PANOORIN: Nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang umaabot sa 530kg ng shabu na may halagang ₱3.6-B sa Mexico, Pampanga ngayong hapon.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, matagal nang minamanmanan ng binuong committee ang kilos ng mga big time drug syndicates.
📹: DOJ Usec. Mico Clavano | via Patrick Valisno
Nakakaranas ng malakas na hangin at ulan ang bahagi ng Tarlac partikular sa bayan ng Capas, sa ngayon ayon sa PAGASA dulot ito ng Habagat.
Pinag-iingat din ang publiko sa posibleng maging epekto gaya ng pagbaha at landslide.
Nakakaranas ngayon ng mahina hanggang malakas na pag-uulan ang ilang bahagi ng Gitnang Luzon, sa Tarlac partikular sa bayan ng Capas, nakakaranas ng malakas na ulan ang ilang barangay.
Sa kuhang video ni Angelajane Baldomar ng Barangay Cristo Rey makikita at maririnig ang lakas ng ulan.
Sa ngayon ayon sa PAGASA, ang pag-uulan ay dulot ng Habagat at pulu-pulong pag-uulan.
Video Courtesy: Angelajane Baldomar | via Christian Zamora, CLMC NEWS
Pumanaw na sa edad na 71 ang batikang brodkaster na si Mike Enriquez.
Credits: 24Oras
Sa August 28 na ang simula ng filing of Certificate of Candidacy para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o #BSKE2023COCFiling
PANOORIN: Positibo si Pangulong Bongbong Marcos na magiging sapat na ang suplay ng bigas sa bansa ngayong nagsisimula na ang pag-aani sa ilang rehiyon na pangunahing pinagkukunan ng bigas, gaya ng Nueva Ecija, Isabela at North Cotabato.
Siniguro rin ng Pangulo ang pagbabantay sa tumataas na presyo ng bigas partikular na aniya ang farmgate price at pag-aangkat ng bigas.
“Binabantayan namin nang mabuti ang pag supply ng ating bigas at pagbantay sa tumataas na presyo ng bigas at mayroon naman tayong balita na nagsimula na ang pag-aani sa Nueva Ecija, sa Isabela, at saka sa North Cotabato,” sabi ng Pangulo.
“Kaya’t ito’y magdadagdag sa supply natin. Ang binabantayan syempre natin ‘yung farmgate price, dahil ‘yun ang nag pataas sa presyo ngayon at pati ‘yung pag-import ng mga ibang inputs at saka ng bigas mismo,” dagdag pa niya.
“Babantayan namin nang mabuti para tiyakin na ganon ang mangyari.”
📹: Presidential Communications Office
via Patrick Valisno, CLMC NEWS
CLMC NEWS EXPRESS: Bagyong Egay nakalabas na ng bansa pero isa pang bagyo na papasok sa weekend, magpapaulan ba?
CLMC NEWS EXPRESS: Bahagyang humina ang #BagyongEgayPH
CLMC NEWS EXPRESS: SUPER BAGYONG EGAY UPDATE.
SIGNAL NUMBER 5 NAKATAAS NA.
Narito ang naging pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. patungkol sa inflation ng bansa sa katatapos lang niyang SONA.
LIVE NOW: IKALAWANG STATE OF THE NATION ADDRESS NI PANGULONG FERDINAND MARCOS JR.
Inalis na ng Palasyo ang umiiral na Public Health Emergency dahil sa #COVID19PH
PATULOY NA LUMALAKAS ANG BAGYONG EGAY HABANG PAPALAPIT ITO SA BANSA, AYON SA PAGASA HINDI NILA TINATANGGAL ANG POSIBILIDAD ITO AY MAGLAND FALL SA NORTHERN LUZON
DALAWANG ARAW BAGO ANG IKALAWANG STATE OF THE NATION ADDRESS O SONA NI PAGULONG BONGBONG MARCOS, HANDA NA RAW ANG HOUSE OF REPRESENTATIVES AT TINIYAK NG KONGRESO NA HINDI MAGIGING HADLANG ANG BAGYONG EGAY SAKALI MANG MANALASA ITO SA ARAW NG SONA.
ANG PAGHAHANDA AT UPDATE SA SONA NI PANGULONG BONGBONG MARCOS SA REPORT NA ITO.
Balitang Gitnang Luzon July 22, 2023
MAHARLIKA INVESTMENT FUND, BATAS NA!
PINIRMAHAN NA NI PANGULONG FERDINAND MARCOS JR. ANG KONTROBERSIYAL NA MAHARLIKA INVESTMENT FUND NGAYONG ARAW.
SAMANTALANG SI SENADORA RISA HONTIVEROS NANINDIGANG HINDI ITO KAILANGAN NG BANSA.
PATULOY NAMAN ANG PAGTULONG NG DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT SA MGA PILIPINONG HINDI KAYANG MAGBUKAS NG SARILING NEGOSYO, AT SA CAPAS TARLAC MAY MGA KOOPERATIBA AT GRUPO ANG NAKATANGGAP NG BUSINESS PACKAGE MULA SA AHENSYA.
LUBAK-LUBAK NA DAAN SA APALIT,PAMPANGA PASAKIT SA MGA MOTORISTA.
PAHIRAP SA MGA TAGA-APALIT PAMPANGA ANG LUBAK-LUBAK NA DAAN SA BARANGAY SAMPALOC NA NAGIGING SANHI NG TRAFFIC, KAYA NAMAN ANG LOKAL NA PAMAHALAAN KINALAMPAG NA ANG DPWH. NARITO ANG BALITA.
ISA SA FLAGSHIP PROGRAM NI PANGULONG BONGBONG MARCOS ANG KADIWA NG PANGULO, KAYA PATULOY ITONG ITINATAYO SA BANSA. SA GITNANG LUZON KANYA KANYA NA DIN ANG PAGLULUNSAD NG MGA ITO.
BALITANG GITNANG LUZON | JULY 18 2023
Maharlika Investment Fund Bill ganap ng batas matapos pirmahan ni PBBM.
Kadiwa ng Pangulo, naglunsad narin sa Gitnang Luzon.
Lubak-lubak na daan sa Apalit, Pampanga pahirap sa mga motorista.
at mga kooperatiba sa Capas,Tarlac nakatanggap ng livelihood package mula DOLE at sa lokal na pamahalaan.