๐‡๐š๐ซ๐ฎ๐ง ๐ƒ๐จรฑ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ - ๐ƒ๐šโ€™๐ฐ๐š๐ก ๐ฉ๐š๐ ๐ž

  • Home
  • Philippines
  • Caloocan
  • ๐‡๐š๐ซ๐ฎ๐ง ๐ƒ๐จรฑ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ - ๐ƒ๐šโ€™๐ฐ๐š๐ก ๐ฉ๐š๐ ๐ž

๐‡๐š๐ซ๐ฎ๐ง ๐ƒ๐จรฑ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ - ๐ƒ๐šโ€™๐ฐ๐š๐ก ๐ฉ๐š๐ ๐ž ๐™’๐™ž๐™จ๐™™๐™ค๐™ข ๐™ฉ๐™–๐™ก๐™ ๐™จ

09/12/2024

Para sa mga taong buong pusong nagsusumikap at nagpupunyagi para sa kaluguran ni Allah.

Ya Allah, sa gitna ng kahirapan at pagsubok na dinaranas ng Iyong mga alipin, gabayan Mo po sila na maging matatag. Ipag...
04/12/2024

Ya Allah, sa gitna ng kahirapan at pagsubok na dinaranas ng Iyong mga alipin, gabayan Mo po sila na maging matatag. Ipagkaloob Mo ang kasagutan at ginhawa sa kanilang mga dalanginโ€”kung hindi man sa mundong ito, ay sa Kabilang Buhay na mas mainam at walang hanggan. Sapagkat ang bawat pagsubok ay may dahilan, at Ikaw lamang ang nakaaalam ng tunay na kabutihan na nakatago rito. Allahumma ameennโ€ฆ.๐Ÿคฒ๐Ÿป

Alhamdulillah! Isang makabuluhang programa ang ating nadaluhan na pinamagatang โ€œAtheism Convenience: Living Life Without...
02/12/2024

Alhamdulillah! Isang makabuluhang programa ang ating nadaluhan na pinamagatang โ€œAtheism Convenience: Living Life Without Conscience and Empathy.โ€ Isang malaking karangalan ang makasama sa entablado ang mahal nating si Shaykh Fahad Tasleem, ang Head ng Sapience Institute. Tunay na ang mga kaalaman na kanyang ibinahagi ay nagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng pananampalataya at moralidad sa ating buhay.

29/11/2024

Kapag pumupunta tayo sa masjid tuwing Biyernes o nakikinig ng sermon, sikapin nating magkaroon ng layuninโ€”ang mapalalim ang ating pananampalataya, takot kay Allah, at kaalaman.

Walang sinuman ang ipinanganak na marunong na sa lahat ng bagay. Lahat tayo, sa simula, ay walang alamโ€”ni hindi marunong...
27/11/2024

Walang sinuman ang ipinanganak na marunong na sa lahat ng bagay. Lahat tayo, sa simula, ay walang alamโ€”ni hindi marunong magsalita, maglakad, o gumawa ng kahit ano. Ngunit sa biyaya ni Allah, unti-unti nating natututunan ang mga bagay na mahalaga sa buhay.

Ang lahat ng tao ay nagdaan sa ganito. Walang sinuman ang agad na eksperto. Ang lahat ng tagumpay ay nagsisimula sa pagsubok, pagkakamali, at pagtuturo sa sarili. Ang Propeta Muhammad (๏ทบ) mismo ay itinuro sa atin na ang kaalaman ay natutunan sa pamamagitan ng pag-aaral:

โ€œAng kaalaman ay nakukuha lamang sa pamamagitan ng pag-aaral, at ang pagpapasensya ay nakukuha lamang sa pagsasanay sa pagpapasensya.โ€
(Sunan Al-Kubra, 10:38)

22/11/2024

Ang ating buhay sa mundong ito ay maihahalintulad sa isang pagsusulit.

โ€œ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ ๐™จ๐™– ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ ๐™™๐™– ๐™ฃ๐™ž ๐˜ผ๐™ก๐™ก๐™–๐™ ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™œ๐™ฉ๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ก๐™– ๐™จ๐™– ๐™†๐™–๐™ฃ๐™ฎ๐™–.โ€Sinabi ng Allah sa Quran:โ€œHindi nangyari ang anumang sakuna sa kalu...
22/11/2024

โ€œ๐™ˆ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ ๐™จ๐™– ๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ ๐™™๐™– ๐™ฃ๐™ž ๐˜ผ๐™ก๐™ก๐™–๐™ ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™œ๐™ฉ๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ก๐™– ๐™จ๐™– ๐™†๐™–๐™ฃ๐™ฎ๐™–.โ€

Sinabi ng Allah sa Quran:
โ€œHindi nangyari ang anumang sakuna sa kalupaan o sa inyong mga sarili maliban na ito ay naitala na sa Aklat bago pa man ito nangyari. Katotohanan, ito ay madali para sa Allah. Upang hindi kayo malungkot sa anumang nawala sa inyo at hindi rin magmalaki sa anumang ibinigay sa inyo. Ang Allah ay hindi nagmamahal sa mga mapagmataas at mapagmalaki.โ€
(Surah Al-Hadid 57:22-23)

Paalala ito na ang lahat ng nangyayari sa ating buhay ay bahagi ng mas malawak na plano ni Allah. Kapag may dumarating na pagsubok, huwag mawalan ng pag-asa, at kapag may biyayang dumating, manatiling mapagpakumbaba. Ang tiwala sa itinakda ni Allah ay nagbibigay ng kapanatagan sa puso at lakas ng loob upang harapin ang anumang hamon. Magpatuloy sa pagsusumikap at ipagkatiwala ang lahat kay Allah.

Sa kabutihan ng ating relihiyon, ang Islam, kapag nakikita natin ang mga pagkakamali o suliranin sa ating paligid, hindi...
20/11/2024

Sa kabutihan ng ating relihiyon, ang Islam, kapag nakikita natin ang mga pagkakamali o suliranin sa ating paligid, hindi sapat na magbigay lamang tayo ng kritisismo o komento. Ang tunay na esensiya ng Islam ay ang magbigay ng payo na may layuning magturo at magdala ng solusyon.

Ang mabuting Muslim, kapag nagbibigay ng payo, ay hindi lamang tumutukoy sa problema, kundi nagmumungkahi rin ng makabuluhang solusyon batay sa aral ng Islam. Dapat nating ipakita ang kagandahan ng ating relihiyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga makatuwiran, makatarungan, at positibong mungkahi na nakakatulong sa paglutas ng mga hamon sa ating lipunan.

Halimbawa, sa halip na husgahan ang isang tao sa kanyang kamalian, magbigay tayo ng payo na nagpapakita ng habag at malasakit, kasabay ng paghimok sa kanya na magbago para sa ikabubuti niya at ng kanyang kapaligiran. Ang layunin ng payo ay hindi para manisi kundi upang magtulungan at mag-ambag sa mas maging maayos na pamayanan.

Tandaan, sa Islam, ang pagpapayo ay isang anyo ng dakilang gawaing ibadah. Ginagawa ito nang may sinseridad, kababaang-loob, at pag-asa na ang tatanggap nito ay mapapalapit kay Allah.

โ€œAt magtulungan kayo sa kabutihan at takot kay Allah, at huwag kayong magtulungan sa kasalanan at poot.โ€
(Surah Al-Maโ€™idah, 5:2)

14/11/2024

Hindi ka bibigyan ni Allah ng pagsubok maliban na lamang sa abot ng iyong kakayahan na malagpasan ito.

FULL VIDEO:https://youtu.be/XcWrA5652jU

10/11/2024

Muslim na babae tinanggap nga ba si Jesus bilang Diyos? Narito ang mensahe natin para sa vlogger na nagpakalat ng video patungkol sa isang Muslim na babae na diumanoโ€™y tumanggap kay Jesus bilang Panginoon. Mahalagang linawin natin ang ating paninindigan sa ganitong mga usapin, nang may respeto at pag-unawa.

โ€œ๐™†๐™–๐™ฎ๐™–'๐™ฉ ๐™—๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™œ๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™ž ๐˜ผ๐™ก๐™ก๐™–๐™ ๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™ช๐™ฃ๐™ช๐™™-๐™จ๐™ช๐™ฃ๐™ค๐™™ ๐™ฃ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™จ๐™ช๐™—๐™ค๐™  ๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™—๐™–๐™๐™–๐™ก๐™– ๐™ช๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™ช๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™– ๐™๐™ช๐™ฌ๐™–๐™œ ๐™ข๐™–๐™จ๐™ฎ๐™–๐™™๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™œ๐™™๐™–...
09/11/2024

โ€œ๐™†๐™–๐™ฎ๐™–'๐™ฉ ๐™—๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™œ๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™ž ๐˜ผ๐™ก๐™ก๐™–๐™ ๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™ช๐™ฃ๐™ช๐™™-๐™จ๐™ช๐™ฃ๐™ค๐™™ ๐™ฃ๐™– ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™จ๐™ช๐™—๐™ค๐™  ๐™–๐™ฉ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™—๐™–๐™๐™–๐™ก๐™– ๐™ช๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ฎ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™ช๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™– ๐™๐™ช๐™ฌ๐™–๐™œ ๐™ข๐™–๐™จ๐™ฎ๐™–๐™™๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™œ๐™™๐™–๐™ก๐™–๐™ข๐™๐™–๐™ฉ๐™ž ๐™จ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™ช๐™ข๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฎ๐™–๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ค ๐™ฉ๐™–๐™œ๐™ช๐™ข๐™ฅ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค ๐™ฃ๐™–๐™ ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฉ."
(๐๐ฎ๐ซ'๐š๐ง 3: 153)

Ang kahulugan ng ganitong talata ay yaong ang mga bagay na dumaan at natapos na ay hindi marapat na talakayin (o ipamuhay) pa, sapagkat ang paggawa ng gayon ay naghahantong lamang sa pagkabagabag, pag-aalala, at pag-aaksaya ng oras.

06/11/2024

Hindi ito nauunawaan ng karamihan sa mga kabataan!. Darating ang panahon na mauunawaan din ng lahat kung gaano kalaki ang sakripisyo ng mga magulang para sa kanilang Anak.

04/11/2024

Bakit nga ba bawal ang baboy sa mga muslim?

Ang kinatatayuan ko sa litratong ito ay ang ๐™ˆ๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™ฉ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™›๐™–๐™, ang lugar kung saan idinaos ang Khutbatul Wadaโ€™ ang pamamaalam...
03/11/2024

Ang kinatatayuan ko sa litratong ito ay ang ๐™ˆ๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™ฉ ๐˜ผ๐™ง๐™–๐™›๐™–๐™, ang lugar kung saan idinaos ang Khutbatul Wadaโ€™ ang pamamaalam na sermon ni Propeta Muhammad ๏ทบ na nag-iwan ng malalim na aral sa bawat puso ng bawat isa sa atin. Dito niya ipinahayag ang kahalagahan ng pagkakaisa, katarungan, at pagmamahal sa kapwa. Itinuro niya na ang lahat ay pantay-pantay sa paningin ni Allah, anuman ang lahi o antas sa buhay, at ang tunay na dangal ay matatagpuan sa takot kay Allah. Pinaalalahanan niya tayo na ituring ang bawat isa bilang kapatid, protektahan ang mga karapatan ng iba, at palaging magsumikap para sa kabutihan.

02/11/2024

Halal daw ang BABOY sa bukid dahil ito daw ay malinis?

01/11/2024

Bakit walang Undas (Pista ng mga patay) sa Islam at bakit ito hindi ipinagdiriwang ng mga Muslim?

31/10/2024

Maikling payo para sa nga kabataan.

"๐™Ž๐™– ๐™‚๐™ž๐™ฉ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™ค๐™ฉ, ๐™‰๐™–๐™ง๐™ž๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™ž ๐˜ผ๐™ก๐™ก๐™–๐™: ๐™„๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™š๐™ฃ๐™จ๐™–๐™๐™š๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™œ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ช๐™จ๐™ค"Kapag ang puso moโ€™y binabalot ng matin...
29/10/2024

"๐™Ž๐™– ๐™‚๐™ž๐™ฉ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™ค๐™ฉ, ๐™‰๐™–๐™ง๐™ž๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™ž ๐˜ผ๐™ก๐™ก๐™–๐™: ๐™„๐™จ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™š๐™ฃ๐™จ๐™–๐™๐™š๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™œ๐™ฅ๐™–๐™ฅ๐™–๐™œ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™„๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ช๐™จ๐™ค"

Kapag ang puso moโ€™y binabalot ng matinding lungkot, alalahanin mo na si Allah ay nakakaalam ng bawat patak ng luha mo. Sa mga sandaling parang nag-iisa ka at walang nakakaunawa, tandaan mo si Allah ay nariyan, mas malapit pa sa tibok ng iyong puso. Hindi ka Niya pababayaan, at ang bawat pagsubok na ibinibigay Niya ay tanda ng Kanyang pagmamahal, upang sa dulo ng lahat ng sakit ay makita mo ang liwanag ng Kanyang awa. Hayaan mong ang bawat patak ng luha ay maglapit saโ€™yo kay Allah, sapagkat mula sa kanya matatagpuan ang tunay na kapayapaan.

Address

Caloocan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ๐‡๐š๐ซ๐ฎ๐ง ๐ƒ๐จรฑ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ - ๐ƒ๐šโ€™๐ฐ๐š๐ก ๐ฉ๐š๐ ๐ž posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to ๐‡๐š๐ซ๐ฎ๐ง ๐ƒ๐จรฑ๐š๐ฌ๐š๐ฅ๐ž๐ฌ - ๐ƒ๐šโ€™๐ฐ๐š๐ก ๐ฉ๐š๐ ๐ž:

Videos

Share


Other Caloocan media companies

Show All