Ang Haraya RNHS

Ang Haraya RNHS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ang Haraya RNHS, Cadlan, Pili, Camarines Sur.

Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga nagbabagang kaganapan, pinakabagong mga anunsyo at kapananaligang impormasyong nakalap ng HARAYA at THE RODRIGUEZIAN BLITZ bilang opisyal na Pampaaralang Pamahayagan ng RNHS.

Mga Atletang Rodriguezian, Namayagpag sa Congressional MeetBOMBON– Muling pinatunayan ng mga atleta mula sa Rodriguez Na...
05/02/2025

Mga Atletang Rodriguezian, Namayagpag sa Congressional Meet

BOMBON– Muling pinatunayan ng mga atleta mula sa Rodriguez National High School (RNHS) ang kanilang husay matapos magpakitang-gilas sa Congressional Meet na ginanap sa bayan ng Bombon. Sa kabila ng matinding kompetisyon, nag-uwi ang koponan ng RNHS ng maraming medalya, kabilang ang mga gintong medalya sa swimming, athletics, at iba pang paligsahan.

Sa larangan ng swimming, nangibabaw si Mike Tapel, na nagwagi sa 50m breaststroke at nag-uwi ng gintong medalya. Nakuha rin niya ang pilak sa 50m butterfly, 4x50m freestyle relay, 4x50m medley relay, at 100m breaststroke.

Samantala, ipinamalas ni Angel Kyla Ardales ang kanyang kakayahan matapos magwagi sa 4x50m freestyle relay, 800m freestyle, at 1000m freestyle, kung saan nagkamit siya ng gintong medalya. Dagdag pa rito, nag-uwi rin siya ng pilak sa 4x50m medley relay, 500m freestyle, at 400m individual medley, pati na rin ng tansong medalya sa 50m breaststroke.

Sa larangan ng athletics, ipinakita ni May M. Coligado ang kanyang bilis at husay matapos magkampeon sa 100m dash, 200m dash, 4x100m relay, at long jump, dahilan upang makuha niya ang apat na gintong medalya.

Samantala, nagwagi rin si Nicole B. Lamer matapos manguna sa 800m run, 400m run, at 4x400m relay, na nagbigay sa kanya ng tatlong gintong medalya.

Hindi rin nagpahuli si LJ Erica Asares, na nagpakitang-gilas sa high jump at nag-uwi rin ng gintong medalya.

Sa larangan ng Chess, nagpakitang-gilas si Freyah Bandola, na kabilang sa Pili Chess (Girls) team. Nakamit niya ang tansong medalya sa Blitz at pilak naman sa Standard.

Bagamat hindi nakakuha ng medalya, ipinakita ng Futsal at Badminton teams ang kanilang dedikasyon at determinasyon sa laban, na siyang patunay ng kanilang pagsusumikap sa larangan ng palakasan.

Ang ating mga manlalaro ay na sa pangangalaga at patnubay ng ating Punongg**o, Gng. Belen Adriatico at ng kanilang mga tagasanay na sina; Gng. Vernice Marie A. Barcela, G. Jeff Togñi, Bb. Angelica Genova, Bb. Donna Jean Mirador, Gng. Catherine Transona, at ni Gng. Maria Eula Gutierrez sa buong panahon ng palaro.

Ipinahayag ni G. Jules Lorenzo, sports coordinator ng RNHS, ang kanyang matinding paghanga sa mga atleta.

"Mga kampeon, kayo ang tunay na halimbawa ng kahusayan, dedikasyon, at pagmamahal sa inyong larangan. Hindi lamang sa laro, kundi sa araw-araw na paghahanda at pagpupunyagi."

Sa kanilang ipinamalas na husay, muling pinatunayan ng mga Atletang Rodriguezian ang kanilang kakayahan sa larangan ng isports. Ang kanilang tagumpay ay isang patunay ng disiplina, pagsisikap, at matibay na determinasyong patuloy nilang dala sa bawat kompetisyon.

✍️Lourdes Elutin
📸Mam Vernice
Sir Jules
Mam Donna
Mam Cath

MGA MAG-AARAL NA MAY KARANGALAN, KINILALA  RNHS – Sa kabila ng masungit na panahon, isang matagumpay na araw ng pagkilal...
01/02/2025

MGA MAG-AARAL NA MAY KARANGALAN, KINILALA

RNHS – Sa kabila ng masungit na panahon, isang matagumpay na araw ng pagkilala ang naganap sa malaking bulwagan ng Rodriguez National High School noong Enero 17, 2025, kung saan pinarangalan ang mga mag-aaral sa Junior at Senior High School na nagpamalas ng kahusayan sa kanilang pag-aaral para sa Ikalawang Markahan.

Sa harap ng mga dumalo sa okasyon; Ang Punong-g**o, ng mga Ulong-g**o, mga dalub-g**o, mga tagapayo, mga g**o, kaklase, at pamilya, masayang tinanggap ng mga mag-aaral ang sertipiko ng pagkilala bilang patunay ng kanilang sipag at tiyaga sa pag-aaral. Ang nasabing seremonya ay hindi lamang nagbigay-pugay sa kanilang pagsisikap kundi nagsilbing inspirasyon din sa iba pang mga estudyante na magpatuloy sa kanilang pagsusumikap.

Ayon kay Gng. Adriatico, ang Punong-g**o ng RNHS, Ang tagumpay ay bunga ng determinasyon at pagsusumikap ng bawat isa. Dagdag pa niya na sana patuloy na magsumikap at maging mabuting halimbawa sa iba ang mga mag-aaral na kinilalang May Karangalan.

Samantala, hindi rin maitago ng mga magulang ang kanilang kasiyahan at pagmamalaki sa mga parangal na natanggap ng kanilang mga anak. Para kay Bb. Lourdes, isang estudyante mula sa Grade 12, “Napakasarap sa pakiramdam na makita ang bunga ng aming pagsisikap. Isa itong patunay na ang pagsisikap ay may kaakibat na gantimpala.”

Habang papalapit ang pagtatapos ng taong panuruan, mas lalong nahihikayat ang mga mag-aaral na pagbutihin ang kanilang pag-aaral. Sa pagsisimula ng Ikatlong Markahan, hangad ng RNHS na mas marami pang estudyante ang mapabilang sa listahan ng mga may karangalan—isang hakbang patungo sa mas maliwanag na kinabukasan!

✍️Lady Grace Mustera
📸Elvy Nueva Bueno

PAGBATI🎉🎉🎉Pubmat: Elvy Nueva Bueno
17/12/2024

PAGBATI🎉🎉🎉

Pubmat: Elvy Nueva Bueno

05/10/2024
RNHS TVL ICT-12, Nakuha ang 100% Passing Rate sa CSS-NCII Matagumpay na nasungkit ng TVL 12-ICTng Rodriguez National Hig...
06/06/2024

RNHS TVL ICT-12, Nakuha ang 100% Passing Rate sa CSS-NCII

Matagumpay na nasungkit ng TVL 12-ICTng Rodriguez National High School (RNHS) sa kanilang Assessment sa Computer System Servicing NCII (CSS-NCII) ang 100% passing rate.

Dumaan sa komprehensibong pagsasanay ang 12-ICT na pinangasiwaan ng tagapagsanay na si Bb. Michelle B. Oledilis na idinaos sa Camarines Sur International School (CSIS) Inc. sa Km 9 Zone 1, Pacol, Naga City mula Abril hanggang Mayo taong kasalukuyan.

Sa pagsasanay pa lamang ay nagpakita na ng determinasyon at husay sa larangan ng Computer System Servicing(CSS) ang 12-ICT kaya di naman kataka-taka na lahat sila ay pumasa. Sa buong panahon ng kanilang pagsasanay ay nakaagapay sa kanila ang tagapayo na si Gng. Salvacion Margallo.

Sa pakikipagtulungan ng Joint Delivery Voucher Program (JDVP), Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at mga TVI partners, naipagkaloob ang TESDA National Certificate NCII para sa Computer System Servicing NCII sa mga mag-aaral ng TVL ICT-12 ng RNHS.

Ang Camarines Sur International School (CSIS) Inc. ay nagbigay ng mahalagang suporta at pagsasanay sa mga mag-aaral ng RNHS, na nagresulta sa kanilang tagumpay sa assessment. Ang pagtitiyak ng DepEd at ng mga TVI partners sa kalidad ng edukasyon at pagsasanay ay magpapatuloy upang maghatid ng mataas na antas ng tagumpay sa hinaharap.

Ang CSS-NCII certification ay magbubukas ng maraming oportunidad para sa mga mag-aaral sa larangan ng teknolohiya at magsisilbing bilang pundasyon para sa kanilang mga karera sa IT.


Mula sa buong komunidad ng Rodriguez National High School, binabati at ipinagmamalaki namin kayo at ang inyong tagumpay!!

✍️May S. Aguilar
📸Ian O. Baal

Caceres, Celorico Nakamit ang Pinakamataas na Karangalan; Pinangunahan ang 261 na nagsipagtapos.Matapos ang dalawang tao...
05/06/2024

Caceres, Celorico Nakamit ang Pinakamataas na Karangalan; Pinangunahan ang 261 na nagsipagtapos.

Matapos ang dalawang taong ginugol sa Senior High School; 140 General Academic Strand (GAS) ,36 Information and Communication Technology (ICT) ,27 Home Economics (HE) at 58 mula sa Alternative Learning System (ALS) Seniors, ang nagsipagtapos Rodriguez National HighSchool, sa 7th Senior High School Commencement Exercises na ginanap sa bulwagan ng Rodriguez National High School nitong Mayo 30 ,2024. Ang 261 na nagsipagtapos ay pinangunahan nina Anika Jane Caceres at Criselle Monique Celorico na kapwa nagkamit ng Pinakamataas na Karangalan.

Sa hudyat ng mga G**o ng Palatuntunan na sina Bb.Rousella Victoria P. Labiste at Gng. Candelaria Infeles nagsimula ang prusisyunal ng mga magsisipagtapos kasama ang kanilang mga magulang at tagapangalaga, Kaguruan ,Punong G**o at ang Panauhing tagapagsalita sa gitna ng CAT Honor Guards patungo sa bulwagan.

Pinangunahan ng Miyembro ng CAT Corps Staff ang Entrance of Colors para sa pormal na pagsisimula kasunod ng pag-awit ng Lupang Hinirang . Pinangunahan naman ni Gng.Catherine M. Transona ang panalangin. Samantala, Si Gng Engeline F.Pantaleon; Senior HighSchool Coordinator ang nagbigay ng Pambungad na pananalita.

Iniharap naman ng Kaguruan ang lahat ng magsisipagtapos kay Gng. Belen Adriatico; Punong-g**o III at kinatawan ni SDS Norma Samantela para sa kumpirmasyon.

Kasunod ay ang pamamahagi ng mga diploma na pinangunahan ni Gng. Adriatico at Gng.Pantaleon, katuwang ang tagapayo sa bawat seksiyon. Si Gng. Abegail S.Despuig para sa 12 -GAS1, Gng. Amy Sumayao sa 12-GAS2, Gng. Transona para sa 12 -GAS3, Bb.Christine Joy J.Largado para sa 12-Gas 4 ,Habang si Gng.Salvacion B.Margallo naman ang namahagi sa klase ng 12-ICT, at si Gng. Lani C. Sapinoso naman para sa klase ng Grade 12- HE. Sa huli, si Gng.Candelaria C.Infeles naman ay para sa Grade 12-ALS .

Ipinakilala ni Gng. Despuig ang Panauhing Tagapagsalita na si G. Alexander O.Vargas, Isang Training Specialist 1-Learning Site for Agriculture Point Person at isinusulong ang Food independency.

Suot ang tradisyunal na salakot ay hinimok ni G. Vargas ang magsisipagtapos na magpatuloy sa pag-abot ng pangarap, gamitin ng wasto ang oras at maging isang produktibong mamamayan.

Pakatapos, Iginawad Ang Academic Awards kung saan mahigit isang daan ang nakatanggap ng medalya,Sertipiko ng pagkilala, Espesyal na pagkilala para sa ibat ibang larangan, at iba pa. Ang paggawad ng parangal na ito ay inabot ng dalawang oras bago natapos.

Si Bb. Anika Jane R. Caceres ,May Pinakamataas na karangalan ay nagbahagi ng kanyang Pasasalamat sa ngalan ng buong klase ng 2024. Ayon pa sa kanya ,"Narito tayong lahat ngayon dahil nalampasan natin ang mga paghihirap ,Sa ngayon patuloy pa rin tayong bumabangon mula sa epekto ng pandemya.Naranasan natin ang krisis sa pag-aaral dahil sa COVID-19. Ang tema na Kabataang Pilipino Para sa Matatag na bagong Pilipinas ay nagpapaalala sa atin na tayo ay ang pag-asa ng bayan."

Samantala, si Gng.Adriatico ang nagbahagi ng State of the School Address (SOSA).
Sinundan ito ni Bb. Criselle Monique T.Celorico ,May Pinakamataas na Karangalan na para sa Panunumpa ng Katapatan.

Bago matapos, ay inawit ang "Best Day of My life mula sa American Authors bilang Graduation Song ng mga nagsipagtapos.

Si Bb. Sumayao ;Grade 12 Coordinator ,ang nagbigay ng Pampinid na Pananalita bago ang recessional.

✍️Earnest Blanquera
Lyra Bea Cena
📸Earnest Blanquera

208 Rodriguezians, nakapagtapos ng JHS:Baal, nagpasalamat sa ngalan ng mga kasamahanIniharap ng Kaguruan ng Rodriguez Na...
04/06/2024

208 Rodriguezians, nakapagtapos ng JHS:
Baal, nagpasalamat sa ngalan ng mga kasamahan

Iniharap ng Kaguruan ng Rodriguez National High School ang 208 Junior High School completers sa pagsisimula ng 9th Completion Ceremonies para sa Batch 2024 noong Huwebes ng umaga, Mayo 30, 2024, na ginanap sa RNHS Multi-Purpose Hall.

Si Bb. Genieses B. Campos, RNHS Alumna mula sa Batch 2011 ang naging Panauhing tagapagsalita, na may temang “Kabataang Pilipino Para sa Matatag na Kinabukasan ng Bagong Pilipinas”.

Ang programa ay nagsimula nang 6:48 N.U. sa pamamagitan ng martsang pandangal ng mga Kandidato para sa Completion Rites kasama ang kanilang mga magulang at tagapag-alaga, Kaguruan sa pamununo ni Gng. Belen N. Adriatico; Principal III, kasama ang Panauhing tagapagsalita.

Sinundan ng Entrance of Colors na pinangunahan ng Citizen Advancement Training (CAT) Corps Staff. Sumunod ang pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas, sa kumpas ni Gng. Krisalyn L. Bolalin;G**o III. Pagkatapos, Panalangin sa pangunguna ni Kathleen Joy M. Fraginal; May Karangalan.

Binati ni Gng. Adriatico ang mga dumalo sa pagtitipon sa kanyang Pambungad na pananalita kung saan pagkatapos, Idineklara at kinumpirma ang mga nagsipagtapos ng JHS para sa paglipat sa Senior High School.

Samantala, Matapos ang paggawad ng Certificate of Completion ay isinagawa naman ang paggawad ng Award para sa Academic Excellence. Ang nasabing gawad ay ipinagkaloob sa mga mahuhusay na mag-aaral na nagkaroon ng Karangalan ( With Honors), May Mataas na Karangalan ( With High Honors) at Pinakamataas na Karangalan ( With Highest Honors).

Agad namang sinundan ito ng paggawad ng Awards for Outstanding Performances in Specific Disciplines and Special Recognition. Ipinamahagi ito ng mga tagapayo ng bawat section: Donna Jean B. Mirador para sa Grade 10- Aster, Celma B. Milano para sa Grade 10- Dahlia, Crisanta A. Abad para sa Grade 10- Hyacinth, Rhebet S. Remot para sa Grade 10 - Orchids, at Daffodils L. Dichoson para sa Grade 10- Santan.

Ipinakilala naman ni Gng. Evelyn M. Mayor, Master Teacher II si Campos bilang Guest Speaker. Inilarawan ni Campos ang kanyang mga araw sa RNHS. Ibinahagi niya ang kanyang naging karanasan bilang isang mag-aaral, mga pagsubok, pagpupunyagi at pagtatagumpay.

Sa mensahe ni Charlene Jane A. Baal; May Mataas na Karangalan, Ipinahayag niya kung gaano siya nagpapasalamat at ang kanyang mga kapwa mag-aaral sa institusyong nag-aruga at kumalinga sa kanila sa loob ng apat (4) na taon, ang RNHS.

Bago matapos, ay inawit ng mga mag-aaral ang “Huling Sayaw” ng Filipino rockband – Kamikazee bilang Completion Theme.

Sa huli, kinilala ni Bb. Mirador bilang Grade 10 Coordinator ang lahat ng pagsisikap sa likod ng tagumpay ng nasabing programa.

Opisyal na natapos ang palatuntunan matapos ang Recessional March na pinangunahan ng CAT Corps Staff eksaktong 11:47 N. U. Sina G. Jeffrey D. Togñi at Bb. Luzel B. Peña naman ang nagsilbing G**o ng Palatuntunan.

✍️ Earnest Blanquera
📸 Earnest Blanquera

Taong Panuruan 2023-2024 tapos na,Pag-gawad ng Parangal idinaosNaging hudyat ng pagtatapos ng Taong Panuruan 2023-2024 a...
01/06/2024

Taong Panuruan 2023-2024 tapos na,
Pag-gawad ng Parangal idinaos

Naging hudyat ng pagtatapos ng Taong Panuruan 2023-2024 ang palatuntunan nitong Mayo 29,2024. Isinagawa ang paggawad ng parangal sa mga mag-aaral mula ika- 7, ika- 8 ika9 at ika-11 na baitang na nagtamo ng karangalan. Nagsimula ang programa ganap na ikatlo ng hapon sa malaking bulwagan ng Rodriguez National High School sa pamamagitan ng martsang pandangal ng mga mag-aaral, mga magulang, tagapayo, Kaguruan, at panauhing tagapagsalita na si Bb. Ailyn V. Buban

Kabataang Pilipino para sa Matatag na Kinabukasan ng Bagong Pilipinas ang tema ng pagdiriwang ngayong taon.

Bago nagsimula ang paggawad ng pagkilala,pinangunahan ni Gng. Elisa V. Cabida ang panalagin at sumunod naman ang pambansang awit ng Pilipinas na pinangunahan ni G. Greg A. Cortez.

Nagbigay ng pambungad na pananalita ang Punong-g**o na si Gng. Belen N. Adriatico, binigyang kahulugan niya ang pagiging mapalad ng mga mag-aaral at mga magulang na dumalo sa okasyon. "Kayo ay pinanday ng panahon, kayo ay kabilang sa kabataang Pilipino na inaasahan ng mga magulang, inaasahan ng komunidad, lalong-lalo na kaming mga g**o,inaasahan namin kayo,na kayo'y magiging matatag pagdating ng bukas." bahagi ito ng kanyang mensahe.

Nang matapos ang pagbibigay ng karangalan sa baitang 7 at 8, ipinakilala ni Gng. Angelita B. Quiñano sa malikhaing pamamaraan ang panauhing tagapagsalita na si Bb. Ailyn V. Buban (RNHS Alumna Batch 2018).

Sa kanyang panayam, ibinahagi niya ang kanyang naging karanasan habang nag-aaral, na hindi naging madali ang lahat dahil sa hirap ng buhay. Subalit, naging inspirasyon niya ang kanilang kalagayan para mas magpursigi at makatapos ng kolehiyo bilang Cum laude. Dagdag pa niya "Sa mga mag-aaral na nandito,hindi ninyo kailangang makipag-kompetinsya para maging honors, kundi tulungan ang inyong sarili,dahil sa panahon ngayon ang ating sarili ang ating kalaban at tutulong sa atin."

Matapos makapagbahagi ng mensahe si Bb. Buban, muling ipinagpatuloy ang pagbibigay ng parangal sa mga mag-aaral ng baitang 9 at 11. Binigyan din ng gawad pagkilala ang mga estudyanteng nanalo at nagkamit ng medalya at nagwagayway ng bandila ng Rodriguez National High School sa larangan ng isports, Battle of the Wise(BOW), pampaaralang pamamahayag (journalism) at iba pang paligsahahan.

Natapos ang solemneng okasyon sa ganap na ika-lima ng hapon sa pamamagitan ng pampinid na pananalita ni Gng. Evelyn Mayor. Sina G. Gilmar Baran at Gng. Vernice Barcela naman ang nagsilbing g**o ng palatuntunan.

Sa panayam kay Gng. Ma. Cristina P. Villamor; Grade 7 coordinator, sinabi niyang simple lamang sana ang okasyon subalit naging engrande ( Grand Recognition) dahil na rin sa pakikiisa at kooperasyon ng mga g**o at mag-aaral mula sa ensayo hanggang sa aktuwal na pagsasagawa ng okasyon.

✍️Elvy Nuevo
📸 Leo Vin Recaña
E. Blanquera

COLOR FUN RUN 2024, isinagawa ng Pili West District SSLGSa kabila ng maulang panahon, matagumpay na naidaos ang Color Fu...
25/05/2024

COLOR FUN RUN 2024, isinagawa ng Pili West District SSLG

Sa kabila ng maulang panahon, matagumpay na naidaos ang Color Fun run sa Freedom Sports Complex, ngayong araw Mayo 25, 2024. Ito ay sa pangunguna ni Lyncelle Charlotte B. Laynesa, Pangulo ng District Supreme Secondary Learners Government (SSLG) at ng mga Outgoing at in-coming na opisyales ng nasabing organisasyon.

Ang nasabing aktibidad ay nagsimula ng ika-5 ng umaga at natapos naman ng ika-9 N.U. Dinaluhan ito ng walong paaralan mula sa Pili West District. Ang mga sumusunod ay listahan ng mga paaralang lumahok at dumalo sa aktibidad.

* Rodriguez National High School
* San Jose Pili National High School
* Camarines Sur Sports Academy
* La Purisima National High School
* Gov. Mariano E. Villafuerte High School
* Computer Science High School of Bicolandia
* Bicol High School for the Arts and Culture
* Sto. Niño Pili National High School

Pinangunahan naman ni Hazel Anne Brizuela; Pangulo ng SSLG at ni Earnest Blanquera sa gabay ni Gng. Marilou Hermoso ang mga kinatawan mula sa Rodriguez National High School. Si Blanquera ang magsisilbing Pangalawang Pangulo ng District SSLG sa susunod na Taong-Panuruuan (SY 2024-2025).

Layunin ng Fun Run na pagbuklurin ang mga SSLG at mga mag-aaral mula sa Pili West District, bumuo ng samahan, pagkakaibigan at karanasan tungo sa pag-kakaisa.

Pinasimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng Zumba Dance na pinangunahan ng San Jose dance Troop. Kahit na umuulan ay hindi pa rin nagpatinag ang bawat isa, bagkos sabay-sabay ang lahat na sumuong sa ulan habang sumasayaw.

Ang Color Fun Run ay may apat na estasyon na dapat malampasan ng bawat manlalaro bago makaabot sa Finish Line.

Sa huli, nasungkit ng La Purisima National High School ang Una, ikalawa, ikatlo at Ika-limang pwesto.
Samantala, nasilat naman ng San Jose Pili National High School ang Ika-apat na pwesto sa patimpalak.

Ayon kay Glenn Mark Caparas, mag-aaral ng RNHS, “ Masaya sa pakiramdam nang magsimula na ang laro, nang nasa kalagitnaan na ako ng pagtakbo, naramdaman ko ang pagod at paghihina sapagkat napagtanto ko na malayo na rin ang aking natakbo pero malayo pa rin ang finish line. Maraming nauuna saakin, subalit ipinagpatuloy ko parin ang pagtakbo dahil alam kung ang hangganan nito ay Finish line pa rin.”

" Nag-enjoy po ako ng sobra sa aktibidad na ito. Sana’y hindi ito ang huli. Hindi man ako nanalo ay nag-enjoy ako at nagkaroon pa po ako ng bagong kaibigan.”pagtatapos ni Caparas.

✍️Lyris Queen Bautista
📸Gng. Marilou Hermoso

Internship ng mga G**ong-Mag-aaral ng CBSUA natapos na Matagumpay na nagtapos ang dalawang araw na itinakdang pinal na p...
08/05/2024

Internship ng mga G**ong-Mag-aaral ng CBSUA natapos na

Matagumpay na nagtapos ang dalawang araw na itinakdang pinal na pagpapakitang-turo ng mga g**ong-mag-aaral mula sa Central Bicol State University of Agriculture na isinagawa ngayong ika-6 at ika-7 ng Mayo, 2024. Kasunod nito, agarang idinaos sa bulwagan ng Rodriguez NHS ang palatuntunang naghuhudyat ng tuluyang pagtatapos ng mahigit 3 buwan na pagsasanay sa ilalim ng pamamatnubay ng mga huwarang G**ong-Tagapagsanay.

Matatandaan na noong Ika- 1 ng Pebrero taong kasalukuyan, nag-umpisa ang 13 na G**ong-mag-aaral na nagmula sa CBSUA ng kanilang pagsasanay sa pagtuturo Rodriguez National High School.

Dinaluhan ang nasabing palatuntunan ng kinatawan mula sa College Of Education(COE) na si Prof. Mary Grace Polvoriza na kasalukuyang Intern Supervisor, mga G**ong-Mag-aaral, Kawaksing-g**o at ng pamunuan ng Rodriguez NHS sa pangunguna ng Punong-g**o; Gng. Belen Adriatico at Ulong-G**o; Gng. Myra Luzon.

Samantala, sa isang panayam kay Bb. Janette Sodsod, isa sa mga g**ong-mag-aaral, sinabi nya na "Noon pa man ay ang paaralang Rodriguez National High School na talaga ang aking nais na mapasukan sa aking internship, dahil noon pa ma'y napakarami ko nang naririnig na positibong komento sa paaralang ito lalong-lalo na sa mga mababait at mahuhusay na g**o rito."

Dagdag pa niya "Hindi nga ako nagkamali sa aking unang impresyon sa paaralang ito at mas lalo pa nga akong humanga sa pagkakaroon ng positibong kapaligiran. Napakarami kong natutuhan sa aking mga naging karanasan at napakarami kong alaalang babaunin .

"Sa ngalan ng lahat ng aking kasamahan ay lubos ang aming pasasalamat at kasiyahan sa mga g**o at mga mag-aaral sapagkat naging bahagi kami ng Rodriguez National High School kahit sa maikling panahon. Ang mga aral at karanasan ay babaunin namin hanggang sa maging ganap na g**o na rin kami."Panapos niyang pahayag.

Mula sa buong Rodriguez National High School ay nagpapasalamat din kami sa inyong ginugol na panahon at husay sa pagtuturo.

Malayo pa ngunit malayo na!

Pagbati sa inyong Tagumpay!!

✍️Lyris Queen Bautista
📸Bb Cris A.

5 Rodriguezian CJs,PASOK SA DSPC 2024 Tatlo mula sa "The Rodriguezian Blitz" at dalawa mula sa "Ang Haraya" na mga Campu...
26/03/2024

5 Rodriguezian CJs,
PASOK SA DSPC 2024

Tatlo mula sa "The Rodriguezian Blitz" at dalawa mula sa "Ang Haraya" na mga Campus Journalists ang pumasok para sa Division Secondary Schools Press Conference na gaganapin sa Nabua National High School sa darating na Abril 11-12, 2024. Matapos ang matagumpay na Sectoral Secondary Schools Press Conference (CSPC) sa Camaligan National High School sa Camaligan Camarines Sur, nitong Marso 23, 2024.

Ang mga nakapasok na Rodriguezian Blitz ay sina: Larraine Althea G. Narzoles, Kampeon sa Column Writing, Earnest Blanquera, Ika-5 sa Editorial Writing at
Lawrence G. Delminguez, ika-3 sa Photojournalism.

Si May S. Aguilar, Ika- 4 sa Editorial cartooning at Leonard R. Recaña, Ika- 2 sa photojournalism naman ang mga nakapasok mula sa Ang Haraya.

Dagdag pa riyan, mayroong 18 na mag-aaral mula sa RNHS na pinarangalan dahil sa pagpasok sa Top 10. Narito ang resulta ng kamakailang natapos na CSPC sa Camaligan National High School.

THE RODRIGUEZIAN BLITZ

🔸Champion - Column Writing
Larraine Althea G. Narzoles

🔸3rd Place -Photojournalism
Lawrence G. Delminguez

🔸5th Place -Editorial
Earnest Blanquera

🔸7th place- Science and Technology
Nelmar B. Odiaman

🔸8th place -News Writing
Marjorie V. Tapel

🔸10th Place- Feature Writing
Kris Mabel E. Relucano

ANG HARAYA
🔸Ika- 2 sa Photojournalism
Leonard R. Recaña

🔸Ika-4 sa Editorial Cartooning
May S. Aguilar

🔸Ika-7 sa column writing
Lyra Bea A. Cena

🔸Ika-10 sa Feature writing
Criselle Monique T. Celorico

🔸Ika-10 Sa Science and technology Writing
Precious Yannah Ampongan

Samantala, sa unang pagkakataon ay sumabak din sa radio broadcasting ( English) ang koponan na binubuo nina Aerondy C. Abad,
Brenth Ahmier Reforsado, Ian O. Baal, Reychell Belleza, Mary Rose Lorenzo, Christian Miraflor , at Cian Apelo. Naiuwi naman nila ang ika-4 na puwesto.

Ang mga tagapagsanay na sina G. Dennis S. Dizon, Bb. Cris Abad, Gng. Abigail Despuig, Gng. Rousella P. Labiste at G.Gilmar Baran ay nagagalak sa kanilang pagkakapanalo. Nagpapasalamat din sila sa suporta ng buong kumonidad ng Rodriguez National High School sa pangunguna ni Gng. Belen N. Adriatico.

✍️May Aguilar
📸RNHS Publications

Lenten Recollection, isasagawa ngChrist the King ParishBilang pag-gunita sa panahon ng kuwaresma, isasagawa ng Christ th...
22/03/2024

Lenten Recollection, isasagawa ng
Christ the King Parish

Bilang pag-gunita sa panahon ng kuwaresma, isasagawa ng Christ the King Parish ang Lenten Recollection sa Christ The King Parish, Palestina, Pili Camarines Sur, ngayong araw Marso 22, 2024, sa ganap na alas-sais ng gabi.

Ang Kwaresma ay panahon ng pag-aayuno,pagtitika at paghahanda sa Linggo ng Pagkabuhay.

Ito rin ang panahon upang pagnilayan at alalahanin ang ating Panginoong Hesu
Kristo. Ang aktibidad na ito ay pangungunahan ni Rev. Fr. Jhun Oliva.

Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa gawaing ito.Halina't sama-sama nating alalahanin ang pagpapakasakit ni Kristo para sa ating lahat.

✍️Lyris Queen Bautista
🎨 Christ the King Parish

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 |Ganyak at sabik na nagtungo sa Agricultural Training Institute (ATI Bicol) sa San Agustin, Pili, Camarines Sur ...
11/03/2024

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 |

Ganyak at sabik na nagtungo sa Agricultural Training Institute (ATI Bicol) sa San Agustin, Pili, Camarines Sur ang unang batch ng 12-ICT para sa kanilang immersion nitong Marso 11, 2024. Sinamahan sila ng Punongg**o na si Gng. Belen Adriatico, Senior High School Coordinator, Gng. Engeline F. Pantaleon, Tagapayo, Gng. Sonnie Margallo at G**o sa Immersion G. Jojit Velasco para sa oryentasyon.

Mainit silang sinalubong ng mga kinatawan ng ATI sa pangunguna ni G. Alexander O. Vargas, TS II. Sa isang maikling palatuntunan binigyang diin ng mga personahe ng ATI ang mga inaasahan sa mga mag-aaral na sumasailalim sa kanilang Immersion program.

Inaasahan na kukumpletuhin ng mga mag-aaral ang 60 oras ng kanilang pagsasa-praktika ng mga teoryang natutuhan sa paaralan. Sa pagbabalik ng mga mag-aaral ay inaasahan din na babaunin nila ang mga kaalaman, kasanayan at mga karanasan na magagamit nila sa mga darating na panahon.

📷Gng. Engeline F. Pantaleon
✍️Niks Caceres

Lunes, maagang-maagaEstudyante na sa pilaPag-galang ipinakitaSa pagtaas ng bandila.
11/03/2024

Lunes, maagang-maaga
Estudyante na sa pila
Pag-galang ipinakita
Sa pagtaas ng bandila.

Unang puwesto sa poster makingIniuwi ni AguilarBilang pagtugon sa imbitasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Pili, ka...
08/03/2024

Unang puwesto sa poster making
Iniuwi ni Aguilar

Bilang pagtugon sa imbitasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) Pili, kaugnay ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month ay maagang nagtungo sa tanggapan ng BFP sila Aguilar at Bautista upang maging kinatawan ng Rodriguez National High School. Sinamahan sila ng kanilang mga tagasanay na sila G. Tito Kuan at G. Baran.

Ginanap ang kompetisyon sa poster making, spoken word poetry at digital arts kahapon, ika-8 ng Marso 2024, sa Pili Fire Station, Zone 2 San Juan, Pili Camarines Sur. Nilahukan ito ng mga kinatawan mula sa iba't-ibang mataas na paaralan sa buong bayan ng Pili.

Nasungkit ni May S. Aguilar ang unang pwesto sa poster making. Samantala, nakamit naman ni Lyris Queen DC. Bautista ang ika-7 puwesto sa spoken poetry. Bagamat kinabahan ay naipamalas ng dalawang pambato ng Rodhigh ang kanilang husay sa pagguhit at masining na pagbigkas sa harap ng madla.

Ayon sa kanila,Nakakakaba ang kompetisyon ngunit madami silang napulot na aral at bagong karanasan, gayundin ang mga bagong kakilala at kaibigan.

Patunay na ang Rodriguez National High School ay may kakayahang lumaban at makipagsabayan sa iba’t-ibang larangan.

Mula sa buong Rodriguez National High School, Maligayang Pagbati sa inyong Tagumpay.!

✍️Anika Jane Caceres
📷F.T. Kuan

Bayani Love's Hero Zpinanood ng mga RodriguezianNgayong Miyerkules, ika-anim ng Marso, 2024 ay maagang nagtungo ang mga ...
06/03/2024

Bayani Love's Hero Z
pinanood ng mga Rodriguezian

Ngayong Miyerkules, ika-anim ng Marso, 2024 ay maagang nagtungo ang mga mag-aaral kasama ang mga g**o ng Rodriguez National High School sa University of Nueva Caceres Sports Palace kasabay ang iba't-ibang paaralan mula sa Camarines Sur upang masaksihan ang isang natatanging pagtatanghal sa entablado ng Philippine Stagers Foundation ng isang orihinal na Filipino Musical na pinamagatang Bayani Love's Hero Z na isinulat at idinerehe ni Atty. Vincent M. Tañada.

Bago ang pagtatanghal ay ipinabatid muna ng produksiyon sa mga mag-aral ang mga patakaran sa panonood sa pamamagitan ng isang virtual video. Nagsimula ang palabas ng alas-8 ng umaga. Ipinakita ng mga aktor at aktres ang husay at galing nila sa pag-awit at pagsayaw. Inaliw nila ang mga manonood sa pamamagitan ng pag-gamit sa salitang Gen Z na naghahalintulad sa makabagong panahon katulad ng pandemya sa mga eksena.

Samot-saring emosyon ang pinadama ng pagtatanghal sa mga manonood katulad ng lungkot, saya at kilig. Patunay ito na ang sining ay hindi lamang nagbibigay ng aliw kundi nagbubuklod din ng mga puso at kaisipan.

Ayon sa isa sa mga mag-aaral na nanood na si Elaine S. Taduran,
"Maganda ang musical theater na aming napanood dahil sa marami itong aral na mapupulot. Pinatunayan rin ng isa sa mga karakter na si Jayriz ang kahalagan ng edukasyon sa panahon ng paniniil. Agaw pansin rin ang mga salitang napapanahon na ginamit sa dula."

Dagdag pa, "Inaasahan ko na may susunod pang pagtatanghal upang maraming aral ang aming matutunan, masaya akong manonood ulit".

✍️Anika Jane R. Caceres
📷Gng. Engeline Pantaleon
Ciara Ablitea
Earnest Blanquera

𝘼𝙉𝙐𝙉𝙎𝙔𝙊!Ikaw ba ay mahilig sa board games katulad ng Chess, Dama, Scrabble at Game of The General?Ano pa ang hinihintay ...
04/03/2024

𝘼𝙉𝙐𝙉𝙎𝙔𝙊!

Ikaw ba ay mahilig sa board games katulad ng Chess, Dama, Scrabble at Game of The General?

Ano pa ang hinihintay mo? Makipagsubukan na ng galing sa estratehiya at taktika!

Sumali sa 1st TEEN CENTER Board Games TOURNAMENT.

Para sa detalye hanapin lamang sila:
Elaine Taduran 11-Gas1
Hazel Brizuela 11- Gas1
Criselle Monique Celorico 12- GAS1

https://www.facebook.com/share/T1MnrN2yZGbpTcjA/?mibextid=oFDknk

THE FLAMING WILL OF THE WITS HAVE STARTED TO RAGE ON!

Are you a board game enthusiast? Then, register yourselves as official players at the Teen Center or the SSLG (Supreme Secondary Learner Government) for the following games:

✅ Chess,
✅Scrabble,
✅Dama, &
✅ Game of the Generals




Address

Cadlan, Pili
Camarines Sur

Telephone

+639498128839

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Haraya RNHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ang Haraya RNHS:

Videos

Share