Dalawang Paaralan na naman ang naging sentro ng LGU Outreach Program noong August 31, 2022. Ito ay ang Maligaya Elementary School ng Brgy. Maligaya at Sinapulan Elementary School ng Brgy. Sinapulan. Tumulong sa pamamahagi ng school supplies ang ating mga kapulisan, mga guro at si Hon. Lelany Lopez ng Sangguniang Bayan.
Laging katuwang ng LGU ang grupo ng LGBTQ na walang sawang nagbibigay ng libreng gupit sa mga kabataan. May lugaw (Arroz Caldo) din na ipinamimigay sa mga magulang at mga kabataan na andoon.
"Lagi ko pong sinasabi, ang pera na ginamit para dito ay pera ng mamamayan at hindi po akin o pera ninuman, kayat marapat na maibalik ito ng buong puso sa kanila. Ang pagpapahalaga sa sektor ng edukasyon ang isa sa aking mga prayoridad na mabigyan ng pansin upang mapataas natin ang kalidad ng edukasyon sa ating bayan. Salamat po sa inyong suporta- I Love You All"- Mayor Dats.
Credit: Mga kuhang Larawan ni Tonch Canibpal
#letssupport19thcouncilofcolumbio
#dapataangattatatagatsisikat
#DitoPatuloytayongAangat
#DatuPaxAliMangudadatu
#SKSikatKa
#ILoveYouAll
"Pangkabuhayan sa Pagbangon at Pag-asa"
Itoy isang flagship program na naman ng Department of Trade and Industry. Mapalad tayo na mga taga Columbio dahil, marami na naman sa ating mga kababayan ang nabiyayaan ng programang ito. Layunin nito na makabangon muli ang ating maliliit na mga negosyante mula sa pagkalugi at pagkalugmok ng pangkabuhayan ng dahil sa Covid -19 pandemic sa pamamagitan ng pagbigay ng panimulang paninda para sa sari-sari store.. Maraming salamat po Maam Felisa Ginobago- Provincial director ng DTI-Sultan Kudarat at ng kanyang mga kasamahan at kay Maam Jean Gallenta ng ating Business Licensing Department. I LOVE YOU ALL" - MAYOR Mayor Tondatu Dats Mangudadatu
#DatuPaxAliMangudadatu
#DitoPatuloytayongAangat
#SKSikatKa
#salamat19thcouncilofcolumbio
#dapataangattatatagatsisikat
#DatsGoals
#ILoveYouAll
"Balik Eskwela Program " of Governor Datu Pax Ali Mangudadatu.
Higit sa 600 studyante ng Columbio National High School at Telafas National High School ang nabigyan ng back packs na may lamang mga school supplies noong August 25, 2022. Ito'y sa ilalim ng "Balik Eskwela Program" ni Governor Datu Pax Ali Sangki Mangudadatu. Ang pagpapahalaga sa sektor ng Edukasyon ang isa din sa mga prayoridad ng bagong Gobernador sa loob ng tatlong taon niyang panunungkulan sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Katuwang ng ating Alkalde Tondatu Dats Mangudadatu sa pagdistribute ng mga schools supplies sina SB Members Hon. Bai Bugs Paglas, Hon. Saturnino Iglesias, Hon. Abdulbasit Dalgan, Provincial Board Member Jovita Duque at myembro ng PTM Team at Provincial Governor's Staff. May kasama pang Banda ang grupo na naghandog pa ng mga awitin para sa mga studyante ng paaralan.
"Salamat po Governor Datu Pax Ali, Vice Governor Raden Sakaluran at Congresswoman Bai Rihan Princess Sakaluran sa walang sawang pagsuporta sa amin at sa bayan ng Columbio" - Mayor Dats
#DatuPaxAliMangudadatu
#DitoPatuloytayongAangat
#letssupport19thcouncilofcolumbio
#DatsGoals
#dapataangattatatagatsisikat
#iloveyouall
August 24, 2022: Suportahan po natin ang ating Rural Health Unit na labanan ang COVID 19. Huwag po tayong mag alinlangan, magpabakuna na po tayo, kasali na po ang ating mga anak at senior citizen. Kailangan na po nating mamuhay kasama ang virus na ito. Ang bakuna po ang sagot upang malabanan natin ito"
-Mayor Tondatu Dats Mangudadatu
#magpabakunalabansacovid
#letssupport19thcouncilofcolumbio
#DatsGoals
#DapatAangatTatatagAtSisikat
#ILoveYouAll
#SKSikatKa
#DitoPatuloytayongAangat
August 23, 2022
"Salamat po Sinapulan sa Isang napakasayang araw na ibinahagi nyo sa amin. Salamat at kamiy naging bahagi sa pagdiriwang ng inyong 12th Kastifun at 42nd Foundation Anniversary" - Mayor Tondatu M. Mangudadatu
#DitoPatuloytayongAangat
#SKSikatKa
#letssupport19thcouncilofcolumbio
#DATSgoals
#ILoveYouAll