27/10/2021
Stay Awake, Agatha
Chapter 1
"The Girl Who Sleeps Too Much"
Every day felt nothing but pain ang emptiness.
Until someone came along, not to take away the pain, but to make it beareble.
"COOPER, bumalik ka rito"
Umalingawngaw sa buong pasilyo ng ospital ang isang napakalakas na sigaw dahilan para kumaripas mg takbo si Cooper.
Habang tumatakbo, biglang nalaglag ang kanyang beanie. Kaya napahinto siya at dali-dali itong pinulot at saka isinuot para matakpan ang nalalagas na buhok. Pagkatapos, nagpatuloy siya sa pagtakbo. Luminga-linga rin siya sa paligid para maghanap ng ibang daraanan. Dahil kapag dineretso niya lang, siguradong mahaharang na siya ng mga nurse o kahit sinong empleyado ng ospital.
Mayamaya, nakakita siya ng isang kwarto. Para ito sa mga batang pasyente na gaya niya. Sa sobrang pagkataranta, mabilis siyang pumasok dito.
Nakahinga naman siya nang maluwag nang makitang walang ibang tao sa kwarto maliban sa isang batang babae na natutulog sa k**a. Nakita rin niyang tila kaedad niya ito nang kanyang malapitan. "Hoy, bata, 'wag mong sabihin sa kanilang nandito ako, ha? Sikreto lang natin 'to," sabi niya at saka mabilis na nagtago sa ilalim mg k**a. Wala siyang pakialam kahit na marumihan ang suot na puting pajama at t-shirt.