๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Aksidente sa motorcade ni Kapitan Larry Dimayuga.
Kitang kita sa video na nalaglag ang dalawang taga suporta ni Kapitan Larry Diayuga sa motor matapos magpakitang gilas ito at inangat ang harapang bahagi nito.
Hindi naman nagtamo ng malalang injury ang taga suporta.
๐๐ข๐ก๐๐ฅ๐๐ฆ๐ฆ๐ช๐ข๐ ๐๐ก ๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐ก๐๐ก๐๐๐ญ, ๐ก๐๐๐๐ก๐๐ช ๐ก๐ ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐ก๐จ๐ฆ๐จ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐๐ง๐ข ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐๐ง๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ ๐๐๐ก๐๐จ๐๐๐ก๐
Kumakalat ngayon sa social media ang talumpati ng tauhan ni Congresswoman Cha Hernandez na sinasabing nakasuporta ang kongresista sa kandidatura ni Larry O. Dimayuga sa pagkakapitan ng Barangay Canlubang.
Sa isang liham na sagot ni Congresswoman Cha Hernandez sa Civil Service Commission o CSC, nilinaw niya na ginamit lamang ni Matt Palentinos ang kanyang pangalan na walang panhintulot. Binigyang diin din niya na wala siyang sinusuportahan na kahit sinong kandidato sa pagka kapitan ng barangay dahil ito ay labag sa batas.
Pinaiimbestigahan niya ngayon ang kanyang tauhan na si Matt Palentinos dahil lumabag ito sa Commission on Elections (COMELEC) and Civil Service Commission (CSC) Joint Circular No. 001, series of 2016 dated 29 March 2016 dahil sa pangangampanya nito kay Larry O. Dimayuga.
Nagbabala naman ang CSC sa mga kawani ng gobyerno na nangangampanya ng kani-kanilang kandidato na maari silang masuspinde o matanggal sa trabaho na walang makukuhang anumang benepisyo.
(c) Allen Lopez | News Correspondent | Canlubang Ngayon
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Wasak ang motor ng isang lalaki matapos nitong iwasan ang isang tricycle at bumangga sa isang gater sa harap ng Molson Park sa Barangay Canlubang.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, masyadong mabilis ang pagpapatakbo ng motorsiklo at hindi nito kaagad nakita ang isang tricycle kung kaya't pag pihit nito ay kaagad naman siyang sumalpok sa gater. Wasak wasak ang motorsiklo ng rider na nagtamo lamang ng ilang galos.
Ayon sa impormasyon na aming nakuha, ilang beses sila umano tumawag sa Barangay ng Canlubang para makahingi ng tulong, first aid o ambulansya ngunit walang sumasagot na kawani ng barangay.
Isinakay na lamang nila umano ang rider ng motorsiklo sa tricycle at dinala sa pinakamalapit na pagamutan upang mabigyan ng paunang lunas.
- Allen Lopez | News Correspondent | Canlubang Ngayon
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Aktuwal na kuha ng PHIVOLCS ng Phreatomagmatic eruption ng bulkang Taal bandang 3:16 PM hanggang 3:21 PM ngayon araw. Itinaas na sa Alert level 3 ang bulkang Taal.
COURTESY: DOST-PHIVOLCS
๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ฐ๐ฎ๐ฝ๐๐ฎ๐ถ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ฑ๐๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฎ๐บ๐ฏ๐๐๐ต, ๐ต๐ถ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐
Naniniwala ang isang punong barangay sa Calamba, Laguna na may plano pa sa kaniya ang Diyos matapos siyang makaligtas sa ambush. Kahit kasi tinadtad ng bala ng baril ang kaniyang sasakyan, himalang galos lang mula sa talsik ng bubog sa salamin ng sasakyan ang kaniyang tinamo.
Sa ulat ni John Consulta sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, kinilala ang biktima na si Arvin Manguiat, chairman ng Barangay Palo Alto.
Nagmamaneho ng kaniyang sasakyan ang biktima nang tambangan siya ng isang itim na SUV at may nakabuntot pang motorsiklo sa Barangay Paciano.
Ayon sa pulisya, hindi bababa sa 50 tama ng bala ng baril ang tinamo ng sasakyan ni Manguiat, na nagtamo lang ng mga sugat sa braso pero walang tama ng bala.
"Siguro po mga dalawang dipa na lang po ang layo ko sa kanila. Bale sumandal na lang po ako sa pagkakaupo ko, nakiramdam po ako kung talagang pinagkakaloob ng Diyos na kuhanin na niya ako," ayon sa biktima.
"Ito pong mga naging tama sa braso ko, mga talsik na po ng bubog ng salamin po ng sasakyan. Wala naman po ako naging tama ng bala. Siguro po may plano pa ang Panginoon sa akin kaya po maswerte po akong nakaligtas," dagdag ni Manguiat.
Hinala niya, ang mahigpit na kampanya niya laban sa ilegal na droga ang dahilan ng pagtatangka sa kaniyang buhay.
"'Yong tungkol po sa droga siguro. Marami po kasi akong pinahuli rito. Kung 'yon naman po ang dahilan, kung may nasagasaan man ako sa kanila, eh hindi ko po 'yon pinagsisisihan dahil alam ko po na mas marami akong buhay na kabataan na nailigtas sa pinagbabawal na gamot," pahayag ni Manguiat.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mahuli ang mga nakatakas na salarin.โFRJ, GMA News
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Pinasinayaan ni Mayor Timmy Chipeco ang Global Care Medical Center sa Barangay Canlubang bilang isa sa mga Vaccination Center sa lungsod ng Calamba, Laguna.
Video (c) Calamba City Iipeso
PANOORIN: Nasunog ang isang establishimento sa Asia 1, Barangay Canlubang kaninang alas11:30 ng umaga. Inaalam na po ng ating mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.
video (c) Jhay Ar Cruz Bermundo
๐ง๐๐ก๐ข๐ก๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก: ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ถ๐ป-๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐ผ๐ถ๐ป๐ ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ธ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ, ๐๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ฏ๐ฎ?
Panoorin ang naging sagot ni Department and Interior and Local Government (DILG) for Barangay Affairs Usec. Martin Diรฑo tungkol sa legalidad ng pag-aapoint sa anak ng isang namatay o nagresign na kagawad ng barangay.
Katulad ito ng nangyari sa ating barangay matapos sumakabilang-buhay si Kagawad Mario Legaspi at inirekomenda ng ating Kapitan Larry O. Dimayuga ang anak ni Kagawad Legaspi na si Kim Legaspi.
Video (c) Sa Barangay Tay
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Mensahe ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diรฑo sa mga kapitan.
Binangiit ni Usec. Martin Diรฑo ang usapin tungkol sa Barangay Anti-Drug Abuse Council o (BADAC). Sa inyong pananaw, nagagampanan ba ng ating Barangay ang usapin tungkol sa illegal na droga sa ating Barangay?
๐ฃ๐๐ก๐ข๐ข๐ฅ๐๐ก: Ulat ng GMA 24 Oras tungkol sa pagkakahuli kay Barangay Canlubang Kapitan Larry Dimayuga dahil sa pagiging operator ng illegal na tupada.
Nahuli din kay Kapitan Dimayuga ang isang caliber 9mm Glock 17, Gen 4 Austria Pistol, isang magazine at 16 live ammunition na walang lisyensya.
Noong lunes, May 24, 2021 naglabas ng opisyal na pahayag ang Official page ng Barangay Canlubang na pinabubulaanan na nahuli at nakulong si Kapitan Larry Dimayuga at sinasabing siya lamang ay nasa kanyang opisina at tinutuloy gampanan ang kanyang responsibilidad bilang Kapitan ng barangay.
Ngunit dahil sa mga naglalabasang dokumento at iba pang report mula sa media ay napatunayang walang katotohanan ang naging pahayag ng barangay.
- Rey Angeles | News Correspondent | Canlubang Ngayon