Jenai Sasan

Jenai Sasan A CKD Warrior with a positive mind! Trust and have faith always!

Dialysis ko kahapon. Sobrang payat na naman. Keri lang kahit masakit sa pwet kaka upo during 4 hours of dialysis. Wala n...
14/09/2024

Dialysis ko kahapon. Sobrang payat na naman. Keri lang kahit masakit sa pwet kaka upo during 4 hours of dialysis. Wala na kasing taba pwet ko😁🥺

Blood Flow Rate : 250 na muna
Goal(+.5) : 2 kilos (para makuha excess water lalo na sa right lung ko)
PreHd Weight : 41.5kilos
PostHd Weight. : 39.8kilos

8years and 8 months HD Patient. Kaya pa!
Thank you everyday Lord🙏
Thankful din ako nurse's at doctor's sa dialysis center namin.❤️
Healing Hands - Center for Renal Dialysis

Ang hirap pag may chronic kidney disease ka at lifetime pa ang dialysis mo. Financial struggle is always there🥺. Tulad n...
14/09/2024

Ang hirap pag may chronic kidney disease ka at lifetime pa ang dialysis mo. Financial struggle is always there🥺. Tulad nalang sa sitwasyon ko ngayon, yong asawa ko lang ang nagta trabaho. Sweldo ng mister ko doon kinukuha lahat ng expenses, like kuryente, tubig, bigas, ulam namin everyday, gamot pang maintenance ng papa ko na señor citizen, gamot ko din pang maintenance at other expenses pa sa dialysis ko. Isipin niyo yon magkakasya ba ang minimum wage ng mister ko sa lahat ng gastusin aabot paba sa next na sahod niya? Hindi po talaga! Kaya nag sideline din siya mag referee sa basketball pag may nag alok sa kanya. Pero still not enough lalo na ngayon sunod-sunod ang gastos namin nag X-ray ako at 2da echo. After that nakita sa results na may tubig ang right lung ko at may konting tubig na nag build sa heart ko at need pa e monitor para hindi dumami. Ngayon po is my resita yong doctor namin sa dialysis center may dalawang klase na antibiotic at isa pang ultrasound request para sa baga ko para makita kung gaano ka dami ang tubig. Kaya sa lahat po ng may extra sana po ay matulungan niyo po ako na ma completo ang antibiotic na needed ko at para sa ultrasound ko po. Any amount po is malaking tulong para sa akin. Hindi pa po ako maka lapit sa dswd at other government agencies po dahil naka kuha na po ako ng tulong doon after 3 months pa ako pwedi bumalik sa kanila.

8 years ang 8 months na po akong dialysis patient. Kaya ubos na ubos na talaga kami. Sa nais pong tumulong maari niyo po e send sa gcash ko po.

Jennifer R. Sasan
09495524525

Dialysis day! 3kilos gain2.3 liters goal (utang na muna ang kulang😁)300 Blood Flow Rate ❤️
29/07/2024

Dialysis day! 3kilos gain
2.3 liters goal (utang na muna ang kulang😁)
300 Blood Flow Rate ❤️

Waiting nalang sa machine for dialysis ☺️
29/05/2024

Waiting nalang sa machine for dialysis ☺️

Parang kailan lang eh medyo nabuhayan ng loob dahil bumalik na unti-unti ang katawan ko pero ngayon bumalik na naman ako...
05/05/2024

Parang kailan lang eh medyo nabuhayan ng loob dahil bumalik na unti-unti ang katawan ko pero ngayon bumalik na naman ako sa umpisa nong nag start ako mag dialysis 8years ago.. payat na naman ulit😭 nakaka lungkot lang..

Past: Oct.2023 Present: May 2024

08/04/2024

Ongoing dialysis Healing Hands - Center for Renal Dialysis Jennifer R. Sasan

28/03/2024

Yong kampanti ka dahil 139/78 ang bp sa umaga, tapos kinagabihan bigla nalang 180/93 bp ko😩

Fistula 🙌 Ang aming Fistula ay ang nagsisilbing access para sa aming dialysis. Dalawa hanggang tatlong beses sa isang li...
26/03/2024

Fistula 🙌

Ang aming Fistula ay ang nagsisilbing access para sa aming dialysis. Dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo tinutusok ng dalawang karayom itong access nato. Kailangan itong alagaan para mahaba pa ang pag gamit dito para sa dialysis pero may mga pagkakataon talaga na hindi natin mapipigilan ang magka problema o masira ang access natin para madugtungan ang aming buhay. Ito ang ikinatatakot naming mga dialysis patient ang masira ang access sa dialysis namin. Bukod sa magastos marami na naman ang pagdadaanan para magka access ulit. Ang access ko sa ngayon ay nag ka Pseudo aneurysm na, kailangan na ito ma check ng doctor para ma operahan or ma revised bago pa mahuli ang lahat or maabutan na masira ang fistula ko. Mahirap talaga maging dialysis patient kaya alagaan niyo ang sarili at ang kidneys niyo para hindi kayo matulad sa akin.

Maari po kayong mag abot ng tulong para sa pagpapaayos ng fistula ko, kahit anong halaga ay malaking tulong para sa akin.
Message niyo lang po ako, maraming salamat po..

1st month of the year dami need e comply for my dialysis, my fistula needs check-up due to aneurysm, need to see a cardi...
08/01/2024

1st month of the year dami need e comply for my dialysis, my fistula needs check-up due to aneurysm, need to see a cardio for my heart and new laboratories, processing of philhealth para maka avail sa libre.. kakayanin ko to mag-isa coz my husband needs to work hindi niya ako masasamahan.. AJA!!! i am strong💪☺️

New dialyzer again! Inom nang Benadryl 50mg para hindi mag react sa new dialyzer 😊Manas na naman mukha ko☺️😁 Ingat tayo ...
27/12/2023

New dialyzer again! Inom nang Benadryl 50mg para hindi mag react sa new dialyzer 😊Manas na naman mukha ko☺️😁 Ingat tayo sa liquid intake mga bro and sissy🤗☺️

While on our way sa dialysis center sobrang traffic at ang daming tao sa mall at mga pamilihan.. Malapit na talaga ang p...
21/12/2023

While on our way sa dialysis center sobrang traffic at ang daming tao sa mall at mga pamilihan.. Malapit na talaga ang pasko sana maging masaya tayong lahat at e bless pa ni Lord... Don't forget to thank God and pray 😊🙏

Dialysis day, low dose of heparin malakas pa menstruation ko  day🥺😀 Habang naka salang feel na feel ko ang menstruation ...
15/12/2023

Dialysis day, low dose of heparin malakas pa menstruation ko day🥺😀
Habang naka salang feel na feel ko ang menstruation ko parang bulkan na sumasabog😀😂

Thank you so much Healing Hands - Center for Renal Dialysis ❤️🙏🎁 Thank you pud Doc Magpily sa gift.. 1st time naka daug ...
12/12/2023

Thank you so much Healing Hands - Center for Renal Dialysis ❤️🙏🎁 Thank you pud Doc Magpily sa gift.. 1st time naka daug block out bingo 😁😁😁

Kayang-kaya💪☺️ kaya mo rin yan☺️One hour to go out of four hours of dialysis, I thank God for all the people and strengt...
24/11/2023

Kayang-kaya💪☺️ kaya mo rin yan☺️
One hour to go out of four hours of dialysis,
I thank God for all the people and strength He gave me🙏🙏🙏

Picture muna bago tusok! Bilog na bilog mukha natin ngayon 3.9 ba naman ang gain from dry weight 😂😱  Jennifer R. Sasan
20/11/2023

Picture muna bago tusok! Bilog na bilog mukha natin ngayon 3.9 ba naman ang gain from dry weight 😂😱

Jennifer R. Sasan

20/11/2023

Linog gyud to ba 😱

19/11/2023

Sino umiinom nang trimetazidine 35mg, ilang beses niyo po iniinom sa isang araw?

12/11/2023

Palagi nalang tumataas bp ko 😞 need na siguro baguhin dosage ng gamot ko sa hypertension 🥺

24/10/2023

Sino po sa inyo nag take ng Carvid 12.5 once a day? Bumababa din ba Pulse Rate niyo hanggang 55? Tapos sasabihin ng cardio mo okay lang daw yon.

Here  at Philippine Social Security System - SSS, yong mga may pension wag niyo kalimotan ACOP niyo para hindi maputol p...
19/10/2023

Here at Philippine Social Security System - SSS, yong mga may pension wag niyo kalimotan ACOP niyo para hindi maputol pension monthly. Ako nakalimutan ko hindi ako nahulogan this month ni SSS. Reporting now..😁

Dialysis day 💉🩺 Picture muna while waiting😊 ikaw schedule mo din ba ngayon? Kumusta po kayo?❤️☺️ Healing Hands - Center ...
16/10/2023

Dialysis day 💉🩺 Picture muna while waiting😊 ikaw schedule mo din ba ngayon? Kumusta po kayo?❤️☺️
Healing Hands - Center for Renal Dialysis

15/10/2023

Happy Sunday Everyone ☺️😍

Sabi ko sa papa ko maliligo na ako😅(1 hour later) heto parin ako sa bed naka hilata.. Tamad yarn!! Minsan may mga araw t...
14/10/2023

Sabi ko sa papa ko maliligo na ako😅
(1 hour later) heto parin ako sa bed naka hilata.. Tamad yarn!!
Minsan may mga araw talaga na gustong gusto ng katawan natin na naka higa lang tayo pero pag maghapon naman tayo naka higa namamanas naman mukha natin dahil sa tubig.. Kaya mga kabato wag niyong sanayin sarili niyo na naka higa lang sikapin niyo bumangon at mag lakad2x paminsan-minsan para masanay katawan natin at bumalik ang sigla ng ating mga katawan..
Ingat mga kapatid.. 🤗😘

Salang ko na naman today sa Healing Hands - Center for Renal Dialysis, hirap talaga pag nag negative na yong pitaka nati...
11/10/2023

Salang ko na naman today sa Healing Hands - Center for Renal Dialysis, hirap talaga pag nag negative na yong pitaka natin. Kahit saan at kahit sino lalapitan mo para lang maka survive. Maraming salamat sa lahat nang taong handang tumulong sa akin, kapamilya, kaibigan o kakilala malaking bahagi po kayo ng buhay ko nang survival ko araw2x. Kaya ma Bless pa sana kayo ni God at naway bigyan kayo ng magandang kalusogan with a happy life. Mukha lang akong walang problema pero punong puno na yan, dinadaan ko lang sa Smile para mabawasan ang bigat😊😁☺️

Thanks God natapos ko dialysis ko today! Kinabahan ako kanina nag react na naman katawan ko sa bagong dialyzer 🥺 (Nausea...
25/09/2023

Thanks God natapos ko dialysis ko today! Kinabahan ako kanina nag react na naman katawan ko sa bagong dialyzer 🥺 (Nausea)

Kayo may reaction din ba kayo sa 1st use na bagong dialyzer?

Address

Poblacion Ward 1 Minglanilla
Minglanilla
6046

Telephone

+639495524525

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jenai Sasan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Jenai Sasan:

Videos

Share


Other Digital creator in Minglanilla

Show All