17/11/2024
โ ๏ธ๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐๐ขโ ๏ธ
Walang katotohanan ang mga lumalabas na ulat at video sa social media sa umano'y pananaksak ng isang LUNHS student sa isang CKC student.
Batay sa ginawang fact finding ng School Administration ng La Union National High School, sa pamumuno ni Dr. Melinda S. Verzosa, ang kumakalat na video ay mula sa nangyaring pananaksak sa Barangay 172 na kung saan sangkot ang limang menor de edad na pawang mga mag-aaral ng Caloocan City Business High School.
Ang FAKE NEWS na ito na ikinakalat sa social media ay mariin naming PINAPABULAANAN.
Kasalukyang iniimbestigahan ng LUNHS School Administration ang mga nagpapakalat nitong FAKE NEWS at sila ay PANANAGUTIN SA BATAS.
Sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code at alinsunod din sa Section 6 ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012), ang sinumang nag-publish o nagpakalat ng maling balita sa social media platforms na magdudulot ng kaguluhan sa publiko ay may pananagutan sa ating batas. Ang mga lumalabag dito ay maaaring maparusahan ng pagkulong at multa.
Hinihikayat ang lahat na maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon sa social media, at mangyaring kilatisin muna ang mga impormasyon na nababasa, naririnig, at napapanuod bago ito ikalat.
Tayo po ay magtulungan upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa ating komunidad. Maging babala din sana ito sa tamang paggamit ng social media.
- LUNHS School Administration