10/09/2024
ALBERT MARTINEZ, KONTRA SA MGA BABAENG IBINABALANDRA ANG BIKINI SA SOCIAL MEDIA.
Inamin ng beteranong aktor na si Albert Martinez na hindi siya natutuwa sa mga babaeng ibinabalandra ang kanilang katawan sa social media.
"Hindi ko masyadong gusto with social media is that I see more women posing in two-piece bikinis even if it’s not summer, even wala sa beach. I have daughters and I feel not comfortable with it," wika ni Albert.
Dagdag pa niya, mayroon siyang dalawang anak na babae kaya't hindi siya komportable sa nasabing ideya.
Ayon sa kanya ay dapat turuan ng mga magulang ang kanilang mga anak kung paano gamitin ang social media ng responsable.
“Parents should teach their children that social media is not the life. Maybe social media can enhance your career if you want to hit a goal. Promote yourself based on what you wanna be in your career," aniya.
Naniniwala si Albert na kakainin lamang ng social media ang isang netizen kung ang habol lamang nila lagi ay atensyon.
Ctto