30/05/2024
๐๐๐% ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ-๐ญ๐ข๐ฆ๐ ๐ญ๐๐ค๐๐ซ๐ฌ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ฎ๐ง๐๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ก ๐ง๐ ๐๐๐, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐จ๐ง ๐๐๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ
ni Joebert Basas
Nagtala ng markang 100% ang unang batch ng Batsilyer ng Pansekundaryang Edukasyon Medyor sa Filipino mula sa ISPSC Candon Campus sa kanilang unang sabak sa Licensure Examination for Teachers (LET) noong Marso ng taong kasalukuyan.
Binigyang pugay ng ISPSC-Candon Campus ang mga natatanging indibidwal na sina Sharima G. Marquez, Rhey Mark M. Inigo, Sarah Mae D. Nanag, Erica S. Gabor, Rolly M. Ramirez, Sherlyn R. Collong, Shaine P. Ducyapeo at Elizabeth Tabugno.
Nagkaroon ng programa ang paaralan ngayong ika-30 ng Mayo 2024 sa silid-aklatan ng Campus. Bilang pasasalamat sa mga natatanging indibidwal na nakapasa sa LET, ito ay dinaluhan ng mga g**o at mga mag-aaral. Nagsimula ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ni G. Randy Baquero. Matapos nito ay ipinakilala ni G. Ralph Nicole A. Sevilla si Gng. Geraldine G. Gonzaga, Pangulo ng Faculty Association para sa pambukas ng programa.
Ipinakilala naman ni Dr. Eric L. Villanueva, Program Chair ng BSE, ang mga bagong lisensyadong propesyonal na g**o kung saan nag-iwan siya ng mga mensaheng nagbibigay inspirasyon. Idinagdag pa niya na โKahit maraming alon man ang dumating, kailangan patuloy pa rin sa paggaod ng sagwanโ.
Matapos nito, nagbigay si G. Rolly Ramirez ng talumpati patungkol sa kanilang paglalakbay patungo sa tagumpay bilang mga bagong LPTs.
Nagbigay ng mensahe si Dr. Annie D. Dorada, dating Campus Administrator, kung saan payo niya sa mga bagong LPTs, โAlways keep your feet on the ground. Ano man ang marating sa buhay ay laging maging mapagkumbaba sa kapwa.โ
Nagbigay rin ng mensahe ang kagalang-galang na Campus Administrator na si Dr. Filipinas M. Gasalao, "Continue to strive for excellence". Ani niya, sundin natin ang mga silakbo ng ating damdamin gaano man kahirap ito. Payo niya sa mga honorees, โAlways be humble, work hard and live with dignity, passion and love your professionโ.
Pagkatapos nito ay ibinahagi naman ang isang presentasyong bidyo na inihanda nina Cristina R. Pascua at Joebert T. Basas. Para sa pangwakas na pananalita, ipinaliwanag ni G. Alejandrino C. De los Santos ang katagang โBe a blessingโ.
Pagkatapos programa ay nagkaroon ng kaunting salo-salo bilang pagpapasalamat sa makasaysayang tagumpay na ito. Habang patuloy na umaarangkada ang ISPSC- Candon Campus ay pinatitibay nito ang katayuan, bilang isang institusyong pang-edukasyon sa rehiyon. Malugod na ipinagmamalaki ng paaralan ang lahat ng mga nakapasa. Bukod dito, ang perpektong marka ng mga unang kumuha ng LET ay nagpapakita lamang ng patuloy na paghahangad ng ISPSC-Candon Campus ng dekalidad na edukasyon.
Mga larawan mula kina Sharima Faith Abquiren, Cristina R. Pascua at Joebert T. Basas