02/04/2024
Para sa nag iisang taong.mahal ko,
Salamat sa mga panahong minahal mo 'ko ng totoo,
Mga panahong mas mahal mo ako,
Ang saya ng puso ko, totoo.
Pero di ko alam kelan nag umpisang magbago,
Bakit mo nakuhang saktan at lokohin ako,
Na di mo inisip na masasaktan ako ng husto,
Nagkulang ba ako? o sumubra sa pagmamahal sayo.
Kaya di mo na naisip ang mararamdaman ko.
Alam mo,sa dami ng nangyari sa taong ito,
Di ko na alam anu ang totoo sayo,
Kahit pa sinabi mo at sasabihin mo isang milyong mahal mo ako,
Di na ako sigurado,
Ang sarap pakinggan, oo
Pero ang sakit isipin, na minsan akoy niloko mo,
At tinodo mo pa, nung akoy biglang iniwan mo,
Ang laking trauma ko,
na hanggang ngayun ang hirap paniwalaang mahal mo ako,
Na mahal mo pa ako,
Tinatanggap ng puso ko
Pero tinatanggi ng isip ko
Gusto ko mang limutin lahat
At maging masaya nalang para sa hinaharap,
tutuparin ang nasimulang nating mga pangarap,
Pero ang hirap,
Dahil baka sa isang iglap,
Maulit na naman ang lahat,
Ang durugin ako ng paulit ulit,
Ang sakit sakit,
Kaya inihanda ko nalang ang sarili,
baka sakaling ulit mangyari,
Masaya ako na bumalik tayo sa dati,
Ngunit di na ako masyadong umasa,
Na ako lang at wala ng iba,
Hindi ko na rin hihingin,
Na maglaan ka ng oras para sakin,
Pinipilit ko na din hindi masaktan,
kung yung message ko sineseen mo lang,
Hindi na rin ako magtatanong,
kung bakit di ka nagrerply kahit online ka ngayon,
Ayoko na ding magtampo
kung walang good morning at good night na message galing sayo,
Sinsanay ko na ang sarili kong maging manhid,
At sarili ko sayo ay ayoko na ding ipilit
Kung anu lang yong binigay mo
Yun lang din ang tutumbasan ko
Ayoko ng magbigay ng sobra
Di mo naman din mapupunta
Sarili ko nalang muna
Bago ang iba.