IKAW ANG ILAW

IKAW ANG ILAW The only disability in life is a bad attitude

03/12/2022
28/11/2022

Datapuwa't pagka ikaw ay naglilimos, ay huwag maalaman ng iyong kaliwang kamay ang ginagawa ng iyong kanang kamay:
MATEO 6:3

26/11/2022

Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios.

ISAIAS 40:3

🥰
23/11/2022

🥰

19/11/2022

Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, At sa kaniyang looban na may pagpupuri: Mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan.

MGA AWIT 100:4

11/11/2022

Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios;

I PEDRO 4:10

01/11/2022

27/10/2022

Kapag natutunan mong umasa sa iyong sarili, mas magiging masaya ka sa buhay.

27/10/2022

Narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo: mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati.

MATEO 10:16

25/10/2022

Marami ang kadalamhatian ng matuwid; Nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat.

MGA AWIT 34:19

24/10/2022

PAGPAPALAGO AT PAMUMUNGA
2 Pedro 3: 8

Sa ating pakikipag-ugnay sa kapuwa mananampalataya, makikita natin ang ilang mga Kristiyano na mukhang napaka-"mature" at ang iba naman ay tila hindi lumalago. Ang taong malago ay mayroong ganap na responsibilidad sa kongregasyon, sumusuporta sa pamayanan ng mga Kristiyano, at tumutulong sa iba na lumago, habang ang iba ay patuloy na nakikipagpunyagi sa parehong mga personal na problema. Bakit ang ilang mga tao ay malago at naging mga manggagawa sa simbahan, habang ang iba ay nananatiling parang bata?

Ang mga Kristiyano ay hindi lumalaki dahil ayaw nilang lumago o hindi nila alam kung paano lumago. Hindi ba kakaiba yun? Ang mga tao ay naging mga Kristiyano ngunit ayaw nilang lumago. Ang paglaki ay isang lohikal na bunga ng kapasyahang ginawa. Ang mga mananampalataya ay mga alagad na dapat magpatuloy na maging disiplinado. Kung walang mga napapailalim na problema, ang mga Kristiyano ay dapat maghangad ng paglago ng kanilang relasyon sa Panginoon. Ang pangunahing problema dito ay kung naniniwala sila kay Hesus bilang kanilang personal na Panginoon at Tagapagligtas. Sa mga panahong ito, ang mga tao ay labis na nag-aalala tungkol sa kanilang pisikal na kalusugan. Mapapansin ng mga taong buhay sa espirituwal ang kanilang espirituwal na kalakasan. Ang mga patay lamang sa espirituwal ang magiging walang pagnanais at malasakit para sa kanilang espirituwal na kalakasan.

Tinawag tayo ng Ama na "magbunga ng marami" (Juan 15: 8). Sa madaling salita, hindi tayo iniligtas ng Diyos para lamang maligtas tayo. Iniligtas niya tayo upang tayo ay mamunga sa ating paglilingkod sa mundo. Hindi tayo tinawag para lamang maligtas. Tinawag tayo para sa isang misyon: upang maging kinatawan ng Diyos at magbunga ng mga bunga para sa Kanyang kaluwalhatian.

Ang prutas ay makikita habang lumalago tayo sa espirituwal. Hindi tayo makakagawa ng maraming bagay na may walang hanggang kahalagahan kung hindi tayo malusog sa espiritu. Malalampasan natin ang pagkakataong maging isang ilaw sa mundo kung masyadong abala tayo sa pakikibaka sa mga paulit-ulit na problema. Hindi tayo makapupunta sa isang mas mataas na antas sapagkat hindi pa tayo nakapasa sa pagsubok ng pananampalataya na magpapa-ganap sa atin.

Pagbubulay ngayon:

1. Lumalago ba tayo? Mangyaring sabihin ang katibayan ng ating paglago sa espirituwal.

2. Paano natin masisiguro ang ating paglago sa espirituwal?

Mga Dapat Gawin Ngayon:

Patuloy na lumago! Ang mga bunga na pipitasin natin sa walang hanggan ay kasinglaki ng ating paglaking espirituwal.

Sapagka't ang mga bundok ay mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni't ang aking kagandahang-loob ay hin...
23/10/2022

Sapagka't ang mga bundok ay mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.
ISAIAS 54:10

Loobin nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw, na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus:MGA TAG...
20/10/2022

Loobin nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw, na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus:
MGA TAGA ROMA 15:5

13/10/2022

Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka't makikita nila ang Dios.

MATEO 5:8

12/10/2022

Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating.

LUCAS 12:40

11/10/2022

Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.

MGA TAGA ROMA 10:10

Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahana...
05/10/2022

Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios.
COLOSAS 3:16

27/09/2022

Narito, binigyan ko kayo ng kapamahalaan na inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa'y hindi kayo maaano.

❤️ LUCAS 10:19 ❤️

25/09/2022

Kung ang aking bayan na tinatawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad; akin ngang didinggin sa langit, at ipatatawad ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.

II MGA CRONICA 7:14

23/09/2022

Kayo'y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagka't maluwang ang pintuan, at malapad ang daang patungo sa pagkapahamak, at marami ang doo'y nagsisipasok. Sapagka't makipot ang pintuan, at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nangakakasumpong noon.

MATEO 7:13‭-‬14

22/09/2022

Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo'y manatili sa akin.

JUAN 15:4

21/09/2022

Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo.

GALACIA 6:2

20/09/2022

The 7 Last Plagues

20/09/2022

Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, Ang buwan at ang mga bituin na iyong inayos; Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?

MGA AWIT 8:3‭-‬4

Anuman ang gawin nʼyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi an...
12/09/2022

Anuman ang gawin nʼyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi ang tao. Alam naman ninyong may gantimpala kayong matatanggap sa Panginoon, dahil si Cristo na Panginoon natin ang siyang pinaglilingkuran ninyo.
Colosas 3:23‭-‬24

10/09/2022

Pagkatapos nito, nakita ko ang napakaraming tao na hindi mabilang sa dami. Nagmula sila sa lahat ng bansa, angkan, lahi at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Tupa. Silang lahat ay nakadamit ng puti at may mga hawak na palaspas. Sumisigaw sila nang malakas, “Purihin ang Dios na nakaupo sa trono, at purihin din ang Tupa dahil iniligtas nila kami sa kaparusahan!”

Pahayag 7:9‭-‬10

Tandaan nʼyo ito, mga minamahal kong kapatid: Dapat maging handa kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at huwag ...
09/09/2022

Tandaan nʼyo ito, mga minamahal kong kapatid: Dapat maging handa kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at huwag agad magagalit.
Santiago 1:19 ASND

na kung ipapahayag mo na si Jesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli siyang binuhay ng Dios, malil...
06/09/2022

na kung ipapahayag mo na si Jesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli siyang binuhay ng Dios, maliligtas ka.
Roma 10:9 ASND

Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo.Salmo 119:11 ASND
05/09/2022

Ang salita nʼyo ay iningatan ko sa aking puso upang hindi ako magkasala sa inyo.
Salmo 119:11 ASND

Address

5th Street Malainen Bago Naic Cavite
Cavite
4100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IKAW ANG ILAW posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Category


Other Video Creators in Cavite

Show All