14/01/2024
Maaaring ito na ang pinakahuli at natatanging larawan ni โDoc Ting".
ni Ka Bise
Maaaring ito na ang pinakahuli at natatanging larawan ni โDoc Tingโ kung kelan HINDI NIYA IPINAKITA ang nakagawiang mga mamahaling alahas na laging isinusuot niya sa araw araw. Kuha ito sa labas ng Barangay Hall ng San Vicente Central noong gabi humigit kumulang alas-9 ng gabi Enero 7, 2024 pagkatapos ng isang Barangay session.
Mapapansing isang simpleng personalidad ang ipinakita niya rito. Itinago ang mga alahas sa loob ng barong na kanyang suot dahil nais daw niyang ipakita ang tunay na mukha ng kanyang sarili bilang isang mapagkumbabang public servant.
PAGPAPAKUMBABA . Ito ang โpalamutiโ sa katauhan ni โDOC TINGโ na higit niyang pinahahalagahan kesa mga ginintuang alahas at mamahaling bato na kanyang outward projection. Hindi ito niya hayagang ipinangangalandakan dahil itoโy nasa puso niya na inilalaan sa oras ng pangangailangan ng kanyang mga kaibigan, kakilala at higit sa lahat ang mga mamamayang nasa kanyang nasasakupan.
Ang ninais niya sa larawang ito ay bigyang diin ang kanyang pagiging public servant at ang kanyang direktang pagtugon sa mga alalahanin ng mahihirap na kabarangay, paglalagay ng pagkain sa kanilang hapag, at disenteng tirahan, serbisyong pangkalusugan at de-kalidad na edukasyon para sa kabataan.
Marahil ang larawang ito ay sinadya ng panahon upang ang HIGIT NA MAALALA nating โDoc Tingโ ay may pagpapakumbabang saloobin ng espirituwal na kahinhinan na nagmumula sa pag-unawa sa ating kapaligiran at kanyang katayuan sa buhay.
May he rest in Eternal Peace.
Ang larawan ay Kuha ni BRIX PANOPIO, GTO Group, Balitang Mindoro