Bangon Bicolanong Minero Riders Club

Bangon Bicolanong Minero Riders Club HUMANITY and Charity RIDES, Serves people & Develope Strong Brotherhood and Motorcycling Group
(12)

18/02/2024

Grabe to😱😱 Matandang Magkapatid sa Brgy. Dalnac, Paracale sobrang nakakaawa ang sitwasyon!😣😣

16/02/2024

Ito po yung nasa isang post ng Concern Citizen na nakita po natin, At habang pauwi po kami galing sa pamimigay ng food packs sa Brgy. Calaburnay, Hinanap po natin siya at saktong nadaanan natin ang kanyang tinitirhan, Isang abandonadong rice dryer, Sobrang dami pong basura at agad po nating nilinis at binigyan po natin siya ng bigas at groceries, Abangan po ang susunod na tulong na ibibigay po natin kay tatay Fisto Adano ng Brgy. Calaburnay, Paracale!


07/02/2024

Ang buhay ni kuya Vino, 6 years nang hindi nakakakita dahil sa sakit na GLAUCOMA, Sa kabila ng kanyang kalagayan ay patuloy na lumalaban. Siya ay isang bulag na minero kaya atin pong tunghayan ang kanyang araw araw na ginagawa😊

January 21, 2024Brgy. Mangkasay, Paracale, Camarines NorteMuling nagbigay biyaya ang grupong BBMRC sa Brgy. Mangkasay, P...
21/01/2024

January 21, 2024

Brgy. Mangkasay, Paracale, Camarines Norte

Muling nagbigay biyaya ang grupong BBMRC sa Brgy. Mangkasay, Paracale nitong Linggo, Petsa Bente Uno Taong Kasalukuyan.

Sa tulong at sa pakikipag ugnayan ni Konsehala Amy Oco, Ay agad po tayong tumugon sa kanyang hiling para makapaghatid po tayo ng tulong sa nasabing Barangay at higit tatlong daan at animnapu’t pamilya ang nakatanggap ng bigas.



19/01/2024

BBMRC'S CORAL RESTORATION PROJECT

It is so nice to know that the first batch of corals we transplanted on November 5,2023 are growing healthy.

Thanks to our project partner Konsi Artem Andaya Mambulao Artsncrafts for this video taken today , January 19,2024, during his coral monitoring activity.

BBMRC HOUSING PROJECT NO.5Recipient; Nanay Linda DionedaAddress: Brgy. Calero, JPCNMula sa munting tirahan na yari sa pi...
16/01/2024

BBMRC HOUSING PROJECT NO.5
Recipient; Nanay Linda Dioneda
Address: Brgy. Calero, JPCN

Mula sa munting tirahan na yari sa pinagpatung-pating na trapal, plastic at mga tela, ngayon ay isa nang maayos na tahanan ang tinitirhan ni Nanay Linda kung saan higit na malawak, may dalawang kuarto, may malinis na kusina at maayos na palikuran.

Ngayong araw, January 16,2024 ay ang pormal na turn-over at blessing ng Bahay ni Nanay Linda. Ito ay matapos ang pagbabasbas na isinagawa ni Father Jun Yarte, Kura Paroko ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish ng Jose Panganiban.

Ang tahanang ito ay pinagsikapang mabuo sa.pamamagitan ng mga kasapi ng Bangon Bicolanong Minero Riders Club o BBMRC sa pamumuno ni Pres. Regie Araneta at sa buong suporta ng mag-asawang Jun Mitra at Cherry Mitra.

Hindi lamang Ang mga materyales ang libreng ipinagkaloob ng BBMRC at mag-asawang Mitra , kundi mismong mga kasapi ng BBMRC ang siyang boluntaryong magtulung-tulong upang matapos ito.

Ito ang ikalimang Bahay na naipatayo ng BBMRC at Mitra Corps. Matatandaan na dalawang Bahay ng senior citizens ang naunang ipinagawa sa Sitio Dumping ng Larap at dalawang tahanan sa Brgy. Luklukan Sur.

Si Konsehal Artem Andaya Mambulao Artsncrafts ang siyang nagpaabot sa BBMRC at Mitra Corps tungkol sa kalagayan ng tahanan ni Nanay Linda at ito ay agaran at positibong tinugunan.




15/01/2024

January 15,2024
Brgy. Gumaos, Paracale, Cam. Norte

Dumulog sa Bangon Bicolanong Minero Riders Club ang nanay ni kuya Jerry Bajaro. Upang magkaroon siya ng Medical oxygen. Si kuya Jerry po ay may sakit sa baga at hirap ng makahinga. Kaya naman agaran namin siyang binigyan tulong.




14/01/2024

Jan. 14, 2024
Brgy. Mampungo. Paracale Cam. Norte

400pcs food packs handog ng Mitra Corp. At Bangon Bicolanong Minero Riders Club. Katuwang si Mam. Cherry Mitra at konsehal Amie Oco para sa mga taga Brgy. Mampungo Paracale.




31/12/2023

Happy new year po🍾🍾🍾🎉🎉

24/12/2023

MERRY CHRISTMAS po sa lahat♥️♥️🎄🎄

Delivery of Food Packs to Senior Citizens and PWDs of Brgy.Dayhagan and Sitio Tabadiak of Brgy. San Jose. December 22,20...
24/12/2023

Delivery of Food Packs to Senior Citizens and PWDs of Brgy.Dayhagan and Sitio Tabadiak of Brgy. San Jose.

December 22,2023

18/12/2023

Brgy. Osmeña, J.Panganiban CamNorte

Stage restoration of the Manide Tribe Pinagtulongan ng aming grupo at ng ilang residente ng Tribu na e renovated ang kanilang stage dahil itoy sira sira na at nkakapanghinayang na patuloy itong masira at mawala na

Thru MANIDE Tribal Council sa pamumuno ni tribal chieftain Rodolfo Bana.




BBMRC and MITRA CORP GIFT-GIVING and CHRISTMAS PARTY for Cancer Patients and  Patients Who Deserve Love and Special Atte...
17/12/2023

BBMRC and MITRA CORP GIFT-GIVING and CHRISTMAS PARTY for Cancer Patients and Patients Who Deserve Love and Special Attention (YEAR 2)
December 17,2023

Sa ikalawang taon ay muli po nating nakasama at napasaya ang mga pasyenteng lumalaban sa malubhang karamdaman.

Ngayong araw ay 25 pasyente ang ating nahandugan ng 25 kilos rice, grocery items, electric fan at P1,000. cash.

Nagpapasalamat po tayo sa mag-asawang Jun and Cherry Mitra sa walang kapagurang pagsuporta at paggabay sa Amin sa lahat ng aming charity events.

Salamat din Kay Konsehal Artem Andaya Mambulao Artsncrafts na palagi nating katuwang sa pag-organize ng ganitong makabuluhang gawain para sa mga nangangailangan.

Laban lang po tayo mga kababayan anuman ang karamdaman.

December 16, 2023Brgy. Gumaos, ParacalePamaskong Handog para po sa ating mga kababayan nating Senior Citizens sa Brgy. G...
16/12/2023

December 16, 2023
Brgy. Gumaos, Paracale

Pamaskong Handog para po sa ating mga kababayan nating Senior Citizens sa Brgy. Gumaus, Paracale Cams. Norte and assisted by the Sangguniang Kabataan ng Gumaus w/
Sk Chairman Armel Villar and council

Merry Christmas to All❤️🎄🎄🎄



Hindi lang kapwa tao ang dapat nating tulungan, dapat pati mga hayop din☺️Safe na po ang mga doggie, nasa pangangalaga n...
05/12/2023

Hindi lang kapwa tao ang dapat nating tulungan, dapat pati mga hayop din☺️

Safe na po ang mga doggie, nasa pangangalaga na po namin🥰👍

Turn-Over of Medicines to Brgy. DahicanJose Panganiban, Camarines NorteAgarang tinugunan ng Bangon Bicolanong Minero Rid...
05/12/2023

Turn-Over of Medicines to Brgy. Dahican
Jose Panganiban, Camarines Norte

Agarang tinugunan ng Bangon Bicolanong Minero Riders Club o BBMRC ang kahilingan ng Brgy. Council ng Dahican sa pamamagitan ni Kapitana Francia Caldit tungkol sa kanilang pangangailangan sa mga karaniwang gamot at bitamina para sa mga taga-barangay.

Karaniwan na tuwing panahon ng amihan ay nararanasan ang malawakang pagkakaroon ng lagnat, ubo at sipon ng mamamayan dahil sa malamig at masamang panahon.

Sa pamamagitan ng ipinagkaloob na mga karaniwang gamot at bitamina ay inaasahang kahit papaano ay mabawasan ang suliranin ng mamamayan.

Ang patuloy naming pasasalamat sa mag-asawang Jun at Cherry Mitra na walang sawang sumusuporta sa mga charity events ng aming Samahan.

Salamat din Kay Konsehal Artem Andaya Mambulao Artsncrafts na siyang naging tagapag-ugnay at naghatid ng tulong sa Barangay Dahican.



Thanks for being a top engager and making it on to my weekly engagement list! 🎉 Belen Morales, Jhonson Niñofranco, Panye...
04/12/2023

Thanks for being a top engager and making it on to my weekly engagement list! 🎉 Belen Morales, Jhonson Niñofranco, Panyero Secretario

Maiba nman po tayo ng linya mga ka Minero tomorrow We were going to ADOPT 7 dogs from the dog found kc may 72 hours na l...
04/12/2023

Maiba nman po tayo ng linya mga ka Minero tomorrow We were going to ADOPT 7 dogs from the dog found kc may 72 hours na lang daw cla from the time when posting at paikli ng paikli ang oras nila before lunch today ay maari na cla mawala😪😪😪 kaya napag desisyonan po ng aming grupo kukuhanin po natin sila ngayon pra nman masilayan pa nila ang pasko 🌲🌲🌲🌲

BBMRC's Early Christmas Gift for All Senior Citizens, Manide Families and PWDs of Sitio TUMBAGA Brgy. San Rafael, Jose P...
01/12/2023

BBMRC's Early Christmas Gift for All Senior Citizens, Manide Families and PWDs of Sitio TUMBAGA Brgy. San Rafael, Jose Panganiban, Camarines Norte. (November 30,2023)

Thank you Lord😇Winner po tayo mga ka Minero!😊❤️
01/12/2023

Thank you Lord😇

Winner po tayo mga ka Minero!😊❤️

21/11/2023

November 21, 2023
Brgy. Tugos, Paracale

Isang pasasalamat po sa ating Brgy. Kagawad ng Brgy. Tugos Paracale na si Roberto (ALBO) Bolo, Dahil siya ang naging tulay upang makapaghatid po tayo ng tulong kay Nanay Merlyn A. Dela peña.

Si Nanay Merlyn po ay tatlong buwan nang na stroke, Kaya hiling po ni Kgd. Bolo na mabigyan si nanay ng gamot at groceries, at agad po namin itong pinuntahan.

Maraming salamat at hinihiling po namin ang mabilis na paggaling nyo po Nanay ♥️🥰


18/11/2023

Update Nov. 18, 2023

First week.
Pa BAHAY PROJECT #4
Erlinda gionida. 81 years old.
P-3 Calero Jose Panganiban, Camarines Norte.




#4

BBMRC & Mitra Corps' Housing Project  #5Day 1 (November  13,2023)SIMULA NG PAGBABAGONG BAHAY AT PAGBABAGONG BUHAYPanibag...
13/11/2023

BBMRC & Mitra Corps' Housing Project #5
Day 1 (November 13,2023)

SIMULA NG PAGBABAGONG BAHAY AT PAGBABAGONG BUHAY

Panibagong hamon ang hinaharap ngayon ng BBMRC Members na Ang layunin mabago ang buhay ni Nanay Linda Dioneda ng Brgy. Calero sa pamamagitan ng pagkakaloob ng panibagong Bahay para sa bagong buhay.

Ayon sa kwento ni Nanay Linda, mahigit dalawang dekada niyang pinangarap ang magkaroon ng maayos na Bahay at gayun na lamang ang kanyang kagalakan na sa pamamagitan ng BBMRC at Mitra Corps ay unti-unti na itong nagkakaroon ng KATUPARAN.





Address

Jose Panganiban
Camarines Norte

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bangon Bicolanong Minero Riders Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share


Other Digital creator in Camarines Norte

Show All