25/03/2021
91,754 record-breaking active COVID cases sa PH – DOH data
Tuloy pa rin sa mataas ang trend ng panibagong bilang na mga bagong nahawa sa COVID-19 sa Pilipinas matapos na maitala ang 6,666.
Batay sa datos mula sa Department of Health (DOH), hindi pa kasama sa mga bagong kaso ang mula sa pitong mga laboratoryo na bigong makapagsumite ng bagong mga data.
Sa ngayon nasa 684,311 na ang kabuuang bilang na mga kinapitan ng virus mula noong nakaraang taon.
Samantala, marami naman ang naitalang bagong gumaling sa COVID-19 na umaabot sa 1,072 kaya naman sa kabuuan nasa 84.7% na o 579,518 ang mga nakarekober.
Sa kabila nito nasa 47 naman ang bagong mga nasawi bunsod ng deadly virus.
Nilinaw din naman ng DOH na 11 kaso na dati raw ay nasa listahan ng recoveries ay kasama pala sa mga namatay matapos ang final validation.
Ang death toll ngayon sa bansa mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 13,039.
Sa ngayon record breaking na ang bilang ng mga aktibong kaso o pasyente sa bansa na umaabot sa 91,754 pero nasa 97.8% ay mga mild at asymtomatic.
Kaugnay nito, una nang sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman na nalampasan na ng Pilipinas ang peak ng COVID cases noong Hulyo at Agosto ng nakalipas na taon.
Tinawag din niya ang Metro Manila na nasa “high risk” na ang classification batay sa bilis ng pagdami ng mga kaso at lawak ng mga apektado.
Balita Mula: https://www.bomboradyo.com/91754-record-breaking-active-covid-cases-sa-ph-doh-data/
Top Stories 91,754 record-breaking active COVID cases sa PH – DOH data By Bombo NewsCenter - March 25, 2021 | 12:15 AM 150 Share Facebook Twitter Viber Pinterest WhatsApp Linkedin Tuloy pa rin sa mataas ang trend ng panibagong bilang na mga bagong nahawa sa COVID-19 sa Pilipinas matapos na maitala...