03/05/2024
"BUTI IKAW NASA BAHAY KA LANG"
Yan ang madalas isumbat ng mga lalaki sa asawa nila dahil sila kumikita at ang asawa nila nasa bahay lang..
USAPANG ASAWA:
1. Pag gising mo may kape kana, may pagkain at nakagayak na ang baon mo pagpasok sa trabaho.
2. Pag uwi mo malinis na ang bahay at pagsisilbihan ka uli para makakain ka.
3. Kapag sinabi mong masakit ang katawan mo, automatic alam na magpapamasahe ka. Kahit pagod din sa maghapon ang asawa mo.
4. Naibibigay niya pa rin ang kailangan mo kahit halos maubos na din ang lakas niya sa pag-aalaga ng anak niyo.
5. Kahit hindi mo maibigay ang lahat ng kailangan niya, (pangpaganda, luho para sa sarili niya) MASAYA YAN ang importante may pangangailangan kayo sa loob ng bahay.
USAPANG INA:
1. Sa 9 na buwan nyang dinala ang anak ninyo sa sinapupunan niya tiniis niya ang mga pagbabago sa nararamdaman nya, HILO, PAGSUSUKA,PAGLILIHI AT PANANAKIT NG KATAWAN masigurado lang na maayos ang anak ninyo.
2. Tiniis niya ang sakit ng pagli labor at pagpapalabas ng anak ninyo dahil alam nyang ang kasiyahan niya ay magiging kasiyahan mo.
3. Tiniis niya yung puyat, pagod at sakit dahil ikaw kailangan mong magtrabaho at siya lang ang maiiwan sa anak niyo kahit kapapanganak niya pa lang.
4. Lumalaki na si baby, MAS NAGING MAKULIT AT MALIKOT kaya may mga time na kahit NAGLULUTO KA, NAGHUHUGAS KA, NAGLILINIS NG BAHAY, AT ULTIMO PAG BANYO NIYA KAILANGAN KARGA NIYA ANAK NIYO.. kasi siya lang mag isa ang nag aalaga buti sana kung lagi TATLONG KILO LANG ANG ANAK NIYO, eh kaso habang lumalaki eh tumataas din ang timbang.
5. Yung akala niyo madali lang ang Breastfeeding mom nagkakamali po kayo. Kapag nagpapadede ang isang ina halos kalahati ng lakas niya ang nawawala.. imagine yung halos buong maghapon dumedede ang anak niyo kahit kumakain ang misis niyo nakasabit si baby ay HINDI PO GANUN KADALI. Lalo na yung gusto niya sanang matulog ng mahimbing sa pagod buong araw pero HINDI PA RIN PWEDE dahil my baby kayong kailangan niya pa ring padedehin kahi