16/04/2024
Pag sampa mo ng bente singko, sasampalin ka nang buhay na kala mo dati — chill lang.
Malalaman mo na yung salitang “di pinupulot ang pera” na dati ay naririnig mo lang sa magulang mo. Magtatrabaho ka, magbabayad ng tubig at kuryente, ‘tapos trabaho ulit. Paulit ulit.
Mamimiss mo yung batang ikaw, musmos, walang alam sa mundo.
May mga gabing bibilangin mo ang oras ng tulog mo kasi kala mo makakatulong ito.
Gigising ka para kumayod, humanap ng pera, perang akala mo sapat na, pero dahil salat ka, wala kang magagawa kundi tanggapin ang katotohanang ganto ang buhay.
Katotohanang dahil malaki ka na, malaki na rin ang bigat na papasanin mo. Dahil ngayong bente singko ka na, o bente sais o bente syete o bente otso, malalaman mong di ka nalang nabubuhay para sa sarili mong pangarap.
(c)