnad Ahmad, #12699.

Si propeta Muhammad (ﷺ) ay nagsabi:

𝐀𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬-𝐭𝐚𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢 𝐀𝐥𝐥𝐚́𝐡 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐛𝐢: “𝐈𝐡𝐢𝐧𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐤𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐰𝐢𝐝 𝐧𝐚 𝐚𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐚, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐫𝐢𝐧𝐢𝐠 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐢𝐧𝐠𝐚 𝐚𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐦𝐚𝐚𝐫𝐨𝐤 𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐢𝐩𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨.” 𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐧𝐢𝐲𝐨, 𝐛𝐚𝐬𝐚𝐡𝐢𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐢 𝐀𝐥𝐥𝐚𝐡 (𝐐𝐮𝐫'𝐚𝐧 𝟑𝟐:𝟏𝟕) :

فَلَا تَعۡلَمُ نَفۡسٞ مَّآ أُخۡفِيَ لَهُم مِّن قُرَّةِ أَعۡيُنٖ جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
“𝐀𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐮𝐥𝐮𝐰𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐢𝐧𝐚𝐠𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐧𝐚 𝐢𝐤𝐚𝐥𝐮𝐥𝐮𝐠𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐭𝐚 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐧𝐭𝐢 𝐬𝐚 𝐚𝐧𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐧𝐨𝐨𝐧.”

Inulat nina Bukhari, 3244 at Muslim 2823
------------------------------

“Allah, I ask You for Paradise and for that which brings one closer to it, in word and deed, and I seek refuge in You from Hell and from that which brings one closer to it, in word and deed. And I ask You to make every decree that You decreed concerning me good.”

𝗠𝘂𝗮𝗺𝗺𝗮𝗿 𝗔𝗱𝗮𝗺
August 30, 2023
Manila

Wallahi! kung naririnig mo lang ang Magulang mo sa Qubor kanyang sigaw Anak! Hirap na kami sa iyong kasalanan Tama na!! ...
30/08/2023

Wallahi! kung naririnig mo lang ang Magulang mo sa Qubor kanyang sigaw Anak! Hirap na kami sa iyong kasalanan Tama na!! 🥺

SINUMAN ANG BUMASA NITO NA INABUTAN NG KAMATAYAN AY MAKAKAPASOK SA PARAISO❗❗❗👉Sinuman ang bumasa ng SAYYIDUL ISTIGFAR “p...
20/08/2023

SINUMAN ANG BUMASA NITO NA INABUTAN NG KAMATAYAN AY MAKAKAPASOK SA PARAISO❗❗❗

👉Sinuman ang bumasa ng SAYYIDUL ISTIGFAR “pinuno ng mga paghingi ng kapatawaran” sa umaga na may matatag na pananampalataya at inabutan ng k**atayan bago sumapit ang gabi, siya ay mananahanan sa Jannah (Paraiso).

Gayundin, sinuman ang magbasa nito sa hapon (gabi) na may matatag na pananampalataya at inabutan ng k**atayanay bago sumapit ang umaga, siya ay mananahanan sa Jannah (Paraiso).

NARITO ANG DUA NG SAYYIDUL ISTIGFAR:

"Allahumma anta rabbi, la ilaha illa anta, khalaqtani,
wa ana' abduka, wa ana ala ahdika,
wa wa"dika mas'tata'to,
A'udhu bika min sharri ma sana'tu,
Abuo laka bini' matika alayya,
Wa abuo bi zambi,
fa ghfir li, Fa innaho la yaghfiru Az-zunuba 'illa anta"

KAHULUGAN:

O ALLAH, ikaw ang aking Panginoon!. Walang ibang Diyos kundi Ikaw,
Ako ay Iyong Nilikha at ako ay Iyong alipin.
Ako ay nasa ilalim ng Iyong kasunduan ay ako ay nangangako sa Iyo hangang sa abot ng aking kakayahan. Ako ay Nagpapakupkop sa Iyo laban sa masamang aking nagaw. Kinikilala ko ang Biyaya Mo sa akin. Kinikilala ko ang aking pagkakasala. Patawarin mo ako sapagkat walang sinumang nagpapatawad sa mga nagkakasala kundi Ikaw"

PAALAALA:

Huwag po nating kalimutan isali sa ating karaniwang binabasa sa tuwing umaga at hapon.

حديث: "اللهمَّ أَنْتَ رَبِّي لا إِلَهَ إلا أَنْتَ، خَلَقْتَنِي وَأَنَا عَبْدُكَ، وَأَنَا عَلَى عَهْدِكَ وَوَعْدِكَ مَا اسْتَطَعْتُ، أَعُوذُ بِكَ مِنْ شَرِّ مَا صَنَعْتُ، أَبُوءُ لَكَ بِنِعْمَتِكَ عَلَيَّ، وَأَبُوءُ لَكَ بِذَنْبِي، فَاغْفِرْ لِي؛ فَإِنَّهُ لا يَغْفِرُ الذُّنُوبَ إلا أَنْتَ " صحيح البخاري

✍️ Zulameen Sarento Puti

Sinabi ng Allah: "Sinuman ang pumatay ng isang tao nang walang kaluluwa o katiwalian sa lupain - ito ay para bang pinata...
09/08/2023

Sinabi ng Allah: "Sinuman ang pumatay ng isang tao nang walang kaluluwa o katiwalian sa lupain - ito ay para bang pinatay niya ang lahat ng tao."

Al-Maeda 32.

Subhanallah!

Mindset ba 'No One cares'
03/08/2023

Mindset ba 'No One cares'

"ANG KUWENTO NG DALAGANG SI AFNAN"(Ang mama nya ang mismong nagkuwento). "Isang dalagang Saudi Arabian,14  taong gulang,...
02/08/2023

"ANG KUWENTO NG DALAGANG SI AFNAN"

(Ang mama nya ang mismong nagkuwento).

"Isang dalagang Saudi Arabian,14 taong gulang,maraming nagbalik islam dahil sa kanya. Ito ang kuwento...

Ayun sa mama nya: noong pinagbubuntis ko pa si "afnan".
Nakita ng aking ama sa kanyang panaginip ang mga ibon na nagliliparan sa langit at sa gitna nila ay isang napakagandang puting kalapati,hanggang sa lumipad ito ng napakalayo.

Tinanong ko ang aking mga magulang kung anong kahulugan nung panaginip na yun,ang sagot nila" Ang mga ibon ay ang mga anak mo,at bibiyayaan ka ng isang anak na babae na napakabait at matakutin sa Allah..... hindi na nya tinuloy.

Hindi ako naging interesado sa kahulugan ng panaginip na yun.
Pagkalipas ng ilang taon,doon ko na napagtanto na ang aking anak na si afnan ay totoong matakutin sa Allah. Nakikita ko sa kanya ang pagiging mabuting babae simula pagkabata.

Maliit pa sya,nakikita na sa kanya ang pagiging magalang masunurin at mabait na bata, hindi rin sya nagsosout ng mga pantalon at maiiksing mga damit. Ayaw na ayaw nyang nakakakita ng mga ganung kasoutan.

Nang umabot na sya sa grade 4,lahat ng mga bagay na ikagagalit ng Allah ay iniiwasan nya.*sa murang edad naging aware sya*

Wala syang hilig pumunta sa mga pampasayang lugar tulad ng park o ano pa man. Kahit malapit lang sakanila.

Hanggang school at bahay lang sya,walang Salah(Sambayang) na lumipas sa kanya,pati ang mga sunnah ng sambayang.

Nang nag intermediate school na sya,naging dada'wah na sya, pag nakikita nya ang kanyang mga classmates na may sinasabi o ginagawang masama. Papayuhan nya sila.

Ang unang nagbalik Islam dahil sa kanya ay ang aming kasambahay na mula sri lanka.
dahil nanganak din ako ng batang lalaki na si Abdullah napilitan akong kumuha ng Kasambahay dahil nga nagtatrabaho din ako.

Nang malaman ni Afnan na ang Kasambahay namin ay Kristiyano nagalit sya at pumunta sa akin at nagsabi ng: " Mama,paano nyo po nakakaya na ipahawak ang mga damit natin,Ipahugas ang mga Plato natin at ipaalaga si abdullah sa isang di mananampalataya"
Handa akong itigil ang aking pag aaral para lang pag lingkuran kayo ng 24 oras,huwag lang yun.

Hindi ko na lang sya pinansin dahil kailangan ko talaga ng kasambahay na tutulong saakin.
Pagkalipas ng dalawang buwan.Biglang dumating saakin ang kasambahay namin na masayang masaya, at nagsabi ng "Maam,itinuro saakin ni Afnan ang Islam, ako ay nagsasaksi na walang ibang dyos maliban ang Allah at ako rin ay nagsasksi na si muhammad ang kanyang alipin at sugo".... ang saya ko sa oras na yun.

*Pagsubok at lakas ng pananampalataya ni afnan*.

-Pagkalipas ng ilang buwan, nakaramdam si afnan ng pananakit sa paa, itinago nya ito sa amin.
pag tinatanong namin sya tungkol dito,walang lang daw yun.
"mawawala din yan in sha Allah" ,sabi nya.
pagkalipas ng isang buwan tuluyan na syang hindi makalakad.

Dinala namin sya sa hospital at pinasuri ang paa. Sabi ng Doctor na turkish ,cancer daw ang sakit na tumama sa paa ni afnan at kailangan dumaan sya sa Chemotherapy kasabay ding malalagas ang kanyang buhok at mga kilay.
Ng marinig ko ang sabi ng Doctor nanghina ako at umiyak kasama ang papa at tito ni afnan.

Ngunit si Afnan,nilagay nya ang mga k**ay nya sa bibig nya at masayang nagsabi ng "Alhamdulillah!.... Alhamdulillah!....Alhamdulillah!....

Agad kung binuhat sya at pinasandal sa aking dibdib at akoy umiiyak " Afnan?! Anong nangyayari sayo? Sumagot sya:
Mama,Alhamdulillah! Ang tinamaan lang ay ako hindi ang aking relihiyon" pinuri ang allah ,nagbigkas ng malakas na alhamdulillah, at ang mga tao sa loub ay nakatingin sa kanya.

Minaliit ko ang sarili ko sa mga oras na yun. Walang wala ang Emaan ko sa emaan ng aking anak na si afnan.

Lahat ng mga tao sa loub ng Hospital ay namangha at nalungkot sa nakita nilang Emaan ni Afnan, sa mga mismong araw na yun nag balik Islam ang Doctor ,ang nurse at ang Translator dahil hindi arabo ang doctor.

Bago sya mag pa chemotherapy
Hiningi ng tito nya sa kanya na ipaayos ang buhok nya sa hairdressing bago malagas ng chemotherapy. Pinilit namin sya pero umaayaw parin sabi nya:" Ayaw kung ipagkait sa aking sarili ang gantimpala sa bawat buhok na malalagas mula sa aking ulo".

-------
Nag ibang bansa kami(America) para lang ipagamot si Afnan.
Ang Doctor ay amerikano kung saan nakapagtrabaho sa saudi Arabia ng 15 taon,medyo nakakapagsalita din sya ng Arabic.

Nang makita sya ni afnan agad nyang tinanong:"Muslim po ba kayo? Sumagot ang Doctor:"Hindi"...
Hinawakan ni afnan ang k**ay ng Doctora at kinausap sa ibang kwarto at binigyan ng da'wah.

Dumating saakin ang Doctora at bakat na bakat sa kanyang mga mata ang mga luha at nagsabi:"15 taon akong nagtatrabaho bilang doctor sa Saudi Arabia at walang sino man ang naka pag udyok saakin sa Islam,pero ang batang ito ang nakapag Islam saakin".

----
Sinabi nila saamin na walang lunas ang cancer maliban na lamang kung puputolin ang kanyang paa. Natakot akong baka kumalat ang cancer sa paa nya.

hindi naman natatakot si afnan na ipa ottobock ang paa nya. Mas nag aalala sya sa nararamdaman namin.

Isang araw, tumawag sya sa kanyang kaibigan na si Rania: Anong satingin mo? Ipapa ottobock nila ang paa ko?.
Sinubokan ni rania na i comfort sya para gumaan ang loub nya. Sinabi nyang pwedi naman palitan ng Artificial na paa.
Sinagot sya ni afnan ng isang katagang :"Hindi ko naman pinoproblema ang paa ko ang mahalaga pag dumating na ako sa aking libingan ay kompleto ang pananampalataya ko sa Allah"

---'
Umuwi kami ng Riyadh pagkatapos ipa Ottobock ang paa ni afnan.
Sa kasamaang palad, umabot ang cancer sa baga ni afnan,agad naming dinala sa hospital umaasang mapipigilan pa ito.
hindi na sya nakakakain ang tanging nagpapalakas sa kanya ay ang Injection na ini Inject sa kanya.

*SALAH!SALAH!*
Dahil hindi naririnig ang adhan sa loub ng hospital kusa syang nagigising pagka oras ng pagdarasal at naghihingi ng tubig saakin para mag ablution.

Sinabi ng mga doctor saamin wala na daw saysay ang pananatili namin sa hospital,maaring ilang araw na lang daw ay lilisanin ni afnan ang mundo.

Isang araw ,pumunta ako sa kwarto nya,Nakapatay ang ilaw at bigla akong nagulat nang pagbukas ko ng pintuan nya,nakita ko ang kanyang mukha na napakaliwanag.

Nakita nya ako sabay ngumiti at nagsabi:"Mama, halika rito may sasabihin ako sayo tungkol sa napanaginipan ko" sumagot ako ,oo naman anak In sha Allah.

Sabi nya:"nakita ko sa aking panaginip sa araw ng aking kasal, nakasout ako ng malaking puting gown,nakapalibot sa aking ang mga taong malalapit saakin,ikaw at ang boung pamilya.
masaya sila para saakin maliban sayo mama.

Tinanong ko sya anong satingin mo anung kahulugan ng panaginip mo?

Sabi nya:"Satingin ko, ang kahulugan nun ay akoy mamamatay at makakalimutan nila ako ,mamumuhay sila ng masaya, maliban sayo mama, Habang buhay mo akong maalala at malulungkot sa pagkahiwalay ko sayo.

Totoo ang sinabi ni afnan,hanggang ngayong kinukuwento ko ang kuwento na ito,parang nasusunog ang aking puso sa sobrang lungkot.

Pagkalipas ng ilang mga araw, nakaupo ako sa tabi ni afnan kasama ang mga magulang ko at si afnan naman ay nakasandal sa kanyang k**a.

Nagising sya at nagsabi ng:"Mama,lumapit ka saakin gusto kitang halikan sa pisnge" hinalikan nya ako tapos sabi nya"Mama ang isa pang pisnge mo" lumapit saakin at hinalikan nya ulit ako.

At sumandal sya ulit sa k**a nya,pagkatapos ay dumireksyon sa Qiblah at nagbigkas ng "ASHHADU AN LA ILAHA ILLALLAH" nabigkas nya ito ng Sampung beses. Pagkatapos ay nagbigkas ng "ASHHADU ANNA MUHAMMADAN RASULOLLAH" hanggang sa binawian na sya ng buhay.

“Matamis na katapusan”
*ختامه مسك*

✍ Kuya Jabber Yahya Mamoclo

PAANO ANG PAGBIGAY NG ZAKAT MULA SA SAHOD "salary"?❗👉 Sa mga nais magbigay ng kanilang Zakat nitong Ramadhan ay maaari p...
31/07/2023

PAANO ANG PAGBIGAY NG ZAKAT MULA SA SAHOD "salary"?❗

👉 Sa mga nais magbigay ng kanilang Zakat nitong Ramadhan ay maaari po ninyong pakinabangan ang post na ito.

♦️♦️ ANG OBLIGADONG PAGBIBIGAY NG ZAKAT SA ISANG MANGGAGAWA AY:

1-SA TUWING PAGSAPIT NG ISANG TAON

2- UMABOT ANG KAYAMANAN SA TAMANG SUKAT (NISAB) SA HALAGANG (24,776 pesos) PATAAS

- Kapag ang sahod na tinatanggap ay nauubos sa pansariling pangangailangan katulad ng pagkain, inumin, damit o gastusin sa bahay, sustento sa pamilya o mga obligasyong sinusustentuhan at walang natira sa sahod at wala naring naipon pagsapit ng isang taon ay hindi siya obligadong magbigay ng Zakat.

-Ngunit, sa loob ng taon ay nakaipon siya ng halagang kasing laki ng sukat ng Zakat ng pilak (24,776 pesos) ay nararapat siyang magbigay ng Zakat.

👉 Ibabawas ang halagang 2.5% mula sa kanyang naipon kahit pa man hindi pa umabot ng isang taon dahil maaaring ibigay ang Zakat na advance at kung siya ay makabigay ng Zakat ng advance ay hindi na siya obilgadong magbigay pagsapit ng isang taon!

-Halimbawa ang ipon niya ay 100,000 sa isang taon, ang kanyang Zakat ay 2,500 pesos lamang.

♦️Magkapareho ang pamamaraan ng pagbigay ng Zakat ng impleyado, manggagawa at OFW.

Kapag umabot ang kanilang naipon na kayamanan sa Nisab (tamang sukat) ay obligado itong kuhanan ng Zakat na 2.5%

♦️Saan kinuhang basehan ang halagang (24,776 pesos) bilang Nisab (sukat sa Zakat)?

♦️Ang sukatan sa pagbigay ng Zakat ay kung saan ang mas mababa na halaga mula sa silver (pilak) at ang gold (ginto).

♦️Ang Nisab (sukat) ng Silver ay 595 grams, Samantala ang Nisab (sukat) na gold (ginto) ay 85 grams.

♦️Dito sa dalawa, ang tanging mas mababa na halaga ay ang silver.
Kaya, kung ito ang pagbasehan natin na Nisab (sukatan) sa Zakat ng pera ay lumalabas na ang Nisab ng Pera ay (24,776 pesos).

♦️Ang rate ngayong araw April 3, 2023 sa Pinas ng Silver ay 41.64 pesos at kung i times mo ito sa sukat ng silver ay ang kanyang halaga ay (24,776 pesos).
41.64 x 595 = (24,776 pesos).

♦️Kaya, ang Nisab (sukat) ng Zakat sa pera ay (24,776 pesos).

♦️Ang halaga ng pera na mas mababa sa amount na ito ay hindi obligadong kuhanan ng Zakat!!

👉 PAALAALA:

♦️Ang halaga ng silver sa World market ay pabago bago, kaya bago magbigay ng Zakat ay kinakailangan silipin ang halaga ng silver sa panahon ng kanyang pagbigay ng Zakat.

♦️Ang basehan na halaga na (24,776 pesos) bilang Nisab (sukatan) ay para lamang sa araw na ito April 3, 2023 dahil hindi natin alam baka bukas ay magbago ang presyo ng silver!

✍ Zulameen Sarento Puti

NIABA SEPAT AH BABAY DE KASALIGAN Ang Sabi ng mga iskolar, iwasang pakasalan ang limang klase ng babae:, 1.ANNANAH2.HANN...
31/07/2023

NIABA SEPAT AH BABAY DE KASALIGAN

Ang Sabi ng mga iskolar, iwasang pakasalan ang limang klase ng babae:,

1.ANNANAH
2.HANNANAH
3.HADDAQAH
4.BARRAQAH
5.SHADDAQAH.

1.ANNANAH: Ibig sabihin babaeng maraming daing at reklamo, hndi siya nalulugod sa lahat ng bagay. Walang makakalugod sa kanya.
Mahirap siyang pasayahin ng asawa nya.
Walang kasiyahan sa buhay ang ganitong klase ng babae.
Pagpasok ng asawa niya sa bahay hanggang sa lumabas nalang siya ay puno ng daing at reklamo sa asawa niya.

2.HANNANAH: Sabi ng mga iskolars, ito ang babaeng nanabik ng ibang asawa, Gusto niya ang asawa niya ay dapat katulad ng asawa na gusto niya. At parati niyang sinasabi, "Bakit ikaw pa ang naging asawa ko"
"Ikaw ba ang type ko?!"
Ang gusto ko ang katulad ni ganitong(lalake).

3.HADDAQAH: ang Sabi ng mga iskolar ito ay ang babaeng kung ano ang nakikita niya at gusto niya, lahat gusto niya makuha.
Kung dumating sa bahay, pupunta sya sa asawa na magmukhang kawawa at sasabihin.
"Masha'allah sina kuwan may ganito may ganyan at ako ay wala mahirap."
Kung pupunta ng market/tindahan, lahat ay gusto niyang bilhin.

4.BARRAQAH: Sabi ng mga iskolars ito ang babaeng busy sa sarili niya kesa sa kanyang asawa at sa bahay niya. (Selfish)
Walang mahalaga sa kanya kundi sarili niya, busy sa pagpapaganda kesa sa kanyang asawa at bahay masasabi natin siya
ngayon na "Selfish".

5.SHADDAQAH: ito ang babaeng maraming salita, Puro salita at bihira lang tumahimik.

Asallamu'Alaykum warahmatullahi Wabarakatuho💕

[sinalaysay ni Bin khair✍️]

📔 EASY ZAKAT CALCULATION .      🔹100.        👉2.50 🔹200         👉5.00🔹300         👉7.50🔹400.        👉10.00🔹500.        👉...
14/07/2023

📔 EASY ZAKAT CALCULATION .

🔹100. 👉2.50
🔹200 👉5.00
🔹300 👉7.50
🔹400. 👉10.00
🔹500. 👉12.50
🔹600. 👉15.00
🔹700. 👉17.50
🔹800. 👉20.00
🔹900. 👉22.50
🔹1000. 👉25.00
🔹1500. 👉37.50
🔹2000. 👉50.00
🔹2500. 👉62.50
🔹3000. 👉75.00
🔹3500. 👉87.50
🔹4000. 👉100.00
🔹4500. 👉112.50
🔹5000. 👉125.00
🔹5500. 👉137.50
🔹6000. 👉150.00
🔹6500. 👉162.50
🔹7000. 👉175.00
🔹7500. 👉187.50
🔹8000. 👉200.00
🔹8500. 👉212.50
🔹9000. 👉225.00
🔹9500. 👉237.50
🔹10k 👉250.00
🔹15k 👉375.00
🔹20k 👉500.00
🔹25k 👉625.00
🔹30k 👉750.00
🔹35k 👉875.00
🔹40k 👉1000.00
🔹45k 👉1125.00
🔹50k 👉1250.00
🔹55k 👉1375.00
🔹60k 👉1500.00
🔹65k 👉1625.00
🔹70k 👉1750.00
🔹80k 👉2000.00
🔹90k 👉2250.00
🔹100k 👉2500.00
🔹200k 👉5000.00
🔹300k 👉7500.00
🔹400k 👉10000. 00
🔹500k 👉12500. 00
🔹600k 👉15000. 00
🔹700k 👉17500. 00
🔹800k 👉20000. 00
🔹900k 👉22500. 00
🔹1 million 👉25000.00
🔹2million 👉50000.00
🔹3million 👉75000.00
🔹4million 👉100,000.00
🔹5million 👉125,000.00
🔹10 million 👉250,000.00
🔹20 million 👉500,000.00

03/07/2023

The last message and advice to Bangsamoro.

WHO IS M***I ABUHURAIRA A. UDASAN? (Rahimahullah)Our beloved M***i is the appointed Grand M***i of the Bangsamoro Autono...
03/07/2023

WHO IS M***I ABUHURAIRA A. UDASAN? (Rahimahullah)

Our beloved M***i is the appointed Grand M***i of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

He graduated at Islamic University of Madina Al-Munawwara, KSA in the year 1971.
(Mga nakaka graduate dito have the most authentic books na napa publish 😅)

He has also attained Spiritual Studies in Comparative Religion (Christianity-Islam) in Jerusalem during the year 1966.

A well-known Da'ee (caller to Islam) not only in the Philippines but also in other Southeast Asia Countries.

Reference: Union of Muslim Youth Organizations, Inc.

May mga backgrounds pa po si M***i aside po dito sa abovementioned, such as he memorized the whole Qur'an with its translations, he memorized the Bible, he wrote Islamic books, he became the resource speaker and guest of big events, conferences, and consultations. Marami na rin po siyang napa balik Islam.

I cannot describe him (Rahimahullah) in a personal level and I know po mas kilala ninyo po siya. I can only describe him as an attending student of knowledge na napakinggan ang lectures niya in various occasions.

I admire him not only because he has been leading the Bangsamoro Daarul-Ifta' of BARMM Government as the M***i, yet furthermore, in his lectures---he speaks the truth confidently, he never provided his own personal views when he discusses any Islamic topic, he always have Ayahs of the Qur'an and stories of Islam to tell and share, and grabe din yaong effort niya the times na hindi na siya masyadong nakakalakad but he still managed to attend sa mga events as resource speaker. He is very honest and direct to the point. He was doing his best sharing all knowledge he had. He commits to spreading the message and beauty of Islam.

Our dearest M***i Abuhuraira A. Udasan (Rahimahullah), we pray for comfort and peace in your grave. May Allah SWT grant you the highest of Jannah together with the great leaders of Islam who already passed away. Aameen.

Datu Racel Campiao Datumanong ✍️

Ang buong bangsamoro ay nagluluksa sa iyong paglisan. Isa ka sa pinaka hinahangaang lider ng bangsamoro na nakamit ang r...
02/07/2023

Ang buong bangsamoro ay nagluluksa sa iyong paglisan. Isa ka sa pinaka hinahangaang lider ng bangsamoro na nakamit ang respeto ng lahat. Tanggapin nawa ni Allah ang iyong mga Ibadah, patawarin ang iyong pagkukulang at papasukin ka sa pinak**ataas na antas ng Jannah. Ameen 🤲.

Inna lillahi wa inna ilayhi rajiun.

Shaykh Abuhuraira Udasan
Bangsamoro Grand M***i

Walang binata at dalaga sa Paraiso, lahat ay may asawa doon. Sinabi ng Propeta ﷺ:"وما في الجنة أعزب ".‎"At walang binata...
02/07/2023

Walang binata at dalaga sa Paraiso, lahat ay may asawa doon.

Sinabi ng Propeta ﷺ:
"وما في الجنة أعزب ".
‎"At walang binata (o dalaga) sa Paraiso." [Muslim].

Nang tinanong si Ibnu Taymiyyah - رحمه الله - hinggil sa mga bata ng mga MU'MININ: Sila ba ay mananatili sa kanilang kalagayan kung saan sila'y pumanaw? O sila'y lalaki at makakapag-asawa? At gayundin ang mga babae sila ba ay makakapag-asawa? Sabi niya:
الحمد لله، إذا دخلوا الجنة دخلوها كما يدخلها الكبار، على صورة أبيهم آدم، طوله ستون ذراعًا في عرض سبعة أذرع، ويتزوجون كما يتزوج الكبار. ومن مات من النساء ولم يتزوجن فإنها تتزوج في الآخرة، وكذلك من مات من الرجال فإنه يتزوج في الآخرة. والله تعالى أعلم.
"Alhamdulillah. Kapag sila ay nakapasok ng Paraiso papasok sila doon katulad ng pagpasok doon ng mga malaki, sa hitsura ng kanilang amang si Adam, sa tangkad na 60 cubits (32 meters) sa lapad na 7 cubits (3.73 meters), at sila ay makakapag-asawa katulad ng pag-aasawa ng mga malaki (doon). At sinuman ang pumanaw sa mga kababaihan at hindi nakapag-asawa tunay na siya ay MAKAKAPAG-ASAWA sa KABILANG-BUHAY, at gayundin ang sinuman na pumanaw sa mga kalalakihan (na hindi nakapag-asawa sa daigdig) ay MAKAKAPAG-ASAWA sa KABILANG-BUHAY. At ang Allah تعالى ang Higit na Nakakaalam."
[مجموع الفتاوى ٣١٠/٤]
Mohammad Ali Granaderos ✏

“DU'AA BAGO MATULOG”Maraming Du'aa ang nabanggit sa Hadeeth na sunnah basahin bagO matulOg. Ilan sa mga itO ay ang mga s...
01/07/2023

“DU'AA BAGO MATULOG”

Maraming Du'aa ang nabanggit sa Hadeeth na sunnah basahin bagO matulOg. Ilan sa mga itO ay ang mga sumusunOd.
_
1. بسمك اللهم أموت و أحيا
"Bismikallaahumma amuwtu wa ahyaa."

2. باسمك ربي وضعت جنبي وبك أرفعه، إن أمسكت نفسي فارحمها، وإن أرسلتها فاحفظها بما تحفظ به عبادك الصالحين
"Bismika Rabbie wadha'tu janbi wa bika arafa'uhu, In amsakta nafsie farhamhaa, fa in arsaltahaa fahfadh-ha bimaa tahfaju bihi 'ibadakas saaliheen."

3. للهم أسلمتُ نفسي إليك، ووجهتُ وجهي إليك وفوضتُ أمري إليك، وألجأتُ ظهري إليك، رغبةً ورهبةً إليك، لا ملجأَ ولا منجى منك إلا إليك، آمنتُ بكتابك الذي أنزلتَ، وبنبيكَ الذي أرسلتَ
"Allaahumma aslamtu nafsie ilayka, wa wajjahtu wajhi ilayka, wa fawwadhtu amrie ilayka, wa alja'tu jahrie ilayka raghbatan wa rahbatan ilayka. Laa malja-a wa laa manjaa minka illaa ilayka. Aamantu bikatabikal lazee anzalta, wa binabiyyikal lazee arsalta"

4. Subhaanallaah (33x), Alhamdulillaah (33x), Allaahu akbar (33x).

5. Ayatul Kursie.

6. IpOsisyOn ang k**ay ng katulad ng kapag nagdu-du'aa kay Allah at basahin ang Suratul Ikhlaas, Al-Falaq at An-Naas. PagkatapOs ay hipan ang dalawang k**ay at ihaplOs sa maaabOt niya sa kanyang katawan, magsimula sa ulO, tapOs ay sa mukha, tapOs ay ang harap ng kanyang katawan at huli ay ang likOd na bahagi ng kanyang katawan. TatlOng beses itOng gagawin.

Maaaring basahin O isagawa ang mga nabanggit sa itaas, maaari rin namang pumili lamang ng nanaisin kung anO ang madali para sa iyO.
_
“DU'AA SA PAGGISING”

1. الحمد لله الذي أحيانا بعد ما أماتنا وإليه النشور
"Alhamdulillaahil lazee ahyana ba'da maa amaatanaa wa ilayhin nushuwr."

2. الحمد لله الذي رد علي روحي, و عافاني في جسدي, وأذن لي بذكره
"Alhamdulillaahil lazee radda 'alayya ruwhie wa 'aafaanie fi jasadie wa azina lie bizikrihi."
_
“Mga ilan pang mahahalagang bagay”

1. Isara ang pintuan bagO matulOg.
2. Takpan ang mga lalagyan ng tubig at pagkain.
3. ItagO ang mga kutsilyO at iba pa at patayin ang kandila O lampara.
4. Magsalaah ng witr bagO matulOg kung walang intensyOn na gigising para sa qiyaamul layl.
5. Magbasa ng ilang Aayah O sOOrah sa Qur-aan.
6. Sunnah rin na naka-wudhu bagO matulOg.
7. Pagpagin at tiyaking malinis at maayOs ang higaan bagO humiga.
8. Bawal ang humiga nang nakadapa.
9. Sunnah na sa kanan nakaharap kapag matutulOg. At walang prOblema kung humarap sa kaliwa pagkatapOs nitO.
10. Sunnah rin na nakapatOng ang kanang pisngi sa kanang k**ay.
11. Sa paggising ay hugasan ang k**ay ng tatlOng beses bagO ipasOk itO sa sisidlan ng tubig.
12. Sunnah rin na magsinga ng ilOng (istinthaar) ng tatlOng beses at hugasan.

13. Ang pinak**ainam na Oras ng pagtulOg ay sa gabi at sunnah (mustahabb) naman na matulOg ng kalagitnaan ng araw (2 Oras bagO ang Salatudh Dhuhr O di kaya’y pagkatapOs ng Salatudh Dhuhr). Haraam matulOg kapag malapit na ang Oras ng salaah O sa Oras mismO ng salaah at makrOOh na matulOg sa pagitan ng Salaatul Maghrib at ‘Ishaa. Ang pagtulOg pagkatapOs ng Salaatul Fajr at Salaatul 'Asr ay jaa-iz (maaari) at hindi makrOOh O haraam. Subalit mainam na sa mga Oras na itO ay ginagamit sa paggunita kay Allah Azza wa Jall sa pamamagitan ng pagbabasa ng Qur-aan O pagzi-zikr.

Wallaahu A'lam
Wallaahu Waliyyut Tawfeeq wal Hidaayah.

Address

Cotabato City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mororeels 9600 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share


Other Film & Television Studios in Cotabato City

Show All