Meecorny

Meecorny Sabi nila, mga corny, nakakaMAIS! πŸŒ½πŸ‘πŸ˜…

15/03/2023

"Mahirap talaga maging masaya. Dahil umangat lang ang buhay mo ng konti, hinihila ka na pababa. Gusto mo lang maging masaya tumawa pero ang ending ginawa ka lang katawa-tawa may bonus pang pinagmukha kang tanga. Oo, minsan walang dahilan basta "mahal mo lang". Pero pag malungkot ka't nasasaktan, bakit laging may dahilan?"


15/03/2023

"Kung lalayo ka,siguradohin mo na kasama ako. Ano'ng silbi ng mag-isa, kung walang tayong dalawa. Nasanay na ako na nandiyan ka. Nandito ako. Pero tiwala natin sa isa't isa ay buo. Kaya sana walang iwanan? Lalo na't wala namang dahilan? Pero kung gagawin mo, at tatangoan ko, puwede magpaalam ka naman? Hindi yung basta basta na lang mang-iiwan."


15/03/2023

Sabi nila pag mahal mo, ipaglaban mo. So ikaw lang ang makikipaglaban, dahil hindi ka naman niya mahal. Paano mo ipapanalo ang laban na sa umpisa pa lang, talo ka na?


I have reached 1.5K followers! Thank you for your continued support. I could not have done it without each of you. πŸ™πŸ€—πŸŽ‰Al...
15/03/2023

I have reached 1.5K followers! Thank you for your continued support. I could not have done it without each of you. πŸ™πŸ€—πŸŽ‰

Although kinda busy lately, no updates, and yet, still, some manage to follow

Grateful for each and everyone of you. πŸ™‹β€β™€οΈπŸ’—πŸ‘

Sometimes we lose grip on reality because we failed to recognize the situation we are in. We become too complacent about...
04/12/2022

Sometimes we lose grip on reality because we failed to recognize the situation we are in. We become too complacent about "now" that we forgot about "tomorrow". And tomorrow will always be "today" defining who we are, how far we have come and how long we have been here without realizing if all this is WORTH IT? We've been waiting forever about things that could have changed our lives in an instant, but we didn't take the chance. Not that we are cowards. We headed to the wrong direction. We've come too far only to lose track. And now there's no one to hold onto but ourselves. We stood there in the middle - "alienated." But we know who we are. We know what our capabilities are and our strengths. We know that being lost is NOT the END but the beginning. We don't play "tricks' with reality. We face it with open arms and enthusiasm so it could offer us more "treats!" So stop paying attention to people who don't value your worth, to people who are only after what you can give, what you can offer - but you received nothing in return but feeling like the most worthless human being, Yes, but NOT to the very self you believe in. Okay, let them feel superior - but we've got same feet on the ground. Let them crush you into pieces - but look in the mirror, you are still whole. Let them feel like you can't go on with your life without them - but look where you are now? You can be in the wrong place but you are at the RIGHT moment to shift course and start all over again. You only need that one drastic decision, slowly but surely, you'll get there, one day.

βœοΈπŸ™‹β€β™€οΈ



"How do you know when you love someone? You love someone because you care, like in your heart you hold them dear, and in...
04/12/2022

"How do you know when you love someone? You love someone because you care, like in your heart you hold them dear, and in your thoughts you keep them near. You love someone when you miss them, you think about them, you wanna be with them - and you can't let a day go by without telling them. You love someone when you pray for them, that God blesses them with everything good, a life fulfilling, a dream realizing and that they wear a smile that says "I'm okay..." Because to feel not (okay), is the last thing you wanna know. You love someone when you are willing to give up everything for them, because to belong to a world without them - you are nothing. β€οΈπŸ’” You love someone when you learn to forgive. Because only in forgiving love surrenders. And when you surrender it all, you are free - to start a new day, follow a new lead, and see "life as it is" with greater respect and understanding. How do you know when you love someone? But how will you know if it is the "right" question you are asking? Because when you love someone, like REALLY LOVE SOMEONE, the answers could be all "wrong" - but you won't mind. Not minding is loving. Because once you mind, like REALLY MIND, you are ready to break your heart. You are so ready to fall apart. You are so damn ready to make a new start - with or without them."

✍️

Hindi lahat ng nakangiti, walang sakit na tinitimpi. Hindi lahat ng tumatawa, walang kirot na iniinda. Kaya siguro malal...
02/12/2022

Hindi lahat ng nakangiti, walang sakit na tinitimpi. Hindi lahat ng tumatawa, walang kirot na iniinda.
Kaya siguro malalim ang tingin sa'yo. Dahil malalim din ang iyong pinaghuhugotan. Hindi rin biro ang pagdurusa na iyong naranasan. Kumbaga pa, anuman ang buhay meron ka ngayon ay parang bonus na lang?
Matagal na panahon ka ring nawala sa sarili mong paniniwala at sabay naglaho sa mga pangarap mong gumuho.
'Yan ang dahilan kaya ayaw ko na ng komplikasyon. Gusto ko na ring tigilan makipag-diskusyon. Wala naman tayong mapapala di ba? Dahil iba-iba tayo ng paniniwala. Iba-iba ang hugis ng ating mga mukha. Iba-iba rin ang estado natin sa buhay - may mayaman at may dukha.
Pero pare-pareho tayong anak, kapatid at kaibigan. Pare-pareho tayong may ipinaglalaban. Tama man o mali, desisyon mo lagi ang magwawagi.
Kaya ngayon, ayoko na sa mga walang kuwentang tao. Ayoko na sa mga walang paninindigan at prinsipyo. Ang daming problema sa mundo para pag-aksayahan ko ng panahon ang mga bagay na hindi makakabuti sa akin.
Simple lang ang gusto ko. Yung maging masaya ang mga taong mahal ko. Yung mga taong malapit sa aking puso. Di naman sila madami. Di rin kokonti. Pero sapat nang malaman na 'andyan sila lagi para sa akin.
Sa sitwasyon ko ngayon na malayo sa aking pamilya, sa matatalik kong kaibigan at sa lugar na aking kinalakihan - sila ang pinaghuhugotan ko ng lakas para harapin ang ngayon at bukas.
Kaya ugaliing magpasalamat. Lalo't dumaan na naman ang isang araw at nairaos natin 'to ng maayos.
Tiwala lang. Sa lahat ng hugot ng langit, sa tiwalang 'yan tayo dapat kumapit. Hindi sa takot at pagdadalawang-isip.

✍️
(Photo credit to owner πŸ‘πŸ™‹β€β™€οΈβ€οΈ)


29/11/2022

Stay healthy. πŸ™‹β€β™€οΈπŸ’ͺπŸ’•

Kung sa paggising mo ay masama ang araw mo, hayaan mo. Bukas o sa makalawa, magiging okey ka na. Dahil walang permanente...
25/11/2022

Kung sa paggising mo ay masama ang araw mo, hayaan mo. Bukas o sa makalawa, magiging okey ka na. Dahil walang permanente sa mundong β€˜to.

Lahat nagbabago. Lahat may hangganan. Kaya panatilihin maging mapagkumbaba, dahil diyan walang hihila sa β€˜yo pababa.

Maging matatag, dahil hindi sa lahat ng biyahe mo ay dadaan ka sa lupang patag.

Minsan may malalim na lubak kaya kailangan mo nang bumaba. Maglakad. Damhin ang sariwang hangin. Manalangin. Dahil malayo pa ang bukas. Ang bukas na walang kasiguraduhan.

Pero ang ngayon ay nandito. At alam mo kung sino sa β€˜yo ang totoo. Ipagpasalamat mo ang mga kaibigang totoo. Dahil ang peke, parang galing China. Madaling masira.

Kaya ikaw na sa aki’y hindi masaya, huwag po kayong mag-alala, hindi kita pinoproblema. Mas maraming problema ang mundo para pag- aksayahan kita ng isang segundo. Maiksi lamang ang buhay. Kaya ang dapat na pinapairal ay pag-ibig na walang humpay.

Kaway kaway doon sa mga nalulumbay! Kaway kaway doon sa laging umiiyak nang walang humpay. Kaway kaway doon sa mga dehado at laging inaabus0.

Itong buhay na β€˜to ay patibayan lang ng puso.

Kaway kaway doon sa mga lugmok at laging inaapi. Pasasaan ba at ang sarili’y maiaahon mula sa hapdi.

Kaway kaway doon sa mga walang pera, ni pisong duling ay wala kang makukuha sa kanilang bulsa. Sila ang mga totoong kawawa!

Kaway kaway doon sa mga naghihintay ng himala. Wala pong himala. Ang meron lang ay ikaw na handang baguhin ang buhay mo, ora mismo.

Kaya sa aking mga tagasubaybay, huwag masyadong padala sa mga problema. Huwag sumuko. Hindi makabubuti sa iyong puso.

Hangad ko at dalangin makita muli ang mga ngiti sa β€˜yong labi. Dahil maging sino ka man, mababa man ang tingin nila sa β€˜yo, tandaan mo, laging may Dakilang Lumikha, na aakay at kakarga sa β€˜yo.

Ang araw sa buhay mo ay parang panahon, pabago-bago, pero hindi mababago nito ang pasya mo na maging totoo, para sa sarili mo at sa lahat ng naniniwala at nagmamahal sa β€˜yo.

Iisa lang ang buhay.

Iisa rin lang ang hangad mo, ang maging matagumpay.

Simula sa araw na β€˜to. Dito kung saan ka nakatayo. β€œKaway kaway – para sa katatagan mo.”

βœοΈβ˜•

πŸ™‹β€β™€οΈ



πŸ‘πŸ˜…βœŒοΈπŸ™‹β€β™€οΈ
24/11/2022

πŸ‘πŸ˜…βœŒοΈπŸ™‹β€β™€οΈ

There is an opinion that says single people feel loneliness more intensely before the holidays. But is this feeling really that bad? We might be able to learn about our own needs and desires and accomplish our own ambitious goals and reach them when we are alone.

22/11/2022

Lahat ba ng taken, masaya?! - Bella πŸ˜‚

21/11/2022

πŸ˜˜πŸ˜‚

😹😹😹
21/11/2022

😹😹😹

What is that behavior?
Tapos kunyari 'self-love' na lang muna 🫢🏻

🎬 β€” Now streaming on Netflix.

🎧 Subscribe for more stories: youtube.com/c/CinemaBravo/

21/11/2022

Yung ikaw lang ang nagmamahal, tapos siya hindi.
Yung ikaw lang ang nag-iisip sa kanya, tapos siya hindi.
Yung ikaw lang ang sabik sa kanya, tapos siya hindi.
Yung ikaw lang ang totoo, tapos siya hindi.
Yung ikaw lang ang seryoso, tapos siya hindi.

Tapos ngayon,
ikaw ang iyak ng iyak.
Ikaw ang mugto ang mga mata.
Ikaw ang binabalewala,
tapos hindi mo pa rin maimulat mga mata mo sa katotohanan?

Baka ikaw na ang may problema at hindi siya.

Panahon na para isipin mo naman ang sarili mo.

Kung kailangan mo nang bumitaw, bitawan mo na.

Hindi mo kailangang dalhin sa balikat mo ang kalbaryong dala ng sobra mong pagmamahal sa kanya.

Dahil hindi na pagmamahal ang tawag dyan.

Katangahan.

✍️πŸ₯ΊπŸ’”






I want you to know that I love you. I never did stop, not for one gasping second. My love for you is unconditional and i...
21/11/2022

I want you to know that I love you. I never did stop, not for one gasping second. My love for you is unconditional and it will never end as long as I live. I refuse to find others when I have the one I want. I never doubted us, but you did. I never stopped thinking about you even though you stopped thinking about me. I never wanted to let go, but you did.

βœοΈπŸ’”


Sinong relate dito? πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚
21/11/2022

Sinong relate dito? πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Perhaps the most difficult choices to make are the ones that deny us what our heart wants most, because as it's been sai...
21/11/2022

Perhaps the most difficult choices to make are the ones that deny us what our heart wants most, because as it's been said, without reason and without prudence, the heart wants what the heart wants, and more often than not, it will not be denied. πŸ’•

"Kung puede lang sa pagmulat ng mga mata ko sa umaga, ikaw ang unang-una kong makikita. Kung puede lang habang kumakain ...
20/11/2022

"Kung puede lang sa pagmulat ng mga mata ko sa umaga, ikaw ang unang-una kong makikita. Kung puede lang habang kumakain tayo ng agahan, tanghalian at hapunan, ikaw lang ang aking pagmamasdan. Kung puede lang kahit saan ka magpunta, kahit sino pa ang iyong kasama o makasalamuha, ay nababantayan kita, napag-uukulan ng pansin, sa umaga, tanghali hanggang takip-silim. Kung puede lang hindi ka mawalay sa aking paningin, sa bawat paglipas ng segundo, minuto, o nang isang oras, dalawa, buong araw, o buong buhay ko na. Kung puede lang - GINAWA KO NA.
Kaso hanggang dito na lang yata ako, Hanggang tingin na lang sa'yo. K'se mapa-harapan mo, o likuran mo, o sa tabi mo - hindi mo naman ako nakikita. Parang bulang naglaho. O parang natunaw na ice-cream, hindi mo na napansin.
Kse naman kung saan-saan ka pa nakatingin, ba't di mo na lang ibaling sa mga matang nakatingin rin sa'yo?"

βœοΈπŸ™‹β€β™€οΈπŸ’•



πŸ–οΈ

Address

Washington Street
Cebu City
6000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Meecorny posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Meecorny:

Videos

Share

Category


Other Video Creators in Cebu City

Show All