11/07/2024
🎨𝗣𝗔𝗚-𝗠𝗶𝗱𝗯𝗶𝗱 | 𝗥𝗜𝗭𝗔𝗟𝗗𝗬 𝗗. 𝗕𝗘𝗡𝗜𝗧𝗘𝗭
Kumusta po? Ako si Rizaldy D. Benitez, 27 taong gulang, mula sa Tagongtong, Goa, Cam. Sur. Wala na akong ama at ina. Apat kaming magkakapatid, isang babae at ako ang bunso. Lahat sila ay nakapagtapos ng kolehiyo, habang ako naman ay nagtapos lamang ng Senior High School, Accountancy, Business, and Management (ABM) sa Juan L. Filipino Memorial High School sa Buyo, Goa, Camarines Sur. Hindi ko na naipagpatuloy ang aking pag-aaral sa kolehiyo. Wala rin akong regular na trabaho at kadalasan ay nagtatrabaho sa kung saan-saan.
Noong kinder pa lang ako, napansin ko na ang aking hilig sa mga shapes. Hindi ako nakapag-daycare at diretso na akong pumasok sa kinder. Ang aking paborito ay ang bilog, rectangle at nakasulat na ako nang nasa 3 taong gulang pa lang. Noong Grade 4, natutunan ko ang mag-sketch, at hindi ko makakalimutan ang mga dibuho na gaya ng dragon balls at Naruto. Noong Grade 5, nalimitahan ang aking hilig sa mga tribal tattoos. Nang ako'y mag-16 taong gulang, lalo pang lumawak ang aking talento sa sining. Noong 2018, nakagawa na ako ng portrait at iba't ibang klase ng paintings, tulad ng Lion King at mga sapatos na aking ginawa. Ito ang aking unang mga gawa na akala ko'y hindi ko kayang gawin, ngunit sa huli'y tila hindi na parang praktis lamang. Ang aking style ay mahina sa imagination, ngunit pinakamahusay sa pagkopya sa mga bagay na nai-didibuho ko, gaya ng nakikita sa mata ko. Noong tumigil ako sa pag-aaral, naging hilig ko ang manonood ng YouTube para matuto ng iba't ibang teknik sa sining.
Nagamit ko rin ang aking talento sa pagdidibuho, kung may nananawagan sa akin para sa mga proyekto ng mga estudyante at iba pang kliyente.
Subalit, ang katotohanan ay hindi ang sining ang pangunahing hilig ko, kundi ako'y isang "runner" o atleta noong aking panahon sa Palarong Bikol nang nasa 3rd year. Naging blogger din ako at may 48k na followers sa TikTok, kung saan ang mga video ko ay tungkol sa pagtakbo. Ngunit napigilan ito dahil nabanned ang aking channel.
Lagi akong sumali sa iba't ibang contests sa paaralan, tulad ng sining at congressional na nakarating ako sa Caramoan, ngunit lagi akong talo hanggang sa ako'y nanalo. Natutunan ko roon ang tumanggap ng pagkatalo at magpalakpak sa tagumpay ng iba. May mga certificate pa ako, ngunit nawala noong kami'y lumipat ng bahay.
Naging bahagi rin ako bilang isang robotic dancer sa grupong CWC, at kasali din ako sa dance group na hip-hop sa aking paaralan. Lubos akong nagpapasalamat sa mga g**o na sumusuporta sa akin, lalo na kay Sir Rolando Merencillo Jr. na naging trainer ko sa atletismo at naging disiplinador, at kay Ma'am Jean Asor Merencillo, Ma'am Lidovina Pinsahan, at Sir Gilmor Paron Dacillo na nagtulong sa akin upang makatapos ng pag-aaral noong panahon ng aking pusong nababalisa.
Sa kasalukuyan, nagtatrabaho ako sa iba't ibang larangan, at sinubukan ko na ring iba't ibang oportunidad, ngunit wala akong nakitang naaangkop sa akin. Kaya minsan, napupuyat ako sa mabibigat na gawain. Nababahala ako sa aking kamay at pulso, baka mawalan ito ng lakas. Ngunit alam kong may paraan para dito, tulad ng paggamit ng labi, o pagkagat ng lapis. Alam kong mahaba pa ang aking buhay, kaya hindi ako nagkakaroon ng kahinaan ng loob. Alam ko rin na tayo'y magkakaiba ng oras at panahon sa buhay, kaya sa lahat ng mababasa nito na katulad ng aking pinagdaanan, hindi kayo dapat mawalan ng pag-asa.
TikTok: RDB arts
Fb page: RDB arts
Fb profile: Rizaldy D. Benitez
YouTube: RDB arts