25/12/2024
SKL. Noong college student pa ako dati, meron kaming teacher na nagkwento samin ng kasaysayan daw ng 'Parol'.
Ika niya, noong panahon daw na ang mga español dito sa Pilipinas, nalaman nilang ginagamit ng mga pinoy ang mga lamparang gawa sa papel at isinasabit nila ito sa mga bahay na handang tumulong sa mga dayuhan.
Dahil dito, nagkaron sila ng ideya na lagyan ng mga 'farol' ang bawat lugar sa bayan tuwing pasko at kung susundin ang pinanggagalingan ng lahat ng mga parol na ito mula sa dulo ay malalaman nila na patungo pala ang lahat ng mga parol sa Simbahan.
Padating naman ng panahon ng mga kano ay naging mas sikat na rin ang hugis 'bituin'
ng mga parol na ito.
Ginaya nila ang konseptong ito sa kwentong mababasa natin sa bibliya noong ang mga matatalinong hari o 'Mago' ay sinundan ang bituin ng sa langit hanggang sa naabot nila ang kinaroroonan ng ating Panginoong Hesu Kristo.
__________________________________________
Mensahe para sa mga Kristiano:
Kagaya ng mga "Parol" na ito.
Tayong mga Kristyano ay ginagamit ng Panginoon para magsilbing liwanag sa ating mga kapwa ng sa gayon ay matagpuan at makilala din si Jesus ng mas marami pang mga taong nangangailangan ng tulong 🥰
Maligayang Pasko sa ating lahat.
Mahal na mahal tayo ng Diyos ❤️