19/10/2024
Acting Municipal Mayor Gen. Ted Carranza inireklamo rin sa Ombudsman?
Sa kumakalat na clip mula sa programang "Opinyon Mo, Opinyon Ko." nina Darlene Olaño at Joel Gorospe, napag-usapang inirereklamo rin daw si Acting Mayor sa dahil sa Premature Release of Information. Ito ay matapos na ipakalat na masususpinde pa raw ulit si suspended Mayor Kevin Anarna na nakatakda namang bumalik sa opisina ngayong ika-24 ng Oktubre.
Kung matatandaan, si Acting Mayor Carranza rin ang itinuturong mastermind ni ATTY. GLENN CHONG sa pagkamatay ni Red Santilan. Habang si suspended Mayor Anarna naman ay idinadawit sa hazing case ng UST Fresmen student na si Horacio "Atio" Castillo.
Ang umuusbong na usaping ito ay nag-iiwan ng katanungan sa mamamayan: "May katotohanan ba? O pawang pamumulitika lamang?"