Escritory

Escritory ๐˜”๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด, ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ขโ€™๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ.

Muling magbuklod kaya sa ilalim ng panahon?Dahil sa takbo ng mundo, minsan ng naglayo. Sa gitna ng ingay at alon ng siga...
09/01/2025

Muling magbuklod kaya sa ilalim ng panahon?

Dahil sa takbo ng mundo, minsan ng naglayo. Sa gitna ng ingay at alon ng sigalot, tuluyang nawasak ang samahan. Subalit, paano kung ang panahon ay muling magbigay-daan? Paano kung ang sakit at lumbay ay humupa, at ang mga sugat ay maghilom?

Nais kong maunawaan nila na ang paglisan ay hindi hangganan. Hindi ito wakas ng lahat, kundi pahinga lamang mula sa bigat ng bawat pagkukulang. Sapagkat may pag-asa sa bawat pagtatapos.

Dalangin kong sa tamang oras, magbabalik ang pagkakaunawaan. Na muling bubuo sa pira-pirasong pangarap na minsang ating pinanday. Dahil sa muling pagbubuklod, may lakas at liwanag. At sa muling pagkikita, may pagmamahal at kapatawaran.

09/01/2025

Hi everyone! ๐ŸŒŸ You can support me by sending Stars โ€“ they help me earn money to keep making content that you love.

Whenever you see the Stars icon, you can send me Stars.

Celebrating my 4th year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. ๐Ÿค—๐ŸŽ‰
21/12/2024

Celebrating my 4th year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. ๐Ÿค—๐ŸŽ‰

Hapis Ng KaligayahanSa larangan ng buhay, may takdang labanan,Ngunit bakit ang ilan, galak ay sa talunan?Ang pagdausdos ...
21/12/2024

Hapis Ng Kaligayahan

Sa larangan ng buhay, may takdang labanan,
Ngunit bakit ang ilan, galak ay sa talunan?
Ang pagdausdos ng iba'y tila pista sa iilan,
Pusoโ€™y bulag, 'di ramdam ang kapighatian.

Anoโ€™t ligaya moโ€™y nakasalalay sa sakit?
'Di baโ€™t dangal ang tunay na malasakit?
Kung sa dusa ng ibaโ€™y do'n ka nakahihigit,
Puso moโ€™y haligi ng kasawian at galit.

24/10/2024

Kaakibat nito ay mga pagpapala,
Ramdam ang bawat hinagpis at panaghoy,
Iisa ang hangadโ€”ito ay ang tala,
Sikaping maging maalam sa paglangoy.

Tayo'y magtulungan sa pakikipila,
Inabuso't ginasto ang ibinigay,
Nangamba na sa sariling tanikala,
Ewan, bakit gano'n ang kanilang ingay.

Address

Cauayan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Escritory posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Escritory:

Videos

Share

Category