Mommy Amae Vlog

  • Home
  • Mommy Amae Vlog

Mommy Amae Vlog Like follow share and heart emoji

LESSON SA BUHAY (From Jelyn Dablo)❤️Alam mo anong nawala saken?! Tapos ikaw na simple lang ang problema DEPRESS KANA! Be...
14/04/2023

LESSON SA BUHAY (From Jelyn Dablo)❤️

Alam mo anong nawala saken?! Tapos ikaw na simple lang ang problema DEPRESS KANA! Be strong💪 dahil kapag bumagsak ang immune system mo magkakasakit ka.

2013, nagsimula na akong rumaket ng rumaket hanggang 2021 hanggat malakas pa ako, 2015 nag start na ako nag invest ng properties at lupa at sasakyan. Ginagamit ako noon sa church as Song Leader sa Mindoro at Back up Singer sa Makati sa Church pero napabayaan ko kaka Focus sa Negosyo dahil gusto ko noon mag invest tinutulungan ko Pamilya at mga kapatid ko lalo na sa pag aaral nila at pangangailangan nila sa bahay sa mindoro.
Hindi na nakakapag simba para hingiin dapat ang protection ko araw araw at para iiwas sa sakit, kaya wala akong protection lalo na sa health ko.

Sobrang sipag ko, halos minsan di na ako natutulog (2 days) kape ng kape.... ako yung tao na mahilig sa instant food dahil sa mga transaction ko na halos kulang ang oras ko noon, kung hindi lang ako dinadalaw ng antok noon hindi na ako matutulog eh, alam mo yung pag gising mo kape agad tapos trabaho agad. Ako pa mag dedeliver at mag da drive. 📌Kaya hindi ako sanay na umaasa sa ibang tao pero ngayon wala na akong choice at humingi ng tulong sa ibang tao na may mabuti at matulungin na PUSO❤️

So ito na nga 2018, nalaman ko na may sakit ako (ENDOMETRIAL CANCER), akala ko noon mamamatay na ako. Na depress ng 2 months na halos ayaw kong makipag usap sa tao at tinago sa pamilya ko ang sakit ko ng isang taon. kaya nag enjoy nalang ako lalo kaka negosyo at nag decide ako na mag HERBAL/FOOD SUPPLEMENTS at mag nenegosyo habang
Malakas pa ako dahil maraming bayarin at kailangan ko ng savings, para sa sakit ko na kapag dumating ang oras na kailanganin ng Gamutan o treatment may savings ako.

Merun akong kakilala na halos sumikat sa Mindanao “investment scam” na tukso ako mag invest dahil lahat ng kaibigan ko at kakilala ko nag join at kumikita na. Sadly huli na ako, yung pinag hirapan kong savings nawala ng ganun ganun lang kabilis. Then may nagpakilala pa saken how to do FOREX at nasunog lang ang pera ko. 😭😭

Halos ubos ubos ang perang pinaghirapan ko sa negosyo. 2021, Nag trigger na ang sakit ko dahil sa bakuna... nagising ang sakit ko at lumala at nadamay pa ang baga ko at na operahan pati tiyan ko para tanggalin ang water (massive ascites). Kaya lahat ng pwede ebenta ay binenta ko na para pangtustus sa operasyon ko at gamutan. Ang hirap magkasakit dahil mauubos lahat ng pinag hirapan mo. Kung wala kang pera wala kang LABAN.
1 Camella (house & lot) ➡️ nabenta
1 condo sa shell Residences➡️ nabenta
1 almera kotse ➡️ nabenta
Lupa na malapit sa Dagat ➡️ nabenta
1 condo harrison Residences
1 ford ranger

Kaya ikaw na sa tingin mo hindi mo pa naman nalagpasan ang nangyare o nangyayare saken ngayon at mga nawala saken, pls lang wag mo e stress ang sarili mo dahil baka yan pa dahilan na magkaroon ka ng sakit. lahat tayo may cancer cells pls lang ingatan mo sarili mo at wag mong pabayaan.
Wag mong hayaan na mawala din sayo Physically, Mentally, Financially, at Christian Life mo like me. Pero naniniwala parin ako na si Lord may pinapa realize lang saken at ibabalik nya mga nawala saken...🙏🏻🙏🏻🙏🏻 In Jesus name.
SHARING IS CARING ♥️

Credits to Jelyn Dablo



13/04/2023

I’be watched this video many times😂😂

13/04/2023

Man picks up groceries on a scooter.
How practical he is.

Nature’s beauty.‘Natural walang halong kemikal’
09/04/2023

Nature’s beauty.
‘Natural walang halong kemikal’

08/04/2023

It's time to cool down.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mommy Amae Vlog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share