26/08/2023
"Hayaan ang bata sa gusto nitong gawin, huwag ipilit kapag ayaw niyang gawin."
In my own opinion, hindi dapat. Bakit? Kasi we are their parents, tayo ang gagabay sa kanila para maging mabuti silang tao. Bata palang sila ay dapat mapaalam na natin ang tama at mali, ang dapat sa hindi dapat, ang do's at dont's. Habang bata i train na natin sila para paglaki nila hindi sila maging sakit ng lipunan at lalong lalo na, hindi sila maging kahihiyan ng magulang. Huwag tayong maging tamad sa pagtuturo at pagdidisiplina sa mga anak natin. Masasabi nating mabuting magulang tayo kung nagabayan natin ng maayos mga anak natin. Hindi masamang mamalo ng anak, pero may tamang paraan ng pamamalo at yun ay hindi kung saan saang parte ng katawan nila na pwedeng ikamatay ng anak natin. At kapag namalo ba tayo ibig sabihin ba hindi natin mahal anak natin? Mali, kaya tayo namamalo kasi mahal natin sila. Basta kapag natapos natin sila paluin, ipaliwanag kung bakit yun nagawa at ipaalam sa kanila ang mali nilang nagawa.