05/09/2024
"Sulat Kay Inay"
Sa panahon Ng aking pag-iisa muli't muling naaalala ang mg araw na ika'y aking nakasama.
Mga hinaing mo'y Ako ang naging taenga,. Pinakinggang inam lahat Ng hinaing at pangungulila,Hindi man nagawan Ng paraan ngunit kahit paano'y sa aking pagdamay nagawang pawiin ang bigat at sakit na iyong pinapasan.
Nagsilbing pluma upang isulat ang mga daing mong walang nakinig sa aklat Ng Buhay mo na sa puso't isip ko'y ikinubli at nangakong itatagong lihim Hanggang sa aking huling paghinga.
Unti-unting pagdidilim Ng daigdig mo na iyong ininda ngunit Naging iyong mga mata sa panahong ika'y tuluyang pinagkaitan Ng liwanag.
Dumating sa panahong ika'y nilumpo Ng karamdaman ngunit naroon ako't nagmistulang iyong tungkod at sandigan tuwing ika'y matutuba.
Ginabayan at inalagaan sa abot Ng aking makakaya.
Sa panahon Ng tuluyang pagratay mo ako'y lubusan nang nahirapan,nahirapan sapagkat Hindi ko akalaing ika'y tatalunin Ng iyong karamdaman.
Sa Isang idlap ako'y iyong iniwan at Hindi ko man lang nalaman kung ako'y napatawad mo na sa aking mga pagkakamali't pagkukulang?.
Minsan namutawi sa aking mga labi na tanggap ko na ano man ang kahinatnan.
Buong Akala ko na ang iyong pagkawala'y matagal ko nang napahandaan ngunit Ngayon aking napagtanto na katapusan lang nang iyong pagdurusa ang aking tinanggap at Hindi ang iyong paglisan aking INA.
Isang malaking pagsisisi ang aking hinarap at Hindi mawari kailan magwawakas, Sapagkat Hindi ko na alam kailan muling masisilayan ang iyong magandang ngiti at maririnig ang iyong walang humpay na istorya tungkol sa iyong nakaraan at ang iyong aruga na walang maaring tumumbasna Sino man.
Nasaan ka man hiling ko ang iyong kapatawaran at iyong katahimikan, mapayapa ka sanang manirahan Kasama Ng poong maykapal.
Sa panulat ni:
Mharkuz_08
Ray Mark Malaguit
09/05/2024
--Plagiarism--
Credit should be given to the original composer, Reproducing and/or copying this without the consent of the owner is considered as a crime