![](https://img3.medioq.com/795/035/148544717950352.jpg)
18/12/2022
Sa kanyang privilege speech noong Martes, ika-13 ng Disyembre, sinabi ni Sen. Idol Raffy Tulfo na magpapasa siya ng batas na mag-oobliga sa lahat ng presinto na maglagay ng CCTV sa kanilang mga kulungan at investigation room.
Ito ay upang matigil na ang madalas na nagaganap na mga pagmamaltrato at pagtorture ng mga pulis sa mga suspek na nakakulong o nakakustudiya sa kanilang police station.
Kadalasan sa mga suspek dito ay dinadala ng mga pulis sa isang kwarto para bugbugin o di kaya ay pinabubugbog sa kapwa preso para paaminin sa kasalanang ibinibintang sa kanila o di kaya ay dahil napagtitripan lang.
Dahil dito, kung minsan, nakakatanggap tayo ng mga balita mula sa mga pulis na ang isang suspek nila ay nagbigti o inatake raw sa puso.
At kapag may CCTV na at may nangyari pa rin sa isang suspek at diniklara nilang nasira ang kanilang CCTV sa oras ng insidente kakasuhan ang mga pulis na naging pabaya kasama na ang hepe ng istasyon.
Manatiling updated kay Senator Idol! iLike at iFollow ang ating mga official social media accounts:
FB: facebook.com/IdolRaffyTulfoOfficial
facebook.com/raffytulfoinaction
TW: twitter.com/IdolRaffyTulfo
YT: youtube.com/RaffyTulfoVlogs
youtube.com/RaffyTulfoInAction
TikTok: tiktok.com/