SIMULTANEOUS DESTRUCTION AND DISPOSAL OF CONFISCATED /SEIZED ILLEGAL FIRECRACKERS /PYROTECHNIC DEVICES.
Batangueñong Pulis
Camp Gen. Miguel C. Malvar, Batangas – Disyembre 30, 2024
Upang masiguro ang kaligtasan ng bawat Batangueño ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon, mas pinaigting ng Batangas Provincial Police Office (BPPO) ang operasyon laban sa paggamit at pagbebenta ng iligal na paputok.
Simula Disyembre 16, 2024, hanggang ngayon, nakakumpiska ang mga awtoridad ng higit 4,198 na iba’t ibang uri ng iligal na paputok tulad ng Piccolo, Giant Bawang, Giant Whistle Bomb, at mga mapanganib na kagamitan tulad ng Boga. Umabot na sa ₱391,285.00 ang kabuuang halaga ng nakumpiskang paputok at ₱24,350.00 naman ang halaga ng mga nakuhang Boga.
Ang mga bayan ng Tanauan at Balayan ang may pinakamaraming naitalang kumpiskasyon ng iligal na paputok.
Isang indibidwal, 42 taong gulang mula sa Sto. Tomas City, ang nahuli at nahaharap ngayon sa kaso alinsunod sa Republic Act No. 7183 (batas na nag-aayos ng paggawa, pagbebenta, at paggamit ng paputok) at Republic Act No. 10175 (Cybercrime Prevention Act).
Sa kabila ng mga operasyon, tatlong (3) insidente ng pagkasugat dulot ng paputok ang naitala, karamihan ay nagtamo ng paso sa tiyan, hita, at kamay.
Dahil dito, muling pinapaalalahanan ang publiko na huwag gumamit ng iligal na paputok na maaaring magdulot ng peligro sa sarili at sa iba.
Para sa anumang impormasyon o emergency, maaaring tumawag sa hotline 09171849829 o bumisita sa page ng Batangueñong Pulis.
Kalagayan ng Kapayapaan at Mga Hakbang
Sa kabila ng mga insidente, nananatiling maayos ang kapayapaan at kaayusan sa Batangas. Patuloy ang mga aktibidad tulad ng intelligence monitoring, checkpoints, at visibility patrols upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat.
Nakikipagtulungan din ang Batangas PNP sa mga lokal na pamahalaan, paaralan, at iba pang sektor para itaas ang kamalayan laban sa iligal na paputok. Isinusulong ang mga kampanya sa impormasyon a
SM CALAMBA CHRISTMAS PARADE 2024
Live
Inauguration of the Newly built Super Health Center at San Jose Batangas.
Posible ang Pagbabago: Hakbang ng Maisug Tungo sa Mabuting Pamahalaan"
Nagbigay ng mensahe ng pag-asa at empowerment si Atty. Vic Rodriguez na kandidato sa pagka-senador, sa ginanap na “meet and greet” sa Barangay Pansol. Hinikayat niya ang mga lider ng iba’t ibang civil society organizations (CSOs) na maniwalang “Posible ang pagbabago.”
Bilang isang Abogado na naninindigan kontra korapsyon at tagapagtaguyod ng mabuting pamamahala, nanawagan si Rodriguez ng mga radikal na reporma, kabilang ang muling pagpapatupad ng parusang kamatayan para sa mga karumal-dumal na krimen tulad ng plunder, at mas mahigpit na pananagutan para sa mga nagkamal ng ill-gotten wealth. Nakatuon ang kanyang plataporma sa mga prinsipyo ng transparency, accountability, inclusivity, at pagsunod sa batas—mga pundasyong kailangan upang magkaroon ng mas maayos na Pilipinas.
Naniniwala si Rodriguez sa isang inklusibong pamahalaan kung saan naririnig ang bawat boses ng Pilipino. Nangako siyang magiging isang tunay na lider ng oposisyon na nagtatanggol sa interes ng publiko, hinahamon ang mga patakarang maaaring makasama sa bansa, at nagmumungkahi ng makabuluhang solusyon.
Sa ilalim ng temang “Hakbang ng Maisug,” muling pinagtibay ni Rodriguez ang kanyang pangako na magbigay-inspirasyon sa mga Pilipino na maging matapang sa paghingi ng mas mabuting pamamahala. Kasama ang dating Pangulong Rodrigo Duterte, nangako siyang pangangalagaan ang kapayapaan, seguridad, at integridad ng Republika.
Malinaw ang kanyang mensahe: Posible ang pagbabago kung sabay-sabay tayong gagawa ng matapang na hakbang pasulong.
Hakbang ng Maisug
Atty. Vic Rodriguez
The #SMGrandMagicalChristmasParade2024 at SM City Santa Rosa brought families together to celebrate the holiday spirit.
🎄🎅
The event featured colorful, lively dancers, and beloved Christmas characters like Santa Claus and elves, creating a magical atmosphere. 🎅🧝♀️🧝🧝♂️🎄🎉
A grand parade capped off the celebration, leaving everyone with unforgettable memories. SM City Santa Rosa truly made the season special for all who attended.
SM City Santa Rosa
#EverythingsHereAtSM.
Live
SM City Santa Rosa Grand Magical Parade
"𝐀𝐤𝐚𝐲 𝐇𝐚𝐧𝐚𝐩𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲" 𝐧𝐢 𝐒𝐨𝐥 𝐀𝐫𝐚𝐠𝐨𝐧𝐞𝐬: 1,500 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐞𝐧𝐬𝐞 𝐍𝐚𝐛𝐢𝐠𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐁𝐞𝐚𝐮𝐭𝐲 𝐏𝐫𝐨𝐝𝐮𝐜𝐭𝐬
1,500 Katao, Nabigyan ng Beauty Products sa “Akay Hanapbuhay” ni Sol Aragones
Sa Barangay Kay-Anlog, Calamba, Laguna, ipinamalas ni Gubernatorial Candidate Sol Aragones ang kanyang malasakit sa mga Lagunense sa pamamagitan ng programang Akay Hanapbuhay. Sa pagkakataong ito, beauty products ang ipinamahagi sa mahigit 1,500 katao bilang tulong-pangkabuhayan.
Bukod sa pamamahagi, ibinahagi rin ni Aragones ang kanyang mga plano para sa mas epektibong pamumuno sa Laguna. Kabilang dito ang:
Pagpapabuti ng serbisyo sa mga ospital, kung saan bawal ang mataray na empleyado, upang siguruhing makatao at maayos ang pag-aalaga sa mga pasyente.
Libreng edukasyon at scholarship program, kahit ang mga may mababang grado ay bibigyan ng tsansang makapag-aral.
Ang pinalawak na Akay Hanapbuhay, na magbibigay ng suporta sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Ang programang ito ay patunay ng malasakit at konkretong aksyon ni Aragones para sa ikauunlad ng bawat Lagunense.
AKAY ni SOL
Sol Aragones
Akay ni Sol Partylist Calamba Chapter
AKAY NI SOL PARTYLIST CABUYAO CHAPTER
AKAY NI SOL (Barangay Banlic Chapter)
akay ni sol alangang sol akay
Akay ni Sol
Via Kaye Balba | Team Southpost
Akay ni Sol Partylist pinasaya ang mga tiga Brgy. Kay-anlog Calamba, Laguna
BOSES NG CABUYAO City Laguna , SI SOL DAPAT, DAPAT SI SOL
AKAY ni SOL
Sol Aragones
AKAY NI SOL Foundation
Sol Aragones Volunteers
AKAY ni SOL
Via Kaye Balba | Team Southpost