04/01/2024
Lumaki ako sa BATANGAS, sa panahon na kung saan magkakakilala ang bawat isa at nagtuturingan na parang magkakapamilya. Ang bawat isa ay tumatawag ng Mamang,Nanang,Aling, Mang, KUYA at ATE kahit hindi naman magkakamag anak...Pwede kangkumuha na lang ng mainit na tubig na may kasamang kape at asukal sa iyong kapitbahay dahil hindi kailangang ilock ang mga pintuan dahil ng magnanakaw... Sa mga daan na hindi pa sementado kami naglalaro...Sa bandang ibaba sa tabing aplaya kung saan may mga naka park na bangka at singgol ng Mamang Jose...Sa bandang ilaya naman ay kabukiran na kung saan maraming dayami...maraming tubo,singkamas,mais na nakatanim...Kailangan na mabilis kang tumakbo kapag hahabulin ka ng Mamang Magdalino na may dalang itak kapag nahuli ka nyang dumadaan sa palayan... marurungis na hanggang sa pagsapit ng hapon.. kapag sinuwerte at may huli ang bayakos,marami kang titig na isda sa mga lambat,nakasupot sa iyong kamiseta kapag uuwi ka na...Hindi kami kumakain sa fastfood🍟🍔Wala kasi pa nuon sa probinsya... madalas ay lutong bahay ang aming pagkain. Bumibili kami ng sorbetes🍦kay Mamang Lando na tunog pa lang ng batingting niya ay alam mo na. Madalas kaming maglaro ng TEKS (hindi gaya ng 'TEXT' ng henerasyon ngayon), sipa, holen, luksong baka, ligtasan at taguanpung, Patintero, luksong tinik, Chinese Garter, bahay-bahayan (agawan pa kung sino ang gaganap na tatay at nanay), jackstone, syato at marami pang iba.Ginagawa naming bus ang hagdan ni Mang Perds at taksi naman ang hagdan ni Kuya Eddie...Nanghuhuli din kami ng mga salagubang at salaginto at mga alitaptap sa gabing madilim kapag walang kuryente habang naglalaro ng taguan... Basketball 🏀 is Life pagteam na ng Talisay naglalaro parang Ginebra ang laban punong puno at maingay ang playground.Dadayo sa ibang barangay na kapag sinuwerte ay may pa service na dump truck ang barangay... Gumagawa din kami ng mga laruan na truck na gawa sa pinagtabasang kahoy na ang gulong ay tansan ng softdrinks, saranggola na ang sinulid ay may bubog upang ipanlaban sa iba. Wala noong bottled water diretso sa gripo ang iniinom na tubig na sinasalo ng kamay. 🚰 At kung iinom kami ng softdrinks (Sarsi/Coke/Pepsi/RC,etc.) Magsasalo salo kami at iinom sa iisang bote na pinupunasan pa ng laylayan ng damit ang bukana..Madalas kapag may lagnat ka saka ka makakatikim ng de bote ...Wala noong kids tv channels 📺 pero may BATIBOT, ultraman, tele tubbies...Hindi rin colored ang tv, black and white pa kaya di mo maappreciate ang kulay nina red 1, Green 2 ng Bioman... Nagbibisikleta kami 🚲 ng ilang oras at gumagamit ng rampa na yari sa piraso ng tabla. Gumagawa kami ng bula mula sa sabong panlaba o kaya ay sa shampoo na nilagyan pa ng dinikdik na bulaklak ng Gumamela upang Mas maging mabula at madulas. Wala noong mobile phone o kahit na anong electronic devices/gadgets 📱💻📵. Kung may away noon ..suntukan ang labanan at bati bati agad. Hindi kami takot sa away... walang mga ilaw sa labas dahil walang mga poste💡 liwanag ng buwan ang aming ilaw...ang aming CURFEW ay ang SUTSOT at pagsigaw ng aming pangalan ng aming mga magulang ang hudyat ng pag uwi. Ang pag aaral ay nararapat gawin muna ngunit nakakaligtaan pa din ang ilang lessons ✏️📒. Nag iingat kami sa lalabas na salita sa aming bibig pag nasa paligid ang matatanda 👴🏼👵🏼 dahil alam naming matatapik kami o mapapalo ng sinturon, sapatos o tsinelas. 👞👠. Madalass sama samang nagtatampisaw at naliligo sa ulan, naglalaro sa baha or sa bukal o ilog pagkatapos maglaba...Maliligo sa dagat,manghuhuli.ng sipyok at kaluykoy...Manunungkit ng mga prutas, kaimito, bayabas, manga at minsan aakyat sa puno ng alatires,kamatsile,duhat, kalumpit, balimbing at kung anu ano pa...Sarap balik balikan sa ala ala ng nagdaan.
ITO ANG ANG AMING HENERASYON AT IPINAGMAMALAKI KO!
Nakakalungkot na hindi na mararanasan ng ating mga magiging apo ang ating mga naranasan na humubog sa ating kabataan.
Re-post kung kayo ay galing sa ganitong klase ng komunidad at inyo itong ipinagmamalaki. 👉😁 at Hindi kayo nakakalimot 👭👬👫 sa inyong pinagmulan.