
15/07/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Ni: Angela A. Negro
Layunin ng Republic Act No. 11053 o mas kilala bilang โThe Anti-Hazing Act of 2018โ na ipagbawal ang hazing at anumang uri ng pisikal o sikolohikal na pananakit bilang bahagi ng pagtanggap o initiation sa mga fraternity o sorority, lalo na sa mga paaralan at pamantasan. Ngunit nitong ika-12 ng Hulyo sa isang publikong Facebook post ng isang mataas na paaralan sa Claveria North District ay nagimbal ang lahat sa mga kahindik-hindik na larawan ng mga kamay na may pabilog na sugat na maaring sinunog ng sigarilyo. Hindi guhit. Hindi arte, ngunit klaradong senyales ng pagkakasangkot ng mga estudyante sa hindi kilala at awtorisadong fraternity o sorority.
Isang malaking pagkabahala hindi lamang sa ating mga magulang kundi sa mga kapuwa natin estudyante ang ganitong pangyayari. Hindi natin alam,baka sa makalawa, tadtad na ng sugat o bugbog ang ating kaklase upang mapatunayan lamang na matapang siya.
Kung susumahin ang datos ng ABS-CBN mula 1954 hanggang 2023, mayroong 58 na naitalang hazing deaths sa Pilipinas. Dagdag pa rito ang 207 kaso ng hazing sa datos ng Senado noong 2017. Kung gusto nating mapabilang, ay hindi sagot ang pagsali sa fraternity o sorority dahil dagok lamang ito sa ating personalidad. Hindi na natin kayang dumagdag pa sa nakakapangilabot na bilang.
Mahigpit na kinokondena ng pahayagan ang ganitong uri ng markadong karahasan sa mga estudyante. Itoโy hudyat sa lahat ng estudyante na kakaharapin nila ang pangil ng batas sa oras na sila ay sumapi sa fraternity. Nakasaad sa naturang batas na kung may mamatay man sa nasabing insidente, ay habambuhay na makukulong ang mga kasangkot.
Ang ganitong isyu ay isa ring paalala sa mga magulang na maiging bantayan ang kanilang mga anak upang higit na mailayo nila ang mga ito sa mga hindi kaaya-ayang kilusan. Mas mabuti ring ipagbigay-alam agad ito sa pamunuan ng paaralan upang mabigyan ng agarang aksyon, alinsunod sa Child Protection Policy.
Ang mga estudyante ay inaasahang magtulungan sa paghubog ng mas ligtas at makataong kapaligiran sa loob ng paaralan. Hindi marahas na ritwal ang batayan ng katapangan o pagkakaibigan. Ang tunay na samahan ay hindi nasusukat sa lakas ng palo, kundi sa lalim ng malasakit sa kapuwa.
Hindi ka โcoolโ kung puno ka ng mga bukol. Hindi ka rin โastigโ kung sa fraternity ka aanib.