20/03/2023
𝐒𝐍𝐒, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐦𝐛𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐨𝐯𝐞𝐫𝐚𝐥𝐥 𝐜𝐡𝐚𝐦𝐩𝐢𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐑𝐞𝐯𝐢𝐭𝐚𝐥𝐢𝐳𝐢𝐧𝐠 2023
Napasakamay ng Ang at The Samariñan ang titulong 'overall champion' sa Revitalizing Campus Journalism Seminar-Workshop na may temang "Revitalizing Campus Journalism: Developing Effective Journalists for Challenges and Opportunities" nitong ika 18-19 ng Marso sa SSU Convention Center.
Itinatag ang seminar-workshop ng The Tradesman ng Samar State University (SSU) na ipinagkaloob ng mga manunulat mula sa 10 paaralan kasama ang kanilang school paper advisers kabilang na ang SNS.
Nagwagi sa unang pwesto ang 4 manunulat ng Ang at The Samariñan na sina Kirstein Ann Poblete (News writing), Reiven Estrada (Editorial writing), Treshia Tomalabcad (Editorial cartooning), at Fiona Belle Tan (Layouting).
Sa ikalawang pwesto naman ay si Klint Francis Langi (Sports writing).
Sina Aelisha Gabrielle Patosa (Photojournalism) at Mary Therese Topacio (Sci-Tech writing) naman ang itinanghal sa ikatlong gantimpala.
Sinimulan ang programa ni Engr. Ma Lourdes P. Amante, Vice President for Student Affairs and Services.
"Every journalist has a responsibility to do public service and impact to the society" ayon kay Amante.
Gayundin, ang pangulo ng SSU, Dr. Manilyn Cardoso ay nakapagbigay ng mensahe para sa mga manunulat na dumalo.
"It is indeed true that the pen is mightier than the sword" ayon kay Cardoso.
"There is power in the pen, there is power in writing" dagdag pa niya.
Saklaw ng dalawang araw na seminar-workshop ang walong kategorya sa larangan ng pamamahayag at anim sa mga ito ay itinalakay sa unang araw ng mga panauhing tagapagsalita.
Nagwakas ang programa sa ikalawang araw kabilang na ang pagbibigay ng parangal para sa mga nanalong manunulat.