20/08/2023
Songwriting #12
EX
By: Francisco Jae
Kung may gusto
Kang sabihin sa akin
Ba't hindi mo pa aminin
:
Siya na ba'y 'yong gusto
Di na ako magaalinlangan
Kung siya na'ng 'yong kailangan
:
Ramdam ko na sa'yo
Ikaw na'y lumalayo
Pwede ba,
Huwag mo na 'kong pahirapan pa
:
Alam ko na siya na
'Koy di na mahalaga
Diyan ka na
Huwag mo na akong isipin pa
:
Wala na ngang pagasang muli tayong magkakabati
'Di na mahalagang malaman, sino sa'tin ang nagkamali
Huwag mo na akong isipin pa pag malungkot ang iyong gabi
:
Kasi di na maaari
Iba na'ng nagmamay ari
Ng pusong iyong ipinangako sa akin
Lagi kitang ipagdarasal
Na sana'y maligaya ka
:
Minsan mo rin bang
Naaalala 'ting mga nakaraan
'Di ba't sinabi mo noon na ako lang
:
Hawak mo aking mga kamay
Simula noon ay yakap yakap ko
Ang mga ala-alang nabuo
:
Nung tayo pa ang magkasama
At sa bawat sadaling kailangan kita, nandiyan ka
:
Ngunit wala nang tayo
'Eto na ang siya'ng dulo
Ng pinangako mong mamahalin mo ako dahil
:
Ramdam ko na sa'yo
Ikaw na'y lumalayo
Pwede ba,
Huwag mo na 'kong pahirapan pa
:
Alam ko na siya na
'Koy di na mahalaga
Diyan ka na
Huwag mo na akong isipin pa
:
Wala na ngang pagasang muli tayong magkakabati
'Di na mahalagang malaman, sino sa'tin ang nagkamali
Huwag mo na akong isipin pa pag malungkot ang iyong gabi
:
Kasi di na maaari
Iba na'ng nagmamay ari
Ng pusong iyong ipinangako sa akin
Lagi kitang ipagdarasal
Na sana'y maligaya ka