02/05/2024
"CLASSMATE"
Nagsimula sa Good morning classmate,
Natapos sa Goodbye classmate,
Sa halos ilang buwan nating pagsasama,
Marami tayong naiwang masasayang alala,
Tulad na lamang kung paano tayo nagkakila-kilala,
At kung paano tayo nagturingang isang pamilya,
Classmate salamat, sa bawat tawa, sa bawat kwentohan sa bawat kopya, sa bawat bully, at sa bawat alala na matatapos na,
Sa room nating mala palengke sa ingay,
Sa bawat recitation na madalas sablay,
Sa bawat kwentuhan na punong puno ng kalokohan,
At sa bawat dramahan na puno ng yakapan at iyakan,
Nabuo ang ating samahan na hindi natin malilimutan,
Paalam sa mga nawalan ng ballpen,
Paalam sa mga papel na binigay,
Paalam sa mga chichirya na pagkain ng isa pero baon ng buong barkada,
Wag nyo sanang kalimutan ang masasaya nating pinagsamahan,
Mga linyahan na diko makakalimutan
"Pahiram ng ballpen"
"Penge ako papel"
"Tara sa canteen"
"Yung bag ko san na"
"Samahan mo nga ako"
"Libre moko"
"Wag na tayo mag sulat"
"Yung notebook ko"
"Pakopya libre kita"
"andyan na si Ma'am"
"Ma'am present ma'am never absent"
"Pakopya"
"Par tambay tayo"
"Tara 8 ball"
"Tara ml 1v1"
"Ma'am paulit"
"Maya pa tayo umuwi"
"Wag kayong maingay"
"pa inom"
"Sino may correction tape"
"Pa hotspot"
"Di ko makita"
"Ano sagot sa number one"
"Papasok ka mamaya"
"May pasok ba bukas"
"May assignment ba"
"Tapon niyo basura"
"Malian mo para di halata"
Nanjan si boijoker na handa kang patawanin
Nanjan si girl reporter na alam ang nangyayari sa mundo
Nanjan si palakanta
Nanjaan yong mga lalaking magugulo
Nanjan din si girl iyakin
At syempre di mawawala si klasmyt sipsip na backstaber
Paalam sa mga report na binasa lang,
Paalam sa mg project na may maipasa lang,
Malapit ng matapos ang araw ng pasukan,
Malapit ng matapos ang araw ng kwento.