05/11/2022
Online Horoscope November 5 2022
ARIES (Marso 21 – April 19) Hindi ka dapat magdamot lalo na ngayon dahil saan mo dadalhin ang mga biyaya at pagpapalang kaloob sa’yo ng langit? Hindi madamot sa’yo ang langit kaya wag kang magdamot sa’yong kapwa, upang tuloy-tuloy na bigyan ka ng galanteng mga biyaya at pagpapala ng langit. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 7, 14, 23, 34, 43, 45.
TA**US (April 20 – Mayo 20) Itututok mo ang iyong ganda at karisma sa kung ano ang gusto mong makuha sa buhay. Huwag mong kalilimutan na ikaw ay kabilang sa mga anak ng suwerte at magagandang kapalaran, kaya anuman ang hangarin mo sa pamamagitan ng ganda at karisma, makukuha mo ito at walang duda na iyong makakamit. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.
GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kapag may umaasa sa tao, kailangan niyang kumilos. Ikaw ang pag-asa ng mga mahal mo sa buhay, kaya hindi ka puwedeng mabigo. Gawin mo ang lahat ng iyong makakaya at sasaya sila at ikaw din ay liligaya. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.
CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Pangkaraniwan na, na dumarami ang problema dahil iniiwasang lutasin. Kaya huwag mong takasan ang iyong mga suliranin, harapin mo. Maging matapang ka at makikita mo basta’t naging matapang ka, ang suwerte at magandang kapalaran ay madali ng mapapasaiyo. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6, 15, 19, 24, 37, 45.
LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Huwag kang sumama sa mga malungkot at pala-angal, dahil sa kanila papangit lang ang iyong kapalaran. Piliin mo ang masasaya at mapapasa iyo ang suwerte at magagandang oportunidad. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hahanapin mo ang kapintasan ng bago mong kakilala pero ang iyong makikita ay ang kanyang kagandahan. Kaya lihim na hahanga ka at maaaring ikaw ay ma in-love sa kanya. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 3, 12, 24, 33, 37, 43.
LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Lalambot din ang damdamin ng isang kakilala na noon mo pa pinupuntiryang hingan ng tulong. Ngayon ka lumapit sa kanya, may positibong tugon ka ng makukuha. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.
SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Tulad ng mga sundalo ang magagandang kapalaran mo ay nagdaratingan na, na yayanig sa iyong mga karibal, kaaway at maging sa mga intrigera sa’yong buhay. Agapan mong wag maubos ang magagandang kapalarang ito upang lalo pang maging maunlad at masagana ang future ng iyong pamilya. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ang may pakpak ay kailangang lumipad. May pangarap ka kaya kailangan mo ring lumipad. Ang iyong mga pangarap ang magdadala sa ‘yo sa iyong magandang kinabukasan at ito ay tiyak na tiyak mo nang makakamit. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.
CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi puwedeng hindi matupad ang iyong mga pangarap dahil kung sakaling sa sarili mo ay hindi mo makuha, ang langit ang mismong kikilos para matupad ang iyong pangarap at para makamit mo ang iyong mga gusto sa buhay. Ganu’n ka kamahal ng nasa itaas, kaya ipagpatuloy mo lang ang pagiging madasalin at pagtulong sa kapwa lalo na sa mga mahihirap at sa mga nangangailangan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 12, 17, 27, 34, 42.
AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Bakit tinatakot mo ang sarili mo? Hindi mo ba alam na ang pag-aalinlangan kahit kailan ay hindi nagbubunga ng pagbabago ng buhay papunta sa kaunlaran. Kaya magtiwala ka sa sarili mo, upang ang suwerte at magandang kapalaran ay tuloy-tuloy ng dumating sa’yong harapan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27, 31, 32, 44.
PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi maganda ang hindi nakikinig sa opinyon ng kanyang mga kakilala. Kaya para hindi ka mabigo sa iyong buhay, buksan mo ang iyong tenga at makinig ka sa payo ng mga taong alam mong may maitutulong sa ‘yo. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 37, 45.